Tahimik na nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday si Ara Minanoong nakaraang May 9, Monday.
Wala raw siyang naging bonggang party dahil mas pinili niyang maging tahimik ang pagse-celebrate ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya at ibang mahal sa buhay.
"Kailangan ko pa bang magkaroon ng party?
"Hindi na tayo bata para magkaroon pa ako ng malaking party.
"Tama na yung kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
"Simple and quiet dinner lang ang nangyari noong birthday ko.
"Mas masaya nga kapag ang mga kasama mo sa birthday mo ay ang mga taong importante sa buhay mo, like your family.
"Mas meaningful 'yon kesa magkaroon ka ng big party, di ba?" sabi ni Ara sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
BACK WITH VIVA. Isang regalo na natanggap ni Ara sa kanyang birthday ay ang maging part na siya ng Viva Entertainment family.
Noong mismong birthday ni Ara ay pumirma siya ng managerial contract sa ilalim ng Viva Artist Agency nina Boss Vic del Rosario at ng anak nitong si Veronique del Rosario-Corpuz.
Five years ang pinirmahang kontrata ni Ara sa VAA.
Ang huling manager ni Ara ay si Dondon Monteverde, na manager din ni James Yap.
Ang gusto ni Ara ay mabigyan siya ng magagandang film roles nang sa ganun ay hindi lang sa TV drama iya napapanood ng mga tao.
"Yung last TV series ko kasi was Ilumina sa GMA-7. Ngayon ginagawa ko ang Utol Kong Hoodlum for TV5.
"Pag-uusapan namin ang mga magiging projects ko. Gusto nila ay maging involved ako sa pagpili ng projects na gagawin ko.
"Gusto ko nga na gumawa ulit ako ng mga pelikula. Yung last movie ko ay yung Anak Ni Kumander with Manny Pacquiao.
"Sabi ko nga, gusto ko na gumawa ako ng movies na muling makaka-challenge sa akin.
"Masyado na akong nasanay sa pag-arte lang sa TV for such a long time.
"May mga role akong gustong gawin at kapag nag-meeting na kami, doon ko sasabihin sa kanila.
"Hopefully, matupad ang wishes kong iyan sa pagpapa-manage ko with VAA," sabi ni Ara.
YOGA. Marami ang nakapansin na malaki na ang pinayat ni Ara.
Bukod kasi sa ini-endorse niyang Allura Body Contour and Slimming Center, nahihilig din si Ara ngayon sa yoga.
"I take Bikram Yoga classes every week," sabi niya.
"Mahirap noong una, pero effective siya sa akin.
"Hindi siya kasing hirap kapag nagwu-workout ka sa gym.
"Nagustuhan ko ang sessions ng yoga kasi bukod sa nakakatulong siya sa pagpapapayat ko, nakakatulong din siya sa pag-relax ng isipan ko.
" Yung tipong after a very busy day, I look forward to do yoga kasi nakakalma niya ang isipan ko.
"Kapag may nami-miss ako na yoga class, parang may kulang sa araw ko.
"Ginawa ko na kasi siyang part ng lifestyle ko.
"Kaya minsan kahit puyat ako, I make an effort to still go sa yoga class ko."
0 comments:
Post a Comment