Friday, May 13, 2011

JC Tiuseco is declared one of "Regal's Desirable Men"


Isa sa limang bagong Regal Babies at tinaguriang "Regal's Desirable Men" ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco.
Noong Huwebes ng gabi, May 12, ginanap ang contract signing sa Imperial Palace Suites.
Prior to the contract signing, since almost all of them started as models, lahat sila ay rumampa muna.
Isang pagrampa nila, naka-topless na sila at doon nga nakita kung gaano kagaganda ang kanilang katawan ngayon.
Si JC, na una naming nakilalang may pagka-mahiyain pagkapanalo ng Survivor Philippines two years ago, ay tila handa na sa pagpapaseksi ngayon.
"Hanggang topless lang siguro,"ang nakangiting pahayag ni JC nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hanggang saan ang kaya niyang gawin pagdating sa paseksihan.
Dugtong din niya, "Pero kung sakali man na meron ngang ibigay na role na talagang sexy, kakausapin ko muna ang manager ko, si Jonas Gaffud, pag-uusapan siguro namin."
Ang laki na ng improvement ng katawan ni JC mula nang makita siya sa telebisyon.
And among Regal's five new desirable men, puwede pa ngang sabihin na siya ang may pinakamagandang katawan sa ngayon.
Ayon kay JC, one month siyang focused lang talaga sa pagdyi-gym at pagda-diet.
"One month talaga na every day ako."
Isa ring malaking dahilan daw ay ang GMA-7 project na Sisid.
"Simula nang malaman ako ng may Sisid, simula nang malaman ko na bibigyan na nila ako ng show na Sisid, sobrang nag-focus talaga 'ko sa gym.
"Ginawa kong five to six days a week ako.
"'Yung diet ko, puro healthy talaga. No carbs. Brown rice. Tapos 'tinigil ko talaga ang meat ko noon."
Confident daw si JC na hard work ang nasa likod ng magandang pangangatawan niya ngayon.
Nakangiti nga niyang sabi, "No steroid. Whey lang. Protein."
Bilang bagong contract star ng entertainment company ni MotherLily Monteverde, ano ang mae-expect sa kanya?
Especially with a title like "Regal's Desirable Men"?
"Ang mai-expect nila sa akin, mas lalo ko pang pagbubutihan 'yung acting ko.
"At saka siyempre, aalagaan ko lalo ang body ko.
"Hindi biro na alagaan ang body! Kasi ang hirap, e.
"Mga two days ka lang mag-off, kain ka nang kain, lalaki agad ang tiyan mo."
Dugtong pa niya tungkol sa pagiging Regal baby, "Super happy ako nang sabihin sa akin ng manager ko.
"Bata pa lang ako, Regal movies na talaga ang nakikita mo—marami.
"Parang noong nag-i-start ako na mag-showbiz, isa na rin sa dream ko na maging part ako ng ganito.
"Ma-sign-up ka ng Regal, and it's a big opportunity for you. Tapos 'yun nga, parang it's a dream come true."
SISID. At present, kasama si JC sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid, na pinagbibidahan ni Jackie Rice.
Kung topless ang pag-uusapan, madalas daw siyang topless dahil ang karakter niya rito ay isang pearl diver.
"Actually, sexy na ang suot ko roon, sobra.
"Isa akong local pearl diver roon na mahirap lang talaga.
"Kababata ko si Jackie kaya ganito ang buhok ko. Parang sunog.
"Talagang nakatira sa dagat na palaging sumisisid."
Nag-training daw si JC ng two weeks ng diving at proper swimming bago pa man sila mag-start ng taping.
"Siyempre, marami naman sa atin ang marunong mag-swimming, pero hindi natin alam ang proper way of swimming."
Naaksidente nga raw ang bida ng Sisid na si Jackie. Pero wala raw siya sa taping nang mangyari 'yun.
"Wala, e. Na-pack up ako nang maaga.
"Paggising ko ng morning, may nag-text na sa akin na pack-up na nga raw ang taping that day dahil na-fracture raw ang toe ni Jackie.
"Sa isang scene yata, may kailangan siyang sipain na chair. Tapos, tumama ang toe niya ro'n."
Kahit si JC, two weeks ago ay nagkaroon din ng injury, sa kanyang tuhod naman dahil sa pagba-basketball.
Sabi nga ni JC, "If you're a basketball player, sobrang malaki, big deal talaga siya.
"Kasi, after the operation, mga one or two weeks pa na iika-ika.
"First week, 'di ka makakalakad; second week, medyo ika-ika ka pang maglakad.
"Tapos 'yung therapy, eight months before you can play again.
"Ang nangyari kasi sa akin, may ligament na na-tear. So, kailangang kumuha ng bagong ligament."
Ready na ba siya for the operation?
"Nire-ready ko na ang utak ko, pero kinakabahan pa rin ako.
"Pinanood ko sa You Tube kung paano siya inooperahan. Nakita ko, nakakapanghina rin at nakakapagod."
After the operation, two weeks lang daw siguro na rest, and then okay na siya to work again, wala nga lang basketball.
JC's last soap was Langit Sa Piling Mo.
After that, hosting ang ginawa niya sa X-Life, ang show niya sa Q11. Ngayon daw, mas seryoso at mas focused raw siya sa career.
Aniya sa PEP, "Sa ngayon talaga, mas focused ako sa career ko.
"Mas pinag-aaralan ko, like sa taping.
"Before Sisid, talagang nag-work-out ako palagi."
May kasamang challenge ba sa kanya ang mag-focus sa career ngayong ang dami ng mga bagong pumapasok sa pag-arte?
Di ba't ang mga kasamahan niya sa Mercator na mga Brazilian men ay pumapasok na rin sa showbiz?
"Isa na rin 'yun, siyempre na-challenge ako. Pero parang kailangan ko nang mag step-up, kasi it's my second year na in showbiz.
"Kaka-second year ko lang ngayong May. So, parang na-feel ko sa sarili ko na kailangan ko nang mag-improve lalo na sa acting.
"I'm happy naman sa outcome sa Sisid."
When it comes to his lovelife, JC choses to remain single raw talaga.
"'Yun talaga ang zero," nakangiti niyang sabi. "One year na mahigit na akong walang girlfriend."
Hindi naman itinanggi ni JC na matapos ng relationship nila niMaxene Magalona, hindi pa siya ulit nagkaroon ng relasyon.
Kaya biniro ng PEP si JC na 'di kaya isipin ng mga tao, masyado niyang ininda 'yung break-up nila?
Natatawa itong sumagot, "Hindi, hindi. Mas pinili ko lang na maging single.
"Kasi, parang hindi ko pa nakikilala 'yung girl na pang-seryoso talaga.
"I don't date, too. Choice ko lang talaga.
"So, siguro, hanggang sa makita ko 'yung girl na gustong-gusto ko talaga."
Naging okay pa ba sila ni Maxene after the break-up?
"I haven't seen her for awhile. Hindi rin naman kasi ako lumalabas masyado."
Could we say na hindi talaga naging maganda ang ending nila?
Nangingiting sagot naman ni JC, "Hindi ko alam e...parang ganoon.
"Pero nakasalubong ko naman siya dati, batian lang. Pero matagal na namang nakalipas."

0 comments:

Post a Comment