Showing posts with label Kim Chiu. Show all posts
Showing posts with label Kim Chiu. Show all posts

Monday, May 16, 2011

Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson clarify ‘isnaban’ issue, Kim Chiu and Gerald Anderson clarify ‘isnaban’ issue


Agaw-eksena ang maraming artista nang ganapin ang Guillermo Mendoza Memorial Awards last May 10, Martes, kabilang na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Kim Chiu. Matatandaang nagkaroon ng love triangle ang tatlo previously at sa nasabing awards night ay nagdedmahan diumano sila na itinanggi naman ng tatlo. 

Wala pong dedmahan, malayo po ‘yung upuan namin,” sagot ni Gerald nang tanungin kung ‘di raw ba niya pinansin si Bea. “Oo, smile (kami sa isa’t isa),pero alangan naman pupuntahan ko pa (sa puwesto nila), andun pa sina Ms. Ai Ai (delas Alas) sonakakahiya naman din.” 

Sa hiwalay na interview ay ganun din ang sinabi ni Bea. “Wala namang dedmahaman. Ang layo kasi ng upuan niya (Gerald), awkward naman kung pupunta ako sa dulo just to say hi to them. Parang nakakahiya naman na gagawa ako ng eksena. Hello, kung lumapit pa ako dun I’m sure malaking bulungan ‘yon ‘di ba?” depensa ng mahusay na aktres. 

Mariing itinanggi rin nina Bea at Kim na nagkaroon ng isnaban sa kanilang dalawa. Kuwento pa ni Kim ay nagbatian pa sila ni Bea. “Hindi totoo (na nag-isnaban kami). Nag-hello kami, hi-hi ganyan.” Dagdag pa ng aktres, walang dahilan para sila mag-isnaban. “Wala naman pong ‘di pagpapansinan. Bakit naman po kami hindi magiging okay? Kahit kailangan ‘di naman kami nagkasamaan ng loob.”  

Sabi ni Gerald ay civil silang lahat sa isa’t isa at gusto na nilang kalimutan ang nangyari dahil nnoong nakaraang taon pa ito. “Last year pa ho ‘yon. Tapos na ‘yon, masaya kaming lahat sa status namin, wala kaming problema at all.” 

Dagdag pa ni Bea ang problema ay iniisip ng mga taong nakapaligid sa kanila pero para sa kanila ay wala na iyon. “’Pag kami-kami lang naman, parang wala namang issues. Parang feeling ko ‘pag mga ganung eventslang kasi ‘yung mga tao ang focus nila nasa amin dahil sa mga issues. Wala na it’s so last year.”
Reade more >>

Wednesday, May 4, 2011

Kim Chiu visits abandoned babies in Grace To Be Born in Pasig

Kitang-kita ang kasiyahan ni Kim Chiu sa blessings na dumarating sa kanyang showbiz career ngayon.
Kaya naman bilang bahagi ng kanyang post-birthday celebration ay pinili niyang makapiling ang mga sanggol na nasa pangangalaga ng Grace To Be Born sa Pasig City.
Ang mga sanggol na ito ay inabandona ng kanilang mga magulang pagkasilang pa lang sa kanila.


Reade more >>

Kim Chiu Denies Having a "Nose Job"

"Kung gusto talaga nila, i-prove ko sa kanila kasi wala po talaga."
Ito ang hamon ni Kim Chiu sa mga naglalabas ng balita na siya raw ay nagparetoke ng ilong.
Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News sa kanyang birthday presscon kahapon, May 3, itinanggi ng Kapamilya young actress ang mga espekulasyon na ito.
"May mga ganoon nga akong nababalitaan, pero wala naman po. Pero itong ilong ko, gumagalaw pa naman sila!" biro pa niya.


Reade more >>

Tuesday, May 3, 2011

Kim Chiu talks about her "Binondo Girl" three leading man

Tatlo ang leading men ni Kim Chiu sa bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Binondo Girl—sina Jolo Revilla, Matteo Guidicelli, at Xian Lim.
Sa tatlo, balitang si Jolo ang may "big crush" sa kanya. Ano ang masasabi ni Kim dito?
"Big crush talaga? Parang nakakatakot!" natatawang sabi ng young actress sa PEP.ph.
"Hindi ko pa siya nakikita ulit. Sa Friday pa [May 6].
"Si Jolo, ayun, forever gentleman.
"Ewan ko sa kanya kung ano ang gusto niya!" tawa niyang muli.
Okey lang bang ligawan siya ng lalaking may anak na?
"Siyempre hindi," mabilis niyang sagot.
Si Jolo ay may anak na lalaki sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano, anak ng dating sexy star na si Rosanna Roces.

Reade more >>

Kim Chiu celebrates her 21st birthday in New York


Noong April 19 ay ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 21st birthday.
Pero kahit wala siya sa Pilipinas noong espesyal na araw na yun, siniguro ng kanyang Star Magic family na masaya ang magiging selebrasyon ni Kim ng kanyang kaarawan.
Kasama si Kim sa Star Magic artists na nagpunta sa U.S. noong nakaraang buwan para sa series of shows nila roon.
Sa kanyang birthday presscon kaninang tanghali, May 3, sa 14th floor ng ELJ Bldg., ikinuwento ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited press na ito ang kanyang first time na mag-celebrate ng kaarawan sa New York.
"New York mismo!" bulalas niya.
"E, nagkataon free day namin. Magkakasama kami nila Angelica [Panganiban], ako, tsaka si Maja [Salvador]."
Sa tatlong araw nilang pamamasyal sa U.S., halos gabi-gabi raw ay sine-celebrate nila ang kanyang birthday.
Hindi rin daw mawawala ang pag-blow ng candle matapos nila maghapunan.
"Every night na kumakain kami sa labas, laging may pumapasok na waiter, kumakanta ng 'Happy Birthday'...
"Every night, nagbo-blow ng cake, natutuwa naman kami!"

Reade more >>

Kim Chiu on relationships: "Ayaw ko muna ng mga lovelife."


Noong Abril 19, nagdiwang ng kanyang kaarawan sa U.S. ang Kapamilya young actress na si Kim Chiu kasama ang iba pang Star Magic talents.
Isa si Kim sa mga sikat na Star Magic artists na nagpunta sa U.S. para sa series of shows doon nitong Abril. Kasama rito sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Sam Milby, KC Concepcion at iba pang talents. Kasama rin sa tour sina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms. Mariole Alberto, ang mga namamahala sa Star Magic.
Kasabay ng pagdiriwang ni Kim ng kanyang birthday ay naging maugong ang balita na nagkabalikan na sila ng kanyang on-and-off cam romance na si Gerald Anderson.
Reade more >>