Showing posts with label Ara Mina. Show all posts
Showing posts with label Ara Mina. Show all posts

Monday, May 16, 2011

Ara Mina signs up with Viva Artist Agency; hopes to appear in movies again


Tahimik na nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday si Ara Minanoong nakaraang May 9, Monday.
Wala raw siyang naging bonggang party dahil mas pinili niyang maging tahimik ang pagse-celebrate ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya at ibang mahal sa buhay.
"Kailangan ko pa bang magkaroon ng party?
"Hindi na tayo bata para magkaroon pa ako ng malaking party.
"Tama na yung kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
"Simple and quiet dinner lang ang nangyari noong birthday ko.
"Mas masaya nga kapag ang mga kasama mo sa birthday mo ay ang mga taong importante sa buhay mo, like your family.
"Mas meaningful 'yon kesa magkaroon ka ng big party, di ba?" sabi ni Ara sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
BACK WITH VIVA. Isang regalo na natanggap ni Ara sa kanyang birthday ay ang maging part na siya ng Viva Entertainment family.
Noong mismong birthday ni Ara ay pumirma siya ng managerial contract sa ilalim ng Viva Artist Agency nina Boss Vic del Rosario at ng anak nitong si Veronique del Rosario-Corpuz.
Five years ang pinirmahang kontrata ni Ara sa VAA.
Ang huling manager ni Ara ay si Dondon Monteverde, na manager din ni James Yap.
Ang gusto ni Ara ay mabigyan siya ng magagandang film roles nang sa ganun ay hindi lang sa TV drama iya napapanood ng mga tao.
"Yung last TV series ko kasi was Ilumina sa GMA-7. Ngayon ginagawa ko ang Utol Kong Hoodlum for TV5.
"Pag-uusapan namin ang mga magiging projects ko. Gusto nila ay maging involved ako sa pagpili ng projects na gagawin ko.
"Gusto ko nga na gumawa ulit ako ng mga pelikula. Yung last movie ko ay yung Anak Ni Kumander with Manny Pacquiao.
"Sabi ko nga, gusto ko na gumawa ako ng movies na muling makaka-challenge sa akin.
"Masyado na akong nasanay sa pag-arte lang sa TV for such a long time.
"May mga role akong gustong gawin at kapag nag-meeting na kami, doon ko sasabihin sa kanila.
"Hopefully, matupad ang wishes kong iyan sa pagpapa-manage ko with VAA," sabi ni Ara.
YOGA. Marami ang nakapansin na malaki na ang pinayat ni Ara.
Bukod kasi sa ini-endorse niyang Allura Body Contour and Slimming Center, nahihilig din si Ara ngayon sa yoga.
"I take Bikram Yoga classes every week," sabi niya.
"Mahirap noong una, pero effective siya sa akin.
"Hindi siya kasing hirap kapag nagwu-workout ka sa gym.
"Nagustuhan ko ang sessions ng yoga kasi bukod sa nakakatulong siya sa pagpapapayat ko, nakakatulong din siya sa pag-relax ng isipan ko.
" Yung tipong after a very busy day, I look forward to do yoga kasi nakakalma niya ang isipan ko.
"Kapag may nami-miss ako na yoga class, parang may kulang sa araw ko.
"Ginawa ko na kasi siyang part ng lifestyle ko.
"Kaya minsan kahit puyat ako, I make an effort to still go sa yoga class ko."
Reade more >>

Wednesday, May 11, 2011

"I hope siya na kasi nakakapagod yung paiba-iba." Ara Mina on her non-showbiz boyfriend


Noong Lunes, May 9, ay pumirma na ng kontrata si Ara Mina sa Viva Entertainment matapos siyang i-handle ng manager niyang si Dondon Monteverde sa loob ng 16 years.
Mahabang pangungumbinsi ang nangyari bago napagdesisyunan ni Ara na bumalik sa kanyang unang handler, ang Viva. (CLICK HERE for related article).
ON SETTLING DOWN. Kasabay ng pagtatanong tungkol sa kanyang sudden career move, hindi naiwasan na pag-usapan ang estado ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Ilusorio-Yap.
"Wala pa kasi busy siya sa work and ako, gusto ko pa mag-work," sagot ni Ara nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Dagdag pa ng aktres, "Parang nakikita ko sa aming pareho priority pa namin ang magtrabaho.
"Gusto namin mag-end up together, pero nakikita ko yung sarili ko sa kanya na workaholic.
"So, we'll see, dadating din tayo diyan," sabi niya.
Matatandaan na nagbitaw ng salita noon si Ara na after four years ay saka niya lamang masasabi na handa na siya para magpakasal.
Ngayon, three years na lamang ang natitira sa apat na taong palugit na ibinigay niya. Pero aniya, ang palugit na yun ay sariling desisyon niya.
"Siyempre ang iniisip ko dun, yung sinasabi nga nila, mahirap magka-baby pag more than 35.
"I think that's the right age na puwede akong mag-settle down," saad niya.
Kaya naman daw habang wala pa siyang baby, "Hihirit muna ako na magtrabaho nang magtrabaho para may maipon pa."
Hindi pa man buo ang loob ni Ara na magpakasal sa ngayon, gusto na niya na ang current boyfriend na niya ang kanyang makatuluyan.
"I hope siya na kasi nakakapagod yung paiba-iba," sabi niya.
SISTER ACT. Katulad ni Ara, ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes ay mayroon ding karelasyon ngayon—ang young actor na siRayver Cruz.
Dahil dito, hindi naiwasang itanong kung paano kapag nauna pa magpakasal ang kanyang kapatid na si Cristine.
"Ay, hindi. May usapan kami!" bulalas ng aktres.
Pero hindi naman daw seryoso ang usapan na iyon.
"Hindi naman namin exactly napag-usapan na, 'Uy, mauuna ako sa 'yo, ha.' Hindi ganun.
"Kumbaga, alam na niya yun na, ako si Ate, dapat mauna muna si Ate.
"Tsaka she's too young," saad ng 32-year-old actress sa kanyang 22-anyos na kapatid.
Okay naman daw ang relasyon nilang magkapatid ngayon. Si Cristine pa nga raw ang nagsabi sa kanya na dapat siyang umarte ulit.
"Sabi niya sa akin, 'Ate, dapat gumawa ka ng movie kasi magaling ka umarte.'
"So, parang napaisip din ako. Parang, oo nga naman, sayang yung time.
"I'm not getting any younger, so puwede pa tayong gumawa ng pelikula."
Napansin din daw ni Ara na malaki na ang pinagbago ng kanyang kapatid simula nang makarelasyon nito si Rayver.
"I can see naman na nagma-mature na siya compared before.
"Tsaka happy ako na wala ng intriga sa kanya lately, mas tahimik.
"Tsaka hindi na siya masyado nagtu-Twitter ngayon. Kaya din siguro tahimik ang buhay niya."
Ang mahaaga daw kay Ara ngayon ay maayos ang takbo ng career at buhay ng kanyang kapatid.
Hindi pa rin naman din daw niya nakikita na pumapasok na sa isip ni Cristine ang pag-aasawa.
Payo niya sa kapatid, "Basta maganda yung may inspiration ka, yung nandiyan lang habang parehas naman kayong may career.
"Boto kasi kaming lahat kay Rayver, but it doesn't mean na mag-asawa na sila."
Reade more >>