Friday, May 13, 2011

Justin Bieber's alleged refusal to sign autograph in Manila airport leaves bad impression


"Justin Bieber, How Arrogant Can You Be" ang title ng YouTube video clip na nagpakita kay Justin Bieber nang tabigin nito ang CD copy ng kanyang album na gustong papirmahan ng isang male employee ng Ninoy Aquino International Airport.
"V7Andrea" ang pangalan ng nag-upload sa YouTube ng video clip na may running time na 19 seconds habang papasok ang young Canadian superstar sa eroplano.
"My father (in neon green vest) tried to get an autograph from Justin Bieber for my sister. But take a look on what he did. He tapped my father's hand and the CD fell on the floor. Nobody from his crew helped him. Not even an apology from Justin Bieber himself.
"Where are your manners now kiddo? I know you're sick but you could've at least said sorry you are not signing anything. How could you do that to my father?" ang brief description ni V7Andrea tungkol sa video na kuha mula sa isang cell phone camera.
Big issue ang ginawa ni Justin dahil umani ito ng mga pagbatikos mula sa mga radio commentator ng dzMM, gaya nina Jon Ibañez at former Philippine Vice President Noli de Castro.
Anila, mali ang inasal ni Justin dahil kung hindi dahil sa kanyang mga tagahanga, hindi niya mararating ang superstar status at kasikatan na tinatamasa.
Hati ang reaksiyon ng mga Pilipino tungkol sa YouTube video na nagpakita sa inasal ni Justin.
Para sa die-hard fans ni Justin, may sakit ang kanilang idolo nang magpunta ito sa Pilipinas para sa kanyang concert sa Mall of Asia Concert Grounds noong Martes, May 10, kaya binigyan siya dapat ng space, lalo na ng mga empleyado ng NAIA na on duty.
Tumanggap din ng mga pagbatikos ang mga radio commentator na ipinagtanggol ang tao na nabastos diumano ni Justin. Mga mura at masasakit na salita ang natanggap nila mula sa Pinoy fans ng young Canadian singer.




Here's the clip


0 comments:

Post a Comment