Sunday, May 15, 2011

Charice clarifies issue about her "Before It Explodes" single: "I'm the one who release it first, so it's my song."


Matapos ang global digital release ng single ni Charice na "Before It Explodes," ilang fans ng British singer na si Alexandra Burke ang nag-react.
Nauna raw kasing i-record ni Alexandra ang naturang kanta na nilikha ng Grammy award-winning R&B artist na si Bruno Mars.
Ngunit nilinaw ni Charice ang tungkol sa naturang single sa panayam sa kanya ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.
"Gusto ko lang i-clear, actually 'no, kasi ang daming lumabas na issue about it.
"Na kasi, merong isang artist na nag-demo nung song—si Alexandra [Burke].
"So, gusto ko lang i-clear na hindi niya ni-release 'yan, hindi niya ni-release, or si Bruno.
"Ako yung kauna-unahang nag-release, so song ko ito," pahayag ni Charice mula sa Las Vegas, sa isang taped interview ng Startalk TX segment host na si Enzo Pineda.
Ayaw na raw patulan ni Charice ang kanyang mga kritiko. Instead ay naka-focus daw siya ngayon sa shooting ng kanyang kauna-unahang Hollywood film.
"Ayun, nagsu-shooting pa rin ako ng movie. Movie with Kevin James and Salma Hayek, and it's called Here Comes The Boom.
"Ilalabas siya next year, pero nagsu-shooting pa rin kami ngayon.
"And ang role ko, yeah, Filipino. My name is Maria."
Abala rin si Charice sa promo ng song which she co-produced with Nick Jonas of the Jonas Brothers.
"Actually yung 'One Day' is a song para sa commercial ko na...na theme song for that, and Nick Jonas wrote the song 'One Day.'"
Reade more >>

Rachelle Ann Go denies rumored breakup from John Prats


Pinabulaanan ng singer na si Rachelle Ann Go ang napaulat na break na raw sila ng kanyang boyfriend na si John Prats.
"Hindi ko nga alam kung saan nagsimula yun at kung sino ang nagpasimula," sabi ni Rachelle Ann sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, May 14.
Ano naman ang naging reaksiyon nila nang malaman nila ang balitang ito?
"Tinawanan lang namin, hanggang sa paulit-ulit na ganun.
"Tapos may mga kanya-kanyang reasons na lumalabas, kesyo may babae or alam mo yun? So, kesyo may third party.
"Ayaw na naming, kumbaga, i-entertain yung mga ganun."
May balita ring may ibang kasamang babae si John noong Holy Week, pero mariin itong pinabulaanan ni Rachelle Ann.
"May mga lumalabas na noong Holy Week, nasa ibang lugar siya.
"Pero kasama ko. Magkakasama kami, pati family, sa Kuala Lumpur. Nag-ikut-ikot lang kami, ayun.
"Warm din kasi yung family ni Prats [John], so ganun din yung family ko.
"So, ang galing, okay sila."
At kahit parehong busy, they still find quality time para sa isa't isa.
"Dinadalaw niya ako, ganun, so okay kami sa ganun.
"After ng show ko, tapos ng show din niya, nagtse-church kami kasama ang family. Ayun, tapos dinner.
"Minsan sa rehearsal [ng Party Pilipinas], sinusundo niya ako," kuwento ni Rachelle.
Magkatapat ang programang kinabibilangan nila tuwing Linggo—si Rachelle ay bahagi ng Party Pilipinas ng GMA-7 at si John naman ay mainstay ng ASAP Rocks ng ABS-CBN.
Sa puntong ito ng kanilang relasyon, napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?
"Wala po akong singsing!" ang natatawang reaksiyon ni Rachelle Ann.
"Masyado pa pong maaga yun.
"Siyempre napag uusapan po yun, pero wala pang plano."
At para sa mga nagkakalat na hiwalay na sila ni John, ito lang ang masasabi ni Rachelle:
"Hindi po talaga totoo. Sana po ay wala nang...
"Sana po ay hindi na po lumaki pa yung issue na yun.
"Masaya po kami. Sobra."
Reade more >>

Shalani Soledad's "lambingan on air" with Willie Revillame returns via Wil Time Bigtime


Matagumpay ang naging launching kahapon, May 14, ng show na ipinalit sa kontrobersiyal na Willing Willie, ang Wil Time Bigtime, na live na napanood sa TV5.
Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press para saksihan nang live ang show sa studio ng Kapatid Network sa Novaliches.
Damang-dama ang excitement sa loob ng studio sa mahigit tatlong oras na airing ng Wil Time Bigtime.
Siyempre, bukod sa host at co-producer ng show na si Willie Revillame, tuwang-tuwa rin ang co-host niyang si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa magandang pagtanggap ng mga tao sa Wil Time Bigtime.
"Masayang-masaya kami. Alam mo, ilang days na itong pinagpupuyatan, pinaghihirapan.
"In fact, kagabi, umuwi kami past 12 na. So, talagang pinapaganda namin at pinaghahandaan.
"So, masaya lahat kasi nakita naman natin na worth it yung mga pinagpaguran," pahayag ni Shalani nang makausap siya ng PEP at iba pang press pagkatapos ng show.
May creative input din ba siya sa konsepto ng Wil Time Bigtime?
"Input in terms of suggestions, meron," sagot niya.
"Pero yung about sa games, nag-team building kami. It was a team effort from Willie, to our headwriter, sa staff.
"Lahat talaga hiningan ng input pati yung title ng bagong games."
LOYAL SUPPORTERS. Thankful nga si Shalani sa supporters ng show nila na hindi bumitaw sa pagsuporta, lalo na sa loob ng isang buwan na nawala sa ere ang Willing Willie.
"They who have been sending their prayers, they who have been sending words of encouragement. Salamat.
"I would also like to thank TV5 management. Of course, our big boss, Mr. MVP [Manny V. Pangilinan] dahil yung support niya talaga all throughout, talagang ipinaramdam niya sa amin.
"Also when we were off-the-air, inalagaan kami kasi pati yung aming mga salaries, continuous din.
"Thank you also to Wil Productions dahil tuluy-tuloy talaga yung pag-aalaga sa amin."
Ano naman ang wish niya para sa bagong show nilang Wil Time Bigtime?
"Sana magustuhan ng mga manonood natin yung mga bagong games.
"Nakita n'yo today yung aming LED flooring which is most of our games... fifty percent of the games is based on the LED flooring."
Na-excite ba siya sa mga bagong features ng show?
"Of course, kasi first time ko ring makakita ng ganitong klaseng flooring na very interactive.
FOLLOWING TV5'S GUIDELINES. Alam naman ng lahat kung ano ang kontrobersiyang kinasangkutan ng Willing Willie na nag-ugat sa pagsasayaw ng isang six-year-old contestant na na parang macho dancer.
Dahil nga rito ay pinatawan ng one month suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Willing Willie.
Pero bago pa magawa ito ng MTRCB ay pinili na ni Willie at ng TV5 na itigil muna ang pag-ere ng show.
Natapos na ang suspension period, pero bumalik nga ang show sa panibago nitong pangalan na Wil Time Bigtime.
Dahil ba sa kontrobersiya, hindi na muna sila nag-a-allow ng minors sa kahit anong segment?
"When that incident happened, TV5 came up with the guidelines regarding dun sa paglabas or pagge-guest ng mga kabataan.
"Of course, we would be following. We will adhere to the requirements and guidelines na ibinigay ng management."
LAMBINGAN ON AIR. Kapansin-pansin din sa programa ang pagbabalik ng sweet moments o "lambingan" nila ni Willie na ikinakilig ng marami lalo na ng mga tao sa studio.
Nasasanay na ba si Shalani sa mga biruan nila ni Willie? Biruan lang ba ito o may halong katotohanan na rin?
"No, no...makikita mo talaga na masaya lang kami sa set," sabi niya.
"Everyone, saya talaga kasi yun talaga yung disiplina na meron sa amin na parang talagang close-knit yung family."
Totoo bang niregaluhan niya si Willie ng belt?
"Yes, totoo. It was a goodluck gift."
Sa isang bahagi ng programa ay sinabi ni Willie na hindi raw siya tine-text ni Shalani sa one-month break nila. Totoo ba ito?
"Siya na lang po ang tanungin n'yo. Si Willie na yung tanungin n'yo," iwas na sagot ni Shalani.
Pero may communication ba sila during that time?
"The communication lines naman have always been open. Siya na lang po ang tanungin n'yo."
E, yung sinasabi niyang may ka-date na iba si Willie at nagsa-shopping pa sa Zara, totoo ba ito?
"Actually, yung shopping nabalitaan ko lang yun sa Paparazzi," pagtukoy ni Shalani sa showbiz talk show ng TV5.
IS WILLIE COURTING SHALANI? Ano ang pakiramdam niya na tila hindi naniniwala ang mga tao na wala pang romantikong bagay na namamagitan sa kanila ni Willie?
"What you see on TV, that's how we really are.
"Talagang mabiro kasi si Willie, e. Masaya lang talaga sa set."
Paano yung ibang lalaking may interes na ligawan siya? Hindi ba hadlang yung tuksuhan nila ni Willie sa set?
"Kapag may nanligaw sa akin babalitaan kita."
Paano niya ile-label yung status ng relasyon nila ni Willie?
"Magkasama kami sa Wil Time Bigtime!" natatawang sagot ni Shalani.
May ligawan ba talagang nangyayari?
"Naku, si Willie ang tanungin n'yo niyan."
BIRTHDAY. Nanghinayang ba siya na hindi nai-celebrate ang birthday niya noong April 27 sa show dahil off-the-air nga sila that time?
"During my birthday, I guess it's more than enough dahil lahat sila mayroong surprise party, yung Wil Productions at TV5, na hindi ko ine-expect talaga.
"So, hindi naman ako nanghihinayang because I really had fun during my birthday."
Isa sa mga wish niya last birthday niya ay makabili siya ng sarili niyang bahay. Kailan kaya matutupad ito?
"Sana this year because I'm saving. So, sana this year matupad."
Ano ang nakikita niya sa kanyang sarili ten years from now?
"Ten years from now, hopefully, sana may mga anak na.
"Tapos yung career natin, in terms of political career, sana magustuhan pa ako ng mga kababayan ko sa Valenzuela pag in-offer ko pa yung serbisyo ko. Sana pagtiwalaan pa nila ulit ako.
"Sa TV career, right now I'm focusing on Wil Time Bigtime. Sana magtuluy-tuloy lang din at magtagal yung show."
Mapapanood ang Wil Time Bigtime mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., at tuwing Sabado, 5 p.m. sa TV5.
Reade more >>

Yoon Eun Hye gets handcuffed for SBS’s “Lie to Me”


Yoon Eun Hye was recently handcuffed on the set of SBS’s “Lie to Me“, but for what crime?
“Lie to Me” tells a story of a wedding scandal between a 5th level civil servant and a rich hotel CEO.  Yoon Eun Hye plays the role of ‘Gong Ah Jung’ in the drama, not failing to show her comical side in her unlikely entanglement with Kang Ji Hwan’s character.
In the 3rd episode, airing on May 16th, Yoon Eun Hye gets handcuffed by policemen in her workplace. She was arrested for spreading false information about Kang Ji Hwan’s character being her husband, with the added charge of libel.
A staff member stated, “The handcuff scene is one of those scenes where ‘Ah Jung’ gets in trouble for her lie. You can find the truth behind it when you see the broadcast.”
Reade more >>

K-pop stars return home from Hallyu concert in Japan


Having publicly seen an array of K-pop stars leaving the day before for Japan to participate in the MBC’s 50th anniversary charity concert, “Legendary Korean Music Wave Live in Tokyo 2011“, on May 14th, some of them are already back in Korea today after getting spotted at Incheon International Airport.
Those spotted included SECRET, 4minute, ZE:A, SG Wannabe, miss A, and TVXQ.
And like always, the airport was dazzled by the idols’ glamorous airport fashion.
Reade more >>

KARA shows tears on preview of next week’s SBS’s “Strong Heart”


Recently, a preview of the members of KARA guesting on SBS’s “Strong Heart“  featuring the girls crying their hearts out over the past few months of controversy was aired at the end of the latest episode.
The girls came together for their first Korean activity since their “Jumping” promotions five months ago in support of fellow member Hara’s role in SBS’s “City Hunter.” 
Although they were able to liven up the atmosphere with their sweet dances, it was obvious to all that they weren’t able to hide their many wounds caused by the contract dispute earlier this year. The girls burst out into tears as they reflected back over the past several months.
Seungyeon stated, “So many things have changed in just a few months,” while Hara added, “A lot of misunderstandings came about.”
It was leader Gyuri that showed the most tears, however, as she said, “I had no one to turn to.”
Check out the full broadcast on May 17th and 24th.

Here's the clip

Reade more >>

Big Bang’s T.O.P doesn’t know how to drive?


As previously reportedBig Bang recently guested on MBC’s “Infinity Challenge” and participated in the ‘Gangs of Seoul‘ special.  While filming for the popular variety show, charismatic rapper T.O.Pshocked everyone by revealing that he didn’t have a driver’s license.
During the segment, Big Bang moved to Han River to meet up with the “Infinity Challenge” members.Jung Joon Ha, who was driving the car, tried to give T.O.P the car keys, saying, “I’m giving the car keys to the boss.
Seungri, who was sitting in the back seat, surprised the clueless comedian by revealing, “T.O.P hyung doesn’t know how to drive.” T.O.P confirmed Seungri’s statement by saying, “I don’t have a license yet.”
Netizens commented, “I was surprised that T.O.P didn’t know how to drive” and “I expected T.O.P to drive using only one hand“, showing their surprise at the charismatic ‘boss’ not yet knowing how to drive.

Reade more >>