Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts
Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts

Monday, May 23, 2011

In the Name of Love lands in Top 20 highest grossing movies worldwide







Star Cinema's In the Name of Love landed at 15th place in a Top 20 list of movies worldwide with the highest gross.




The Angel Locsin-Aga Muhlach romantic drama grossed $1,917,443 (approximately P84 million) in the box office, as reported by the Associated Press on May 19.


The movie opened in local theaters on May 11.

The data came from Rentrak, a media measurement and research company that has been providing industry data for over two decades.




On May 21, Angel Locsin posted in her Twitter account: "wow! Thank u so much! RT@erikarabaya: #InTheNameOfLove Top15 most watched movies in the world http://bit.ly/igHReL Another Filipino Pride."






Here are the top 20 movies at international theaters last weekend, followed by international gross for the weekend (excluding North America), number of theater locations, number of territories, worldwide gross to date (including North America), and number of weeks in release as compiled Wednesday (May 18) by Rentrak Theatrical and provided by Hollywood.com:

1. "Fast Five," $44,464,276, 9,142 locations, 52 territories, $437,030,300, four weeks.

2. "Thor," $24,299,795, 9,177 locations, 53 territories, $351,672,123, four weeks.

3. "Priest," $15,537,120, 5,928 locations, 42 territories, $42,319,187, two weeks.

4. "Rio," $11,446,722, 7,144 locations, 54 territories, $418,781,999, six weeks.

5. "Water For Elephants," $9,952,838, 5,144 territories, 44 locations, $72,420,355, five weeks.

6. "Midnight In Paris," $5,497,429, 676 locations, three territories, $6,486,812, one week.

7. "Source Code," $4,655,971, 1,236 locations, 24 territories, $101,288,698, seven weeks.

8. "Sunny," $4,238,124, NA locations, one territory, $12,370,699, two weeks.

9. "Black Swan," $3,399,672, 399 locations, 13 territories, $299,089,022, 17 weeks.

10. "Something Borrowed," $3,070,276, 3,368 locations, 12 territories, $35,408,484, two weeks.

11. "Scream 4," $2,630,858, 1,820 locations, 29 territories, $91,621,281, five weeks.

12. "Peak -The Rescuers," $2,367,471, locations not available, one territory, $8,907,190, two weeks.

13. "Unknown," $2,342,180, 632 locations, 15 territories, $127,144,550, 11 weeks.

14. "Insidious," $2,036,375, 1,113 locations, five territories, $66,409,258, seven weeks.

15. "In the Name of Love," $1,917,443, 87 locations, one territory, $1,917,444, one week.

16. "Attack the Block," $1,842,181, 352 locations, one territory, $1,842,182, one week.

17. "Hanna," $1,809,074, 1,283 locations, three territories, $46,962,126, six weeks.
Reade more >>

Tuesday, May 17, 2011

Angel Locsin exclaims "Kinikilig ako. Kinikilig ako." after receiving four "surprise gifts" from Phil Younghusband


Si Angel Locsin, na kasalukuyang umaani ng magandang feedback dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name of Love, ang guest sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez sa The Buzz noong Linggo, May 15.
Ang bungad ng misis ni Aga Muhlach, noong una pa lang daw niyang napanood ang movie sa dubbing, nag-text na raw siya sa young actress na "this is her movie and she will shine."
Ang masayang pahayag naman ni Angel, "Salamat Ate Charlene. Ako, I'm very blessed lang talaga na nahawakan ako ng magagaling na tao rito sa pelikulang ito. Kasama ko si Kuya Aga [Muhlach] na hindi talaga ako binitawan. So, para sa akin, yun yun, e. Hindi ko magagawa or hindi ko kayang gawin ang ipinakita ko rito kung hindi dahil sa kanila."
Ang tanong ni Charlene, ano ang pakiramdam na isa nang certified blockbuster artist ngayon si ANgel dahil sa tagumpay ng kanyang recent movie with Star Cinema?
"Hindi ko alam. Hindi ko ma-feel. Parang ngayon kasi, ang bilis kong magsalita, 'di ba," natatawa niyang sabi. "Sa ngayon kasi, I'm very happy kasi kung alam niyo lang kung gaano ang hirap dito ng staff, ng production, sa tingin ko, karapat-dapat silang magkaroon ng alam mo yun...ay, kasama ako sa proyektong 'yan. Super happy ako for them."
Ang kuwento pa ni Charlene, noong premiere night, kung saan napagitnaan si Aga nina Angel at Charlene, madalas daw ang pagtapik ng male lead sa kapareha para sabihan ng "good job."
"Wow naman," sambit ng Lobo star. "Thank you...salamat talaga. Thank you kasi, inaamin ko, mahirap talaga. Nahirapan talaga ko rito sa character ko rito plus sa schedules and all. Salamat, maraming salamat. Kasi sa trabahong ito, yung ma-compliment ka lang, masabihan ka na gusto ko yung ginagawa mo, wala na, sobrang sulit na, wala nang pagod."
Nanood daw ng movie si Angel kasama si Kris Aquino?
"Yeah, nanood kami. Pinanood niya yung pelikula 'tapos, I think, nag-tweet yata si ate Kris about the movie, kung gaano kagaling si Aga Muhlach, si Jake na isang revelation nga naman sa pelikulang ito. Na-appreciate rin niya ang ginawa ko rito, so, I'm very happy.
"Siyempre, alam ko kung gaano ka-busy si ate Kris tapos nanood siya. Nagkaroon kami ng movie date, sobrang na-appreciate ko talaga yun," ang masayang kuwento ng dalaga.
If there's one person na sobrang proud daw kay Angel since she started her showbiz career, ito ay ang kanyang ama, na hindi nadalaw ng 24-year-old star noong nagkasakit dahil nagsabay ang taping at shooting ng Imortal at In The Name of Love. Ano naman ang naging comment ng kanyang daddy?
Ang kuwento ni Angel, "Kanina, tumawag sa akin. Siya yata yung gumising sa akin. Sabi niya, 'Angel,' kasi nasa baba ang room niya, nasa taas ako. 'Kumusta yung pelikula niyo? Kumusta yung kita?'
"[Sabi ko] Dad, ngayon pa lang ako pupunta ng ABS, ngayon pa lang ako makikibalita.
"Ganoon naman talaga si daddy, number one fan ko talaga yun. Mas marami pa siyang nalalaman kesa sa akin. Mas updated si daddy."
THE OTHER MAN IN HER LIFE. Dumako ang usapan sa kanyang dine-date na si Phil Younghusband. Ang tanong ng host, ano raw ba ang relationship status ng young actress ngayon?
"Well, doon ako sa exclusively dating talaga. Well, kasi kami ni Phil, kapag may ini-entertain na kami, yun lang. Hindi namin kaya ang sabay-sabay. Lalo na ako, hindi ko kaya ang sabay-sabay kasi kapag meron na akong dine-date, yung focus ko sa kanya lang. Ganoon ako. Ayoko kasi ng paiba-iba. Hindi ko kaya ang paiba-iba."
Sila na raw ba ni Phil?
"No, no, hindi pa. Masyado pang maaga. Pero sa ngayon, ine-enjoy na lang muna namin kung ano ang nadi-discover namin sa isa't-isa. Kilig-kilig."
Nag-I love you na raw ba si Phil kay Angel?
"Hindi ko alam, siya na lang ang tanungin niyo," ang tila nahihiya niyang sagot. "Hindi ko pa masabi...bigay niyo muna sa amin 'to. Mahirap kasi iniisip ng tao, kami na talaga. Ako kasi, ayoko pang magmadali talaga. Gusto ko munang i-enjoy 'to. Kilalanin siya.
"Kasi, I'm 26 na. Ayoko lang sigurong maglaro. Ayokong masaktan. Careful lang ako."
Tila hindi naman makapaniwala si Angel sa apat na surprise gifts ni Phil sa kanya.
Una rito ay isang personalized card na tila hand-made pa. Sa cover ay may nakasulat na "applause, applause." Sa request na rin ni Angel, si Charlene ang magbasa ng dedication:
"Dear Angel, Congratulation on your movie. You did a great job. These gifts are for you in the name of love. Lots of love, Philly."
Tanong ni Angel, kay Phil daw ba talaga galing ang card? Oo ang sagot ni Charlene. Natatawa na halatang kinikilig si Angel sa mga narinig.
Ang ikalawang gift naman ni Phil ay isang water bottle na may handwritten note si Phil na, "Dear Angel, I thirst for your affection. Phil."
Dahil dito, lalong lumakas ang sigawan ng mga kinikilig sa loob ng studio ng The Buzz.
Ang ikatlong gift naman ni Phil ay isang pillow to make sure raw that Angel is always comfortable.
Ang panghuling gift ni Phil kay Angel, na madalas biruin ni Charlene na ang haba na raw ng hair nito, ay isang bear. Sa mismong paper bag isinulat ang note ng football player na, "Someone to cuddle you when I'm not there."
Sa lahat ng gifts ni Phil, ang nasambit ni Angel, "Surprise! Nagulat ako."
Dugtong niya, "First time na may gumawa sa akin noon. Hindi ko alam, e. I'm very thankful lang talaga do'n sa time, sa effort, and si Phil kasi, nararamdaman ko na palagi lang siyang nandiyan. Kahit alam niya na hindi pa ko ready, kailangan ko pa ng time, pero sobrang thankful talaga ko sa kanya.
"Kinikilig ako. Kinikilig ako. Thank you, thank you."
Hirit pa ni Angel, "Hindi naman ako na-brief na ganito pala ang interview na ito. Oh my god, natatawa niyang sabi."
Ayon kay Charlene, nakaka-flatter when a man professes how much he loves you.
Sinegundahan naman ito ni Angel nang, "Oh yes, oh yes, yung proud siya sa 'yo. Ipinagmamalaki ka niya sa buong mundo. Nakakagaan ng loob. Maraming salamat. Thank you, Phil."
On the other hand, sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon, what are the things she is most thankful for?
"Maraming bagay, Ate Charlene, e. Siyempre yung pamilya ko. Hindi ko ipagpapalit sila kahit kailan dahil yung support nila, nandiriyan. Yung friends ko na naka-suporta sa akin, naiintindihan nila ko. Sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin, sa mga angels ko, kasi alam mo yun, kahit na may mga nababasa silang negative about me, nandiyan pa rin sila, sumusuporta at hindi sila agad nagpapa-apekto."
Sa huli, pinasalamatan ni Angel ang director nila sa movie na si Direk Olive Lamasan.
Aniya, "Inang, hindi ko po ito magagawa kung hindi dahil sa inyo. Maraming-maraming salamat pong talaga. Isa po kayong genius talaga. And Tita Malou [Santos], marami pong salamat talaga. Hindi kayo sumuko sa schedule. Kasi, sabay po talaga ang Imortal, medyo mahirap pong talaga ang schedule at maraming-marami pong salamat talaga, Tita Malou."
May pahabol pang tanong si Charlene kay Angel, ready raw ba itong i-give up ang lahat in the name of love?
Ang nakangiti namang sagot ni Angel, "In time..."
Reade more >>

Wednesday, May 11, 2011

Angel Locsin recalls how Aga Muhlach took care of her while doing their love scenes together


Angel Locsin looked lovely in her red dress with narrow lace sleeves as she walked down the red carpet for the May 10 premiere of In the Name of Love.
In this romantic drama, she plays Mercedes, a woman who becomes involved in a dangerous love triangle with the characters played byAga Muhlach and Jake Cuenca.
The ABS-CBN actress felt very satisfied with their movie, which was partly shot in Japan.
"Kanina nga, hindi kami makahinga, kaming tatlo [referring to herself, Aga, and Jake].
"Sobrang excited kami na mapanood namin ang film na ito.
"Hindi ko pa nakikita kahit na-dub ko na. First time talaga.
"Iba yung pakiramdam na [makita] ang pinaghirapan mo. Ganun pala ang magiging 'itsura.
"Alam ko isang henyo ang isang Olive Lamasan [their director], pero di ko akalain na ganito pala ang mangyayari.
"Kahit ako na umaarte at kasama ko sila ng isang taon, hindi ko ine-expect na ganito pala.
"To Direk Olive, sobrang saludo po ako sa inyo."
What is her reaction to comments from fellow stars who said that her acting was very different since it was subdued and that she mostly used her eyes to convey her emotions?
Angel replied, "Masayang-masaya po kasi nahirapan talaga ako sa schedule ko dahil kasabay ng Imortal, at sa sobrang laki ng proyektong ito, nakaka-intimidate talaga.
"Para mapuri ka ng mga kasama mo sa trabaho, malaking bagay para sa akin."
LOVE SCENE WITH AGA. With regards to her much-talked about love scene in the movie, Angel admits, "Ito ang mga bagay na hindi ko ginagawa dahil hindi ako kumportable."
Would she consider this to be her most daring role for a movie?
She quipped, "Yes, yes. This is it!"
What made her accept this daring role?
She pointed out that she agreed because of the fact that the movie would be helmed by veteran director Olivia Lamasan.
She then added, "Mahirap kasi pag hindi ka kumportable sa katrabaho mo.
"Si Aga, siya pa ang nagpa-panic. [Tinatanong niya], 'Okay ka na ba? Safe ka na ba? Covered ka na ba?'
"Ako, relaxed lang ako kasi wala na kong ibang iisipin kasi siya na ang nagpa-panic for me. Sobrang gentleman talaga."
Is she hoping to win an award for her performance as Mercedes?
"Kung bibigyan ako ng award, maraming salamat po. Maganda kung ma-appreciate nila kung anong ginagawa ko."
MIKO SOTTO. May 10 was a particularly sentimental day for Angel since it would have marked the birthday of her boyfriend, Miko Sotto, who died in December 2003.
"As much as possible, ayoko ko nang [pag-usapan] kasi baka ma-misinterpret ng mga tao, pero di naman nawawala ang communication naming dalawa.
"Pag may mga ganung bagay kasi, hindi mo naman nalilimutan."
PHIL YOUNGHUSBAND. Azkals football player Phil Younghusband recently admitted that he and Angel are already "exclusively dating" each other. (CLICK HERE to read related article.) However, he was conspicuously absent that night.
Angel explained, "Nag-congratulate siya, pero siyempre, premiere etiquette."
Would she be willing to join him when he watches the film?
"Nahihiya ako, e!" she said with a laugh.
She then declined to answer any more questions about Phil.
In the Name of Love, which is currently being screened in cinemas, has been graded B by the Cinema Evaluation Board.
Reade more >>

Friday, May 6, 2011

Phil Younghusband admits "exclusively dating" with Angel Locsin


Inamin ng sikat na football player na si Phil Younghusband na "exclusively dating" na sila ni Angel Locsin.
Ginawa ng Azkals heartthrob ang pag-amin sa panayam sa kanya niBoy Abunda para sa showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon. Si Angel ay talent ng ABS-CBN.
Sa naturang panayam ay idinetalye rin ni Phil kung paano nagsimula ang lumalalim na nilang relasyon ni Angel.
Kuwento niya, “The first meeting of me and Angel, I met the family. I came on my own and it was nice.
"I got to meet her dad, her brothers and sisters, and her friends and family.
"It was good. They made it easy for me.” he said.
Inamin ni Phil na kinabahan siya sa una nilang pagkikita ng aktres.
"Yes, yes. I didn't know what to do. Hindi ko alam ano'ng gagawin," sabi niya.
Reade more >>

Angel Locsin "I haven't seen the right guy for me"


Ayon kay Angel Locsin, isang malaking karangalan at oportunidad ang mapili para maging bidang aktres sa bagong pelikula ng Star Cinema, ang In the Name of Love.
Ito ang una niyang pelikula katambal ang matinee idol na si Aga Muhlach, kasama rin si Jake Cuenca. First time din ni Angel na maidirek ni Olivia Lamasan.
Pakiramdam nga raw ng young actress ay "baguhan" pa lang siya habang ginagawa nila ang pelikula. Ito ay sa kabila ng napakarami na niyang nagawang mga pelikula at teleserye.
Bakit niya nasabi ito?
"Kay Inang [Direk Olive] lang po, ang dami kong natutunan. Na ganito po pala kapag pelikula.
"Hindi po ako sanay sa pelikula. Kung paano gamitin ang mata. Ang dami, ang dami po talaga.
"Pati sa posisyon at kung papaano ginagamit ang camera angle. Hindi ko alam kung papaano sa film.
"Kami ni Jake, para talaga kaming kinder rito, ang dami naming natutunan," saad ni Angel.
Reade more >>

Wednesday, May 4, 2011

Angel Locsin admits Phil Younghusband followed her in HK

Iniwasang kumpirmahan o itanggi ni Angel Locsin ang napabalitang maiksing bakasyon nila ng rumored suitor niyang si Phil Younghusband sa ibang bansa kamakailan.
Ayon sa mga lumabas na posts sa iba't ibang blogs—na may kasama ring ilang mga larawan—magkasama umano sina Angel at Phil noong nakaraang Holy Week sa Hong Kong.
Kasama din umano nila sa bakasyon ang matalik na kaibigan ni Angel na si Bubbles Paraiso.



Reade more >>