Showing posts with label Charice. Show all posts
Showing posts with label Charice. Show all posts

Sunday, May 15, 2011

Charice clarifies issue about her "Before It Explodes" single: "I'm the one who release it first, so it's my song."


Matapos ang global digital release ng single ni Charice na "Before It Explodes," ilang fans ng British singer na si Alexandra Burke ang nag-react.
Nauna raw kasing i-record ni Alexandra ang naturang kanta na nilikha ng Grammy award-winning R&B artist na si Bruno Mars.
Ngunit nilinaw ni Charice ang tungkol sa naturang single sa panayam sa kanya ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.
"Gusto ko lang i-clear, actually 'no, kasi ang daming lumabas na issue about it.
"Na kasi, merong isang artist na nag-demo nung song—si Alexandra [Burke].
"So, gusto ko lang i-clear na hindi niya ni-release 'yan, hindi niya ni-release, or si Bruno.
"Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito," pahayag ni Charice mula sa Las Vegas, sa isang taped interview ng Startalk TX segment host na si Enzo Pineda.
Ayaw na raw patulan ni Charice ang kanyang mga kritiko. Instead ay naka-focus daw siya ngayon sa shooting ng kanyang kauna-unahang Hollywood film.
"Ayun, nagsu-shooting pa rin ako ng movie. Movie with Kevin James and Salma Hayek, and it's called Here Comes The Boom.
"Ilalabas siya next year, pero nagsu-shooting pa rin kami ngayon.
"And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria."
Abala rin si Charice sa promo ng song which she co-produced with Nick Jonas of the Jonas Brothers.
"Actually yung 'One Day' is a song para sa commercial ko na...na theme song for that, and Nick Jonas wrote the song 'One Day.'"
Reade more >>

Tuesday, May 10, 2011

Charice's rendition of Philippine National Anthem at Pacquiao-Mosley fight was "perfect" NHI said.


Bukod sa tagumpay sa kanyang mga laban ni Sarangani Representative at 8-division world champion na si Manny Pacquiao, isa pa sa inaabangan ng mga Pinoy sa tuwing may laban ang Pambansang Kamao ay ang pagkanta ng Philippine National Anthem ng napiling singer ng boxing champ, na kung minsan ay pinagmumulan din ng kontrobersiya.
Sa laban nga ni Pacquiao kontra kay Shane Mosley noong Linggo, May 8, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, ang Pinay international singing sensation na si Charice ang napiling kumanta ng "Lupang Hinirang."
Ayon nga kay Charice sa isang interview, "Gusto ko lang na parawala nang issue and all that, gusto ko na sundin lang yung patakaran."
Dati na kasing nasita si Charice ng National Historical Institute(NHI) sa nauna niyang pagkanta noon ng Pamabansang Awit kaya ingat na ingat siya ngayon.
Ang NHI ang unang nagre-react kapag sa tingin nila ay hindi tama ang pagkanta ng National Anthem sa laban ni Pacquiao.
Maganda naman ang naging resulta ng pagkanta ni Charice. Maging ang NHI ay pinuri rin ang pag-awit ng Pinay singer.
Sa phone patch interview ng Tweetbiz Insiders kagabi, May 9, sa officer ng NHI na si Mr. Teddy Atienza, sinabi nito na "perfect" daw ang pagkanta ni Charice ng "Lupang Hinirang."
"Perfect po ang pagkakanta niya. Tamang-tama po yung kanyang tempo.
"Tamang-tama po ang kanyang bilis at buong-buo niya pong nakanta yung ating Pambansang Awit," sabi ni Mr. Atienza.
Kumonsulta ba ang kampo ni Charice sa NHI para sa pagkanta nito ng "Lupang Hinirang"?
"Lahat po ng malalaman namin kung sino yung kakanta, sinusulatan po namin sila at pinapadalhan din po namin sila ng CD ng tamang pagkanta ng 'Lupang Hinirang.'
"Si Ms. Charice Pempengco po, pinapunta po niya yung kanyang... si Ms. Grace Mendoza, yung manager niya po yata yun, at humingi pa rin po ng CD dito sa amin.
"Kahapon po, pagkatapos ng kanta niya, madami akong natanggap na tawag atsaka text.
"Pinapasalamatan ho ng aming tanggapan ang magandang pagkakanta ng 'Lupang Hinirang' ni Ms. Pempengco," pahayag pa ni Mr. Atienza.
Reade more >>

Monday, May 9, 2011

Charice follows rule in singing the Philippine National Anthem at Pacquiao-Mosley fight


Si Charice ang kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang "Lupang Hinirang," sa laban nina Manny Pacquiao at Shane Mosley noong Linggo, May 8, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang Pambansang Kamao ang nagwagi pagkatapos ng 12-round fight nila ni Mosley.

Ano ang pakiramdam ni Charice habang inaawit niya ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa harap ng libu-libong tao sa loob ng MGM Grand at sa milyun-milyong nanonood sa pay-per-view television?

"Talagang kailangang nasa tamang tiyempo at talagang dapat focused talaga, so kinakabahan ako.

"Actually, nag-rehearse ako kanina, pero talagang may timer ako. Kasi, di ba, alam natin na naging issue na rin 'yan before?" sabi niya.

Ang tinutukoy ni Charice ay ang pagbatikos ng National Historical Institute sa mga kumakanta ng "Lupang Hinirang" sa mga laban ni Pacquiao.

Patuloy ng singer, "Gusto ko lang na para walang issue and all that, gusto ko na...

"Alam ko naman na... I mean, nobody's perfect, na walang makaka-perfect talaga nun.

"Pero gusto ko na sundin lang yung patakaran."

Ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang nag-interview sa Pinay international singing sensation sa Las Vegas mismo.

Ipinalabas ang taped interview kay Charice kahapon, May 8, sa Showbiz Central.

Ano ang ginawang paghahanda ni Charice?

"Parang nililibang ko yung sarili ko before ng performance," sagot niya.

"Kasi yung mga ganitong event, talagang ano, e, sira ako diyan, e.

"Kasi talagang pag kinabahan ako, talagang nandun yung tanggalin ko yung balat ko dito [daliri sa kamay], balat doon...

"So, kailangan talaga yung pino-focus ko yung sarili ko sa iba, sa ibang bagay.

"Minsan naglalaro ako."

Reade more >>