Friday, May 13, 2011

Nova Villa says Nita Negrita made her a dramatic actress; but says she still can't cry as well as Judy Ann Santos


"Dito sa Nita Negrita, dito ako natutong umiyak," pagmamalaki niNova Villa tungkol sa afternoon drama series na kinabibilangan niya.
Ginagampanan ng beteranang komedyante ang papel na Nanay Ima, ang nag-alaga sa character ng bidang si Barbie Forteza.
Nakapalibot kay Nova ang ilang imbitadong press kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa interview nito.
Nakatiyempo kasing break muna ng beteranang komedyana sa mga eksena niya sa taping ng GMA-7 drama series, na tine-tape sa isang restaurant sa San Rafael, Bulacan, kahapon, May 13.
Ipinagmalaki ni Nova na napapasabak siya sa drama sa series, kahit pa aniya, "Hindi ako dramatic actress. Hindi mo ako basta mapapaiyak.
"Matigas ang puso ko, e. Sa mga inabot ko sa buhay ko?
"Comedian ako, magpapatawa ako kahit na anong hirap. Pero hindi iyak.
"Pero dito sa Nita Negrita, dito ako natutong umiyak!"
Bumibilang na halos ng 47 taon si Nova Villa sa showbiz.
Nagsimula siya noong 1964, nang madiskubre siya ng Action King na si Fernando Poe Jr. sa bakuran ng Premiere Productions.
Teenager na nagkagusto sa character ni FPJ ang una niyang naging role sa classic FPJ movie na Daniel Barrion.
Pagkatapos ng pelikulang iyon ay nagkaroon siya ng maraming proyekto sa parehong pelikula at telebisyon, pero bihirang-bihira na ang mga eksena niya ay sobrang drama.
"Dito yata sa Channel 7, dito sa Nita Negrita, nag-umpisa ang pagiging dramatic actress ko. Nawala na yung pagiging comedian!" sabi pa ni Nova.
Simpleng-simple lang naman daw ang mga dialogue, pati na rin ang treatment na gustong ipagawa sa kanya ni direktor Gil Tejada.
Nagulat raw siya't habang nagbibitaw siya ng linya ay bigla na lang umagos ang kanyang luha.
Tinanong ng PEP kung saan niya hinugot ang emosyon para makaiyak nang ganun.
"Wala akong pinaghuhugutan sa buhay ko. Because, as I've said, ano na 'ko sa buhay ko, manhid na ko.
"Nandun ako sa eksena. Nangyayari talaga sa buhay ko. Yung role ko, pinanindigan ko, isinabuhay ko.
"Kaya konting kibot, ang bilis ko na umiyak. Totoo."
Pero hindi pa naman daw siya katulad ng mga magagaling na talaga sa pagpapatulo ng luha.
"Hindi ako yung mga a la Judy Ann [Santos]. Yung nakatitig lang. Aba, e, para na naman yung gripo. Ako, hindi.
"Because sila, dramatic actress."
Gusto rin daw niyang matutunan ang ganung technique, at sa palagay niya, may science sa likod ng mahusay na pagpapatulo ng luha.
"Parang butas na yung tear ducts," biro pa niya.
Basta ang masasabi niya tungkol sa istilo ng pag-iyak niya, dinadama lang daw niya yung eksena.
Hindi naman daw siya pinipilit na umiyak, lalo pa't nagpauna na nga siya kay Direk Gil na hindi siya iyakin.
"It's okay, Nova," sagot daw ng direktor sa kanya.
"Maramdaman mo kung ano yung nangyayari, ano yung role mo, kung ano yung ginagawa mo, maramdaman mo.
"Hindi kita pinupuwersa na umiyak."
Sagot daw niya sa direktor, "I'll try my best, ha."
Hanggang sa mag-take na nga ang eksena na aalis na si Nita, na ginagampanan ni Barbie, kasama ang ina nito, na ginagampanan naman ni Lotlot de Leon.
"Hala, ayan na. Nagsasalita pa lang ako kay Lotlot..." umaktong humahagulgol si Nova. "Hindi ko na maintindihan kung bakit, kusang bumigay na ako.
"Alam mo, nagpalakpakan pati crew. Si Direk, 'I told you! Alam ko, kaya mo. Alam ko, kaya mo!'
"So, he was an instrument also sa akin..."
Kaya nga raw lahat ngayon ng kakilala niya, sinasabihan siyang ang galing niyang magdrama sa Nita Negrita.
Confident na rin daw siya sa nasabing genre.
"Dito lang ako nag-drama. First time.
"Kaya sa susunod, alam ko na ang gagawin. Alam ko na ang technique," sabi pa ng mahusay na aktres.


0 comments:

Post a Comment