Friday, May 13, 2011

Ai-Ai delas Alas is teased about closing in on friends Sharon Cuneta and Kris Aquino; says she wants to be like Anne Curtis on Twitter


Aminado ang four-time Box-Office Queen at Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas na nao-overwhelm siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon.
Matapos niyang parangalan bilang 2010 Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ay nadagdagan na naman ang endorsements niya.
Ipinakilala si Ai-Ai bilang latest celebrity endorser ng Flawless sa presscon na ginanap sa 55 Events Place sa Sct. Rallos St., Quezon City kahapon, May 12.
Sinasabi tuloy sa showbiz na tila nakikipagkumpitensiya na siya sa mga kaibigang sina Sharon Cuneta at Kris Aquino—sa paramihan ng endorsements, billboards, awards at titulo.
"Mas marami pa rin naman yung sa kanila. Pero sabi ko nga, thankful ako na merong mga nagtitiwala sa akin tulad ng Flawless. Blessing ito," sabi ni Ai Ai nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press pagkatapos ng presscon.
AWARDS. Pati nga raw sa paramihan ng Box-Office Queen awards ay humahabol na rin siya kay Sharon.
"Sabi nga sa akin ni BFF [best friend forever], ni Sharon Cuneta...sabi niya, 'BFF, sana mapantayan mo yung mga box office ko.' Sabi ko, 'Baka naman mamatay na ako hindi ko pa napapantayan yan.' Siyam yung kanya e, apat pa lang yung akin. So, kailangan ko pa ng lima."
Ano ang mas masarap, ang maging Box-Office Queen o Best Actress?
"Pareho. Pero masarap talaga maging Box Office Queen kasi syempre ang lungkot naman pag hindi pinapanood ang pelikula mo. Kaya masaya ako pag may Box Office Queen award ako kasi ibig sabihin pinapanood nila yung pelikula ko."
Sa dami ng awards niya, fulfilled na ba siya?
"Fulfilled! Pasok! Flawless!" sabi ng totoong witty at funny star.
Nalulungkot ba siya kapag hindi siya nananalo kapag nominated siya, gaya ng sa nakaraang Golden Screen Awards na tinalo siya niAngelica Panganiban?
"Okay lang, ganun talaga ang buhay. Hindi naman lahat sa iyo.
"Malay mo ako naman sa PMPC Star Awards, di ba? Hindi natin alam."
ENTERING POLITICS? Nabalita noon na gusto ring pumasok ni Ai Ai sa pulitika bilang mayor ng Calatagan, Batangas, para mapagsilbihan ang mga kababayan niya roon.
Kaya muling inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press kung tuloy ang pagpasok niya sa pulitika sa susunod na eleksiyon.
"Hindi ko pa masabi ngayon. Titignan ko muna.
"Mag-aaral muna ako nang mag-aaral. Ia-announce ko naman yun kung tuloy e."
Totoo ba na nag-usap sila nang masinsinan ni Batangas Governor at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto tungkol sa plano niyang pagpasok sa pulitika?
"Oo, nag-usap kami. Magmi-meeting pa kami ulit ni Ate Vi."
Ano ang payo ni Governor Vi sa kanya?
"Sabi niya sa akin, 'Kung nandiyan ang puso mo, okay lang.
"Pero marami kang isa-sacrifice, lalo na pagdating sa showbiz career mo.
"Kasi kailangan mong asikasuhin yung mga tao mo, yung bayan mo.
"So, marami kang time na igugugol sa pagiging mayor.'"
Nakikita niya ba ang sarili niya na isang public servant in the future?
"Hindi ko masabi e. Tine-test ko muna yung waters.
"Kasi di ba nag-aaral naman ako, so titignan ko kung kaya ko o hindi.
"Ayoko munang magsalita. At saka na natin sabihin yan.
"Kasi yung mga kalaban, baka ma-stress.
"Baka awayin na nila ako, wala naman akong ginagawa," biro ni Ai Ai.
Kumusta naman ang pag-aaral niya?
"On leave ako ngayon. Pero next sem, mag-e-enroll ulit ako."
Nag-aaral si Ai Ai ng kursong Public Administration and Governance sa UP.
ENJOYING TWITTER. Natanong din ng PEP ang tungkol sa isang pinagkakaabalahan ngayon ni Ai-Ai: ang Twitter.
"Masaya palang mag-tweet ha? Kasi dati nagpapa-tweet lang ako.
"E, ngayon natuto na ako. So, ako na ang nagti-tweet ngayon pag gabi."
Sino ang nagturo sa kanyang mag-tweet?
"Sila-sila, yung mga bakla tinuruan nila akong mag-tweet. Yung mga friends kong bakla."
Ano naman ang gusto niyang itini-tweet?
"Wala, kung anu-ano lang. Minsan sinasagot ko lang yung tweet sa akin."
Ano ang enjoyment na nakukuha niya sa pagti-tweet?
"Yung sinasagot ko yung mga fans. Nakakatawa kasi sinasagot din nila ako.
"Tapos binubwisit nila ako, natutuwa sila sa akin, yung ganun.
"Pag nakakainis na, pinapatay ko na, natutulog na ako."
Natatawa namang ikinuwento ni Ai Ai ang ilang comments sa kanya ng mga followers niya.
"Tinatanong nila ako, 'Bakit po kayo all caps, Ms. Ai? Galit po ba kayo?'
"Sabi ko, hindi, hindi ako nagagalit. Kaya ako all caps kasi hindi ko nababasa pag maliliit.
"Nakakatuwa ang sagot nila. All caps din para mabasa ko."
Pangarap din daw niya yung na-achieve ni Anne Curtis sa Twitter.
"Gusto ko ano rin ako Anne Curtis—one million followers, di ba?" sabi ng never-say-die na artista.

0 comments:

Post a Comment