Showing posts with label Judy Ann Santos. Show all posts
Showing posts with label Judy Ann Santos. Show all posts

Tuesday, May 17, 2011

Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho


Sa pictorial ni Judy Ann Santos para sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Junior MasterChef, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa iba't ibang bagay na may kaugnayan sa kanyang pagiging ina.
Paano ba ang pakiramdam ng isang ganap nang ina?
"Masaya, very fulfilling," sambit niya.
"Masaya ang pakiramdam na nagigising ka sa bawat araw.
"Ako, ang typical day ko, magigising ako ng umaga, papasok ako ng kuwarto ng anak ko, I'll check on them if they're already awake. Kaunting laro kay Lucho.
"Then magluluto na ako ng baon ni Ryan para sa shows niya o kung may taping siya that day.
"Kung halimbawang may trabaho sa araw na yun, bonding muna with the kids.
"Alis na muna sa trabaho, tapos balik ako agad to make sure na hopefully gising pa sila na maabutan ko.
"Bilang nanay, ganun ka pala, 'no? Eager kang umuwi kasi gusto mong maabutan yung mga bata.
"O, kung manonood ka ng sine, always last full show kasi dapat tulog muna yung mga bata.
"Pag manonood ka ng sine, parang hindi ako mapakali kasi parang naiisip ko sila."
MOTHER'S DAY. Tanong ng PEP, kumusta naman ang naging selebrasyon nila noong nakaraang Mother's Day, May 8?
Ayon kay Juday/Judai, "Nung Mother's Day, hindi kami lumabas ng bahay kasi bumabagyo.
"Nasa Alabang kami. Nag-lunch na lang kami nina Mommy [Carol Santos] sa bahay [namin] after watching Pacquiao."
Ang tinutukoy ni Juday ay ang May 8 na laban ni Manny Pacquiao sa U.S. kontra kay Shane Mosley, na pinagwagian ng Filipino boxer at Sarangani representative.
Patuloy na kuwento niya, "Nag-lunch kami kasama ang mommy ko, ate ko, sister-in-law ni Ryan, at mommy ni Rye.
"Kasi pag nasa restaurant kami, parang kulang na lang singilin ako ng restaurant sa nasisira ng mga bata.
"Sabi ko, dito na lang tayo sa bahay. Kung may masisira man kami, maglinis na lang."
Ayon pa sa aktres, "Ang kaibihan lang ngayon, naiintindihan ko na yung card ni Yohan.
"Kasi dati, hindi ko naiintindihan kasi nag-i-scribble lang siya.
"Pero ngayon may mga words na, mayroon ng magandang note kay Mommy.
"Nakakatuwa. Tapos pag tinitingnan ko yung mga anak ko, nanay na ako!"
Ano naman ang regalo sa kanya ni Ryan noong Mother's Day?
"We normally give gifts to each other kahit walang mga okasyon, so yung mga ganung bagay...
"Basta ang importante, pag may mga okasyon na ganyan, magkakasama lang kami, okay na yun."
YOHAN & LUCHO. Kinumusta rin ng PEP kay Judy Ann ang kanyang mga anak na sina Lucho at Yohan.
"Seven [months] na siya nung Friday," banggit ng aktres tungkol sa kanyang bunsong anak na lalaki at unang biological child.
"Siyempre anak ko, sasabihin ko napakaguwapo. Maputi, hating-hati...
"Pag tinitingnan ko nga yung pictures niya nung bagong panganak siya, sobrang ibang-iba ang hitsura niya ngayon.
"Kasi nung ipinanganak siya, sabi ko, 'Bakit mukhang tarsier ang anak ko?'
"Pero kasi, ang cute-cute niya, ang laki-laki ng mata!
"Tapos sabi ko nga kay Ryan, 'Love, nakyu-kyutan ba tayo sa anak natin dahil anak natin siya?' Pero cute talaga siya, e.
"Ngayon, ilong at lips, kuha sa akin, tapos pataas kay Ryan.
"Napaka-steady na bata, happy lang siya, tawa lang nang tawa.
"Iiyak lang pag gutom or inaantok. Ang bait, sobrang bait.
"Nagku-crawl na siya, malikot na siya."
Pagpapatuloy ni Juday, "Si Yohan naman, mahilig magsalitang mag-isa 'yan sa camera.
"Siguro kasi napapanood niya ang mga shows na nakikita niya yung host, kaya ginagaya niya.
"Natatakot ako, hindi ko alam kung saan siya patungo!" Sabay tawa ng artistang tanging tinatawag na superstar besides Nora Aunor.
Dagdag nito, "Nae-enjoy na niya masyado ang TV. She loves seeing herself on television, she loves to entertain."
Wala na bang selos sa parte ni Yohan, na inamin dati ni Ryan ay naging problema nila bago ipanganak si Lucho?
"Siyempre, mayroong selos," prangkang sagot ni Judy Ann.
"Hindi naman yata mawawala sa panganay yun, lalo na kapag may kapatid na lalabas, di ba?
"Mayroon, pero tina-try naman naming i-explain sa kanya na, 'It doesn't mean na kapag may bagong baby, hindi na ikaw yung baby.'
"Sinasabi namin na, 'Magiging baby ka namin hanggang thirty-five ka na!'"
IN THE LIMELIGHT. Laging sinasabi ni Ryan dati na si Juday ang tanungin kung papayagan niyang gumawa rin ng commercial si Lucho o mag-aartista si Yohan.
Dahil daw, si Juday bata pa lang ay sumabak na sa pag-aartista.
So, papayagan ba niyang gumawa ng commercial si Lucho, o pumasok sa showbiz si Yohan?
Sagot ng dating child star, "Ang hirap kasing magsalita kung ang panahon noon ay panahon ngayon na napakasarap mag-artista.
"Kapag bata ka kasi, walang expectations yung mga manonood, tapos hindi ka napi-pressure magdalaga.
"Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12.
"Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap.
"I don't want our daughter to go through that.
"Gusto ko ma-enjoy niya talaga ang childhood niya kasi hindi na niya mae-enjoy yung childhood niya.
"Ako lang, kung mababalikan ko lang yung pagbata, binalikan ko na. Kaya lang, hindi talaga.
"So, yun ang gusto naming ma-experience niya.
"Gusto ko masubukan niyang maglaro sa labas. Hindi siya masyadong nag-a-iPod, hindi siya masyadong nagko-computer always.
"Pinagpu-football namin siya ngayon kasi gusto niya yung football.
"Gusto namin siyang turuan ng patintero, tumbang preso, taguan, kasi dun kami ni Ryan lumaki.
"Ayaw namin siyang maging bum na nandun lang sa harap ng computer, pumapapak ng tsitsirya.
"Gusto namin active siya."
Dagdag ng 33-year-old actress, "Regarding Baby Lucho, basta okay ang produkto, basta ginagamit at hindi magkakaproblema sa bata, bakit hindi?
"Deserve naman ng mga tao na makita ang baby namin kasi nasa harapan nila ako for how many years.
"Tina-try ko lang i-explain na hindi lang agad-agad.
"Siguro pag nanay ka... May ibang nanay na gustong i-share agad ang anak nila.
"Ako, siguro, kilala rin naman ako ng mga tao na hindi ako agad-agad, gusto ko ako lang muna.
"Gusto ko makita ko muna siya na nade-develop.
"In time, siyempre ilalabas din namin siya.
"Hindi naman puwedeng hindi kasi masyado naman kaming sasabihang selfish ng mga tao."
Open book ang pagiging adopted ni Yohan. Bagay na, ayon sa aktres, ay hindi naman niya itinago kay Yohan kahit kailan.
"What's nice about Yohan," sabi ni Judy Ann, "she knows naman from the start.
"Every time she asks question, we answer her in the most proper way.
"Ine-explain namin sa kanya nang maayos na, 'You didn't come from Mama's tummy.
"But you know what, God is really good because when we prayed, He gave you to us.
"So you come from Mommy and Daddy's heart.
"So when people ask you kung saan ka galing, you come from Mommy's heart.' Ginaganun namin siya.
"Nagtatanong pa rin siya, 'Who's my Mommy? Do you know my Mommy?' May mga ganun siya.
"Siyempre sa akin, 'Hay, paano ko ba ito sasagutin? Paano mo ba ie-explain sa batang six years old kung saan siya nanggaling?'
"Mas mabuting sa amin na manggaling kung saan ang pinagmulan niya kaysa sa ibang tao ang magsabi sa kanya, na baka yung way na pagsabi sa kanya ay hindi maganda.
"Baka magrebelde yung bata o iba yung intindi niya, hindi namin siya ma-shelter sa ano pang puwedeng mangyari.
"So as much as possible, we are very honest to Yohan sa bahay, hindi yung mga lies-lies na ganyan.
"Yun ang upbringing namin sa kanya," saad ni Juday.
Reade more >>

Friday, May 13, 2011

Judy Ann Santos "excited but nervous" about hosting Junior MasterChef


Pagkatapos magpahinga ng mahigit isang taon, balik-telebisyon muli ang young superstar na si Judy Ann Santos via Junior MasterChef Philippines ng ABS-CBN.
Matatandaang nagpahinga si Judai nang mabuntis siya at ipanganak ang anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.
FIRST HOSTING JOB. Bagamat excited at masaya ang aktres sa kanyang pagbabalik-telebisyon, aminado siyang kinakabahan siya dahil ito ang first time na magho-host siya ng isang TV show.
"Very different siya sa lahat ng ginagawa ko kasi unang-unang beses kong magho-host.
"Gusto ko siya kasi even before pa na prinesent sa akin ito, napapanood ko na.
"Nung prinisent na nila sa akin, nakita ko pa lang yung logo, na-excite na ako.
"Halos maluha-luha na ako sa excitement kasi alam ko yung show.
"Isang ganun pa lang ng mga itlog na sumasabog, alam ko na," sabi ni Judai nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ni Raymund Isaac last Monday, May 9, para sa pictorial niya sa Junior MasterChef.
Ang Junior MasterChef ay franchise ng sikat na reality cooking competition para sa mga bata na nagsimula sa Australia.
Dagdag ni Judai, "One hundred fifty percent ang kaba ko kasi hindi ko alam kung hanggang saan ang kapasidad ko na umintindi ng mga spiels.
"Hindi naman ako magaling mag-adlib, hindi naman ako parang si Ryan [Agoncillo] na mahusay siyang magsalita.
"Sabi ko sa kanya [Ryan], 'Puwede bang sa rehearsals nandun ka,' para lang ma-guide niya ako.
"Sabi niya, "Madali lang 'yan sa iyo. Hindi mo na mapapansin na nagsasalita ka na kasi nae-enjoy mo na ang ginagawa mo. Sa umpisa lang na kakabahan ka.'
"Sabi niya sa akin, enjoy-in ko lang lang daw, tapos ilagay ko yung lahat-lahat dun sa show.
"Alam kasi ni Ryan na pag may hino-host kaming awards nights at mga pageants na ganyan, ako yung unang-unang natatakot.
"Ito kasi, hindi ka rin puwedeng magkamali ng spiels kasi mga bata ang pinapaliwanagan mo, so it's really different.
"Sana, may pressure man na slight, maabot ko kahit kaunti yung ine-expect ng mga tao ng pagiging host na maayos."
Aminado si Judai na malapit sa puso niya ang nasabing show dahil bukod sa may malalim din siyang interes sa pagluluto, puro bata ang contestants dito.
"So, it's really different sa mga cooking shows na napapanood natin before."
WHAT ABOUT ACTING? Isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon si Judy Ann. Kaya tinanong namin siya kung bukas pa ba siya sa paggawa ng mga teleserye kung saan talaga siya nakilala at hinangaan.
"May mga usapan, pero nag-iisp pa rin kami ng magandang istorya," sagot niya.
"Kasi, parang lahat na rin ng ginagawa ngayon, kung hindi remake, kagaya sa ibang bansa, or mag-ina na nahiwalay o magkapatid sa ending.
"I want a story that's refreshing na hindi pa talaga napapanood na ganung story.
"Nagre-ready pa rin ako kasi hindi ko pa kaya na matagal mahiwalay sa mga bagets ko.
"Kasi, nasanay ako for eight months na sila lang ang nakikita ko, kami lang ang magkakasama.
"Pag nag-start ka na uli mag-taping, may mga restrictions ka ng time, location.
"Kasi, ako lang, maarte ako. Inaamin ko po, maarte akong ina.
"Marami akong demands pagdating sa anak ko.
"What's good with ABS is that they are more than willing to wait, and they really, really respect my decision.
"Saka sabi ko rin, I need to be in top condition.
"Yung ganitong mga hosting, okay, kasi it won't require too much time.
"Nami-miss ko yung umarte, pero hindi ko yata kaya ma-miss na malayo sa mga anak ko."
MOVIE WITH COCO. Pero nabanggit ni Judai na nakatakda siyang gumawa ng isang pelikula ngayong taong ito. At ang makakapareha niya ay ang award-winning actor na si Coco Martin.
"I think that's enough for the whole year," sabi ng aktres.
"Next year, pag-uusapan uli kung ano ang puwede pang gawin pag bumalik na ako sa teleserye.
"Dire-diretso na 'yan, so mahirap pag wala ka dun sa bahay."
BETH TAMAYO. Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Beth Tamayo, tinanong ng PEP si Judai kung ano ang reaksyon niya nang mapagkamalang si Beth ay si Elizabeth Batain na nabitay sa China dahil sa kasong "drug mule".
"Alam mo, pinagtawanan lang namin kasi," sabi niya.
"Kung may mga ganun mang mangyari, ako yung unang-unang makakaalam. And I know Beth so well.
"And mayroon naman kaming communication even before mangyari ang lahat-lahat ng ito, and hanggang ngayon, mayroon pa rin.
"Natawa lang kami. At the same time, na-realize ko na grabe din talaga sa industriyang ito.
"Dahil lang kapangalan mo, at hindi ka nakikita ng mga tao, nag-one plus one na sila: 'Ay, walang picture, si Beth Tamayo 'yan!'
"Parang nakakalungkot lang for Beth's family, kasi sobra silang nalulungkot na wala sa tabi nila si Beth, tapos may mga ganun pang issue.
"So, sana kung may ganung bagay-bagay na pag-uusapan, ire-research nila nang maayos.
"Huwag basta-basta ilalabas kasi isipin naman nila yung mararamdaman ng pamilya, di ba?"
Dagdag pa niya, "I don't know her work, but she's very, very okay. Nasa pinaka-steady siyang estado sa ngayon.
May balak bang umuwi ng Pilipinas si Beth?
"Hindi namin napag-uusapan. Kasi pag napag-uusapan namin, naiiyak kaming dalawa.
"So always, pag nag-uusap kami, nagkaka-textan kami, always happy stories.
"Malayo na nga kasi siya dito, dadagdagan ko pa yung lungkot niya.
"So, hanga't maaari, hindi kami nag-uusap ng malungkot."
SARAH-CRISTINE RECONCILIATION. Isa si Judai sa na-involve sa away noon nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Si Judai ay malapit na kaibigan ni Sarah.
Masaya ang aktres sa pagkakabati ng dalawang young stars.
"Masaya for them kasi finally natapos na ang mga bagay-bagay.
"And I guess hindi yata mabubuo ang pagkadalaga mo kung wala ang ganyang mga issues.
"When you reach the age of 26, looking back, pagtatawanan mo na lang yung mga bagay na iniyakan mo, di ba?
"I think it's a good lesson for everybody.
"Concerning dun sa issue, maraming natutunan.
"And hopefully sa mga nakabasa ng istorya, huwag nang uulitin ang mga ganung bagay.
"Nakakatawang isipin na ang bongga ng mga bata ngayon!" tawa ni Judai.
Reade more >>

Monday, May 9, 2011

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo celebrate second wedding anniversary with barbecue party



Nag-agree ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na wala silang ireregalong anuman sa bawat isa sa second wedding anniversary nila last April 28.

Pero nag-effort pa rin ang aktres.

"Binigyan ko siya ng gift na T-shirt na may picture ko nung Ula!" ang natatawang kuwento ni Judai/Juday sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, May 7.

Ula, Ang Batang Gubat ang pinakaunang pinagbidahang programa sa telebisyon ni Juday noong 1988 nang siya ay 10 years old pa lamang.

Dagdag pa niya, "Hindi niya alam kasi usapan talaga namin wala nang regaluhan."

Sa hiwalay na panayam naman kay Ryan, sabi niya, "Natuwa ako, sinuot ko agad."

Sa simpleng barbecue party lang idinaos ng mag-asawang Juday at Ryan ang kanilang second wedding anniversary.

Kuwento ni Ryan, "Bale nung Linggo... Kasi April 28 yung anniversary namin, it fell on a Thursday, kami-kami na lang ang nag-celebrate nung mismong araw.

"Pero nung May 1 [Sunday], nagpa-celebrate kami ng mass with Father [Tito] Caluag, with family and friends.

"And then, yun, pagkatapos, beer and barbecue na lang. Party-party na lang."

LUCHO'S FIRST BIRTHDAY. Six months na si Baby Lucho. Pinaghahandaan na ba ng mag-asawa ang first birthday nito?

"Definitely medyo malaki ng konti, kasi first birthday. Pero hindi masyadong glamorosa kasi hindi naman niya maaalala 'yan, hindi ba?" sabi ni Judy Ann.

Susundan na ba nila ang kanilang bunsong anak?

"Kung bibiyayaan kami ng isa pang anak, why not, di ba?" sagot ni Ryan.

Ayon naman kay Judy Ann, "Napag-usapan namin 'yan.

"Nung kapapanganak ko lang, sabi ko, 'Halika na, sundan na natin para tapos na itong anong ito!

"Oo, para isang papayatan na lang! 'Ewan ko sa 'yo,' ginaganun niya ako.

"Tapos nung... After a while, nung nakikita ko kung gaano kahirap mag-alaga ng dalawang bata at the same time.

"Considering na Yohan is six years old already, and she's also big enough to understand what you're saying, mahirap pa rin.

"Tapos, iniisip ko na hindi ko pala kaya. Kung itong six months si Lucho, tapos magbubuntis ako uli, one year si Lucho, manganganak ako!

"E, batang-bata pa nun si Lucho, hindi ba?

"So, mahirap! Sabi ko, sige, huwag na muna."

PRIVATE MOMENTS. Kumusta naman ang private moments nina Ryan at Juday bilang mag-asawa?

Sabi ni Ryan, "Number one diyan, yung asawa siyempre. Kasi buong araw siya yung nag-aalaga sa mga anak namin.

"So, pag-uwi, uunahin ko muna si mommy, di ba? Pagbati ko sa mga anak ko, hi-hello sa mga kids muna, konting hug-hug.

"Tapos, the rest of the night, siyempre kailangan nakatutok na ako kay mommy."

Natatawa namang sinabi ni Judy Ann ,"Tama lang, tama lang! Kasi, palagi kaming pagod, e. Enough lang, enough lang.

"Pareho naman kasi kaming malambing, e. Kahit magkayakap lang kami sa kama bago matulog, okay na kami.

"Wala namang effort to, you know, to do birth control or something. It's just that pag wala sa mood, wala sa mood, walang pilitan!"

BETH TAMAYO. Hiningan naman ng pahayag si Judy Ann tungkol sa best friend niyang si Beth Tamayo, na napagkamalan umanong si Elizabeth Batain, ang Pinay drug mule na binitay sa China.

Aniya, "Nung una, natawa ako. Tapos after a while, naisip ko, parang hindi magandang biro 'ata. Nakakatawang nakakainis.

"Yun ba yung gusto nilang mangyari para makapagsalita... Para magsalita si Beth, gagawan na lang ng isyu?

"Ang importante, masaya naman siya kung nasaan siya ngayon.

"And sabi ko sa kanya, kung anuman ang kailangan niya, nandito lang kaming mag-asawa para sa kanya."

Reade more >>