Saturday, May 14, 2011

Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez and his daughters want a baby boy


Malaki ang pasasalamat ni Ogie Alcasid dahil nasa mabuting kalagayan na si Regine Velasquez kung ikumpara nung mga unang linggo ng pagbubuntis nito.
Pahayag ni Ogie; "Hindi ko naman ipinagkakaila na I was a little bit concerned na medyo may kaba ng konti. Siyempre Regine is not young. I was concerned about her health, kaya natagal kami bago kami umamin in public. Mas maganda kasi yung sigurado kami na okay siya. Kumbaga sa wika natin, kumapit ang baby."
Nasa ikasampung linggo na raw ngayon ang baby sa sinapupunan ni Regine and so far, okay na raw ang kalagayan nito. "Well, the baby is doing well. You know everyday is always a blessing, 'ika nga."
Excited na rin daw siyang malaman ang gender ng baby, pero ngayon pa lang ay parang kinukondisyon na raw ni Regine na magiging baby boy ito.
"Kasi lagi niyang sinasabi, 'his' or 'he,' pero kung ano man ang ibibigay sa amin ng Diyos, magiging masaya na kami. Ang importante, safe si Regine at ang baby," patuloy nito.
Dahil sa kalagayan ni Regine, hindi na nga raw ito makakasama sa pagdalaw niya kina Michelle Van Eimeren at sa dalawang anak nila sa Australia nitong July, kung saan break sa school nina Leila at Sarah.
"Nakakausap ko naman sila every other day. Ina-update ko rin naman sila. Nakikita naman nila si Regine sa Skype [free internet call service], nakikita nila na malaki na ang tiyan at tuwang-tuwa naman ang mga anak ko. Kasi family kami, e, so nakakatuwa.
"Pareho silang brother ang gusto nila kasi parang ayaw na nila ng kapatid na babae," natatawang kuwento ni Ogie.
Madalas din daw ang pag-uusap nina Regine at Michelle, na nagbibigay ng tips.
"Lagi sila nag-uusap. Alam mo naman kapag ang babae nabubuntis, maraming changes. Maraming puwedeng mangyari. You have to watch what to eat, yung huwag masyadong madami. Kapag ginutom mo ang sarili, hindi rin madi-develop nang mabuti ang bata," ani Ogie.
Excited na silang mamili ng gamit pero hindi pa nila alam kung boy o girl kaya hanggang paikot-ikot lang daw muna sila.
"It's exciting, you know. Pero hindi ka naman makapili kung blue, red o yellow kasi hindi pa naman natin alam kung ano ang gender.
"Pero maganda na rin iyong tumitingin-tingin para makita mo na ang price, minsan sa Internet...Pero I think balak ng mga kapatid ni Regine at ng mga kapatid ko na bigyan siya ng baby shower para naman makatipid kami...para di mamili ng mga kung anik-anik," napapangiting pahayag ng songwriter.
"Inuna na namin yung maternal na damit ni Regine para sanay na siya sa mga ganung damit. Ako na mismo ang namimili para kumportable pa rin."
Minsan ay kinausap daw siya ni Regine kung puwede na nilang paringgan ng music ang baby.
Pero masyado pa raw maaga dahil 10 weeks pa lang ito. "Kasi si Regine binanggit sa akin kanina na 'Hon, baka puwede na natin paringgan ng music, para lalo maging musical yung ating baby.'
"Hindi pa siya sa first trimester na buo. Siguro on the third or fourth month, puwedeng mag-Ipad," patuloy na kuwento ni Ogie.
Sa ngayon ay mas inaalagaan daw nito sni Regine dahil nakikita na niya ang mga changes. Nagkakaroon na raw ito ng mood swings minsan pero hindi naman daw grabe to the point na matataranta siya.
"Minsan naman, pero cute siya. Medyo nagtatampo siya kapag sunud-sunod ang trabaho ko.
"Halimbawa, kapag panay ang golf ko, nandun lang daw ako sa bahay ba't pa raw ako lalabas. Cute naman siya magtampo. Ako naman, gusto ko rin naman sa bahay ako, so maganda ang bonding namin."
Inaasahan na rin daw niya na malaki na rin ang pagbabago nito kapag dumating na ang kanilang baby.
"You know, ang tingin ko kasi diyan, kapag may baby ka sa bahay, Kayong mga magulang, especially ang tatay, nagiging bata uli. Siguro sabi ng Panginoon, 'O, biyayaan kita ng baby, para na rin ikaw ay maging bata ulit. Ganun yun, e, kapag may baby ka sa bahay, para kang naging bata ulit.
"Narinig ko na yan kay Bitoy [Michael V] na, 'O, pare, kung may baby ka, maging bata ka uli," masayang kuwento ni Ogie.


0 comments:

Post a Comment