Tinitiyak ni Kylie Padilla na walang magaganap na sibling rivalry sa kanila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Queenie Padilla.
Lalo na ngayon at nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Blusang Itim, ito nga naman ang itinatanong sa kanya ng press.
Ayon kay Kylie, sobra nga raw natuwa si Queenie nang ibalita niya rito na magbibida na siya sa TV remake ng 1986 Snooky Serna-Richard Gomez starrer na Blusang Itim.
Sabi raw ni Queenie, deserving si Kylie na mabigyan ng sariling show dahil makikita namang masipag si Kylie.
Bukod kasi sa Blusang Itim, mainstay din si Kylie ng Reel Love Presents Tween Hearts.
Katatapos din lang niya ng telefantasya na Dwarfina.
At nagpe-perform din si Kylie sa Party Pilipinas every Sunday.
"Kami naman ni Ate Queenie, wala kaming ganyang mga sibling rivalry," sabi ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"We're so close as sisters and we are always happy for one another.
"Like, when she got a show sa kabilang channel [ABS-CBN], yung Momay, I was so happy for her."
Nakausap ng PEP si Kylie sa press launch ng Blusang Itim noong May 9 sa 17th floor ng GMA Network Center.
Dagdag pa niya, "Now, she's not just happy nga, she's also very proud of me.
"We just had dinner nga and we talked about Blusang Itim. She can't wait to watch for it."
GOOD NEWS. Nag-text na rin daw si Kylie sa kanyang inang si LiezlSicangco na nasa Australia at ibinalita niya ang kanyang pagbibida sa isang drama series.
Naiyak nga raw ang kanyang ina sa tuwa dahil natupad na ang wish ni Kylie.
"Very emotional kasi si Mama," sabi niya.
"And she only wants the best for me and my other siblings.
"She texted me back and said na she was crying only because she was happy for me.
"She also said that I should take care of myself and never forget the values that she taught us.
"Naiyak din ako kasi nga I really miss her, and I wish nga that she was here para ma-share ko nang todo ang happiness ko ngayon."
WELCOME CHANGE. Maraming entertainment press ang nakapansin na unti-unti nang nawawala ang pagiging mahiyain ni Kylie.
Sumasagot na ito sa mga tanong ng press, di gaya noon na parang nahihiya siyang sumagot man lang.
"When I read what the reporters wrote about me sa mga newspapers, it made me want to change how I interact with them.
"Nababasa ko kasi na mahiyain daw ako and I seem not to know what to answer.
"So, I am making this effort to show them na hindi ako mahiyain.
"Kaya ngayon, I'm answering so many questions na.
"From the reactions of the press naman, mukhang okey na ako sa kanila.
"They can feel na I want to communicate with them in the best way I can," sabi niya.
Isa raw kasi sa bilin ng ama niyang si Robin Padilla ay maging maayos ang pakikipagsalamuha niya sa entertainment press.
Kilala kasing maganda ang PR ni Binoe sa movie press, at ito raw ang gusto ng actor/endorser na manahin ng kanyang mga anak.
"Yun nga po ang laging sinasabi ni Papa—to have good PR lalo na sa trabahong ito.
"Kaya nga I'm doing my best to be as honest like my dad.
"Nakilala kasi si Papa na very honest sa kanyang mga sinasagot sa press. That's why the press loves him for that.
"Yun din ang gusto kong tularan.
"Na kapag ini-interview nila ako, hindi pagiging mahiyain ang nakikita nila but somebody who talks with sense at masayang kausap."
SCHOOL HAS TO TAKE A BACKSEAT. Dahil sa busy schedules ni Kylie, ipagpapaliban daw muna niya ang kanyang pag-aaral para maka-concentrate sa kanyang trabaho.
At the same time, mag-iipon daw siya dahil gusto niyang siya na ang magbayad ng kanyang tuition fee.
"Sinabi ko naman kina Mama at Papa na I want to be independent.
"I'm already eighteen years old and I want to practice my independence.
"Sa Australia kasi, gano'n ang mga nangyayari sa mga kaedad ko.
"Unlike dito, dependent ang mga bata sa parents nila for as long as they want.
"Gusto ko naman na maging responsible sa maraming bagay.
"Like now, I'm paying rent for the condo I'm living in and I pay for my driver.
"That all come from the salary I earned from my shows in GMA-7.
"Kaya yung magiging tuition fee ko for college, pag-iipunan ko siya para hindi ko na bina-bother si Papa or si Mama."
Pero bilang mabuting ama, nandiyan pa rin daw si Robin para sa lahat ng pangangailang ng kanyang mga anak.
"I know that Papa is always there for us.
"I told him him nga na when I need his help, sasabihin ko.
"Kapag hindi ako humihingi ng tulong, huwag siyang tutulong!" tawa ni Kylie.
"Si Papa kasi, marami rin siyang mga inaasikaso na problema, and kami ni Ate Queenie, we don't want to be a burden to him.
"Kaya we want to do good sa trabaho namin para maging proud si Papa and not worry about us."
Sabi pa ni Kylie, na dinadamay na rin si Queenie: "We're big girls now and we can take care of ourselves."
0 comments:
Post a Comment