Tuesday, May 10, 2011

2NE1 releases “Lonely” another teaser video featuring Dara Park!


And we’re back with yet another teaser for 2NE1’s new track, “Lonely“!
Fans already got to sample the vocals of leader CL and maknae Minzy, and now it’s Sandara’s turn.

Here's the clip


Reade more >>

4minute is having a difficult time adjusting to “Heart to Heart”




The ladies of 4minute recently shed their fierce image in “Mirror Mirror” for a cuter, sweeter look with their follow-up song, “Heart to Heart.”  Unfortunately, the members are all having a hard time adjusting to the image change.
Girl groups usually run the ‘cute to sexy’ route, so 4minute is actually going backwards in that concept. “Since it’s our first time singing about love since our debut, our agency told us to smile as widely as we could.. but it’s not as easy as we thought.”
HyunA stated, “We’ve always done very powerful songs since our debut, and it’s become a habit for us now to give strong gazes towards the camera.” Gayoon added, “Even though I always think to myself that I need to smile before getting up on stage for ‘Heart to Heart’, it doesn’t work once I get in front of the camera, which makes me upset. It’s as smiley as we’re going to get.”
Leader Jihyun commented, “When we go to the karaoke on our own, we have no problem dancing along to other girl groups’ cute dances. But having to express that with our own song is so difficult.”

Reade more >>

Mo Twister not giving up on Rhian Ramos; regrets tweeting about their intimate moments together


Bago pa man umere ang showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, May 8, ay kapansin-pansin na ang pagiging tahimik ng isa sa mga host ng programa na si Mo Twister.
Opening na ng programa, pero matamlay pa rin siya. Malayo sa Mo Twister na nakasanayan na ng lahat na bukod sa katabilan ng kanyang dila ay maharot at mahilig manlaglag o magbuking sa co-hosts niyang sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez.
Pero noong Linggong 'yon nga ay parang wala siya sa sarili at tila namumugto pa ang kanyang mga mata.
Halatang affected talaga si Mo ng kung anumang problema sa relasyon nila ni Rhian Ramos.
Naging masyadong maintriga ang nangyaring hiwalayan nila ni Rhian. Lalo pa at nagkapalitan pa sila ng medyo maaanghang na tweets sa kanilang Twitter accounts. (CLICK HERE to read related story.)
Paliwanag ni Mo sa kanyang mga co-host, dala lang daw ng kanyang hindi na nakontrol na emosyon ang naging isyu nila ni Rhia sa Twitter. Nagulat raw kasi siya na biglang may tweet na lang sa kanya ang aktres na break na sila.
Mas lalo pang tumindi ang intriga nang may mga tweet si Mo na patungkol sa pagka-miss nito na katabi si Rhian. 'Yong meron pang "please come home," at saka may nabanggit pang toothbrush na ginamit ng aktres, at hibla ng buhok nito na naiwan sa banyo. (CLICK HERE to read related story.)
Ang naging dating kasi sa iba pang mga nakabasa nito ay nagli-live-in na sila ni Rhian bago nangyari ang kanilang breakup. Na mariin namang itinanggi ng TV host. (CLICK HERE to read related story.)
Hindi rin daw umano si Rhian ang tipo ng babae na makikipag-live in nang hindi pa kasal. At lalo umanong hindi hahayaan ng parents nito ang gano'n.
"Yong "please come home" na nasa tweet niya, hindi raw literal na coming home ang ibig niyang sabihin.
"Home kasi is me and Rhian," paliwanag ni Mo. "So what I mean by please come home—come back to me."
Wala silang inamin ni Rhian tungkol sa kanilang relasyon. Tapos biglang-bigla, heto siya at vocal sa kanyang nararamdaman tungkol sa problema sa relasyon nila.
UNANSWERED QUESTIONS. Mahaba-haba rin ang interview kay Mo ng mga co-host niya. Pero hindi pa rin klaro ang kuwento sa likod ng anumang problema sa relasyon ngayon nila ni Rhian.
Kaya pagkatapos umere ng Paparazzi, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo para sa mga tanong na hindi namin narinig na nabigyan niya ng direktang kasagutan.
Ano nga ba ang naging cause ng "breakup" nila?
"'Yon nga, misunderstanding," sagot ni Mo.
"Konting argument lang. Tapos medyo lumaki.
"Bago pa 'yong tweet niya sa akin na break na kami, meron na kaming misunderstanding. Na very small at minor na minor lang.
"Kaya nga masakit kasi we were at our best, tapos isang maliit na bagay lang ang naka-affect sa amin dito."
Kinulit namin si Mo na tukuyin kung ano nga ba 'yong maliit na misunderstanding sa pagitan nila ni Rhian na pinagsimulan ng lahat. Pero talagang ayaw niyang sabihin.
"Kasi it's between us... 'yong argument. Wala lang...misunderstanding, tapos pumasok sa Twitter.
"Akala ko siya ang nag-tweet. Hindi pala. Nag-react naman ako.
"Kasi feeling ko, nainsulto ako. At 'yong mga nasabi ko, medyo masama. Nasaktan din siya," pag-amin niya.
BLAMING TWITTER. Sa Twitter daw niya naidaan ang paglalabas niya ng kanyang saloobin dahil wala na raw kasi silang communication ni Rhian.
Hindi na raw niya alam ang bagong number ng young actress. Kaya Twitter ang kanyang naging medium ng mga gusto niyang iparating sa aktres.
Na later na lang niya raw na-realize na mali.
Sising-sisi siya kung bakit hinayaan niya ang kanyang sarili na matangay ng kanyang emosyon para mag-tweet ng mga aniya'y hindi nga maganda for Rhian.
Na feeling niya, kahiy panay ang hingi niya ng sorry sa aktres at sa mga magulang nito, parang huli na.
Ano ba sa tingin niya 'yong pinakamasakit na nasabi niya kay Rhian through Twitter?
"I don't know. Hindi ko siya nakausap, so... Hindi ko alam kung ano doon ang pinakamasakit. Siguro itanong mo na lang sa kanya."
Noon pa man, napapabalita na ring matindi ang pagtutol sa kanya ng mommy ni Rhian na si Mrs. Clara Ramos para maging boyfriend ng young actress. May tsismis pang madalas silang mag-away nito.
Ano nga ba ang totoo rito?
"More of misunderstanding. Hindi naman away," paglilinaw ni Mo.
"Kung away, e, di sana hindi ako puwedeng pumunta sa bahay nila.
"E, recently naman, do'n ako pumupunta sa bahay nila. Do'n ako dumadalaw kay Rhian.
"Pumapayag naman 'yong mommy.
"So, minsan may misunderstanding. Pero hindi naman sa level na away."
Iniisip ng iba, baka naman may third party?
Baka may ibang admirer o suitor si Rhian na pinagselosan niya? O di kaya, siya ang nabuking ni Rhian na may iba?
"No. I think if you know me, and how much I love Rhian, you'll realize that I will never do that to her," sagot niya.
Kung sabagay, para sa isang lalake na umiyak nang dahil sa babae, mukhang mahal nga niya si Rhian.
"I cry every day. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Affected talaga ako," pag-amin ni Mo.
Kung hindi si Rhian ang nag-tweet na break na sila, sino sa palagay niya ang gumawa nito?
"I don't know. I don't want to speculate naman.
"Nangyari na 'yon. The damage has been done. I hope na lang na maayos ito."
NOT GIVING UP. Sa naging sitwasyon nila ni Rhian ngayon, may mga nagsasabing si Mo raw ang dapat sisihin.
Bakit daw ba kinailangang sa pamamagitan ng Twitter siya mag-react? Kung hindi man niya alam ang bagong cell number ni Rhian, puwede naman daw siyang pumunta sa bahay ng mga ito para magkausap sila at magkalinawan.
Ano ang reaksiyon niya rito?
"Hindi, kasi... I have to respect the rules na hindi puwedeng tumawag sa kanya. May dahilan naman kung bakit wala siyang cell phone ngayon, e.
"So if that's the case, you just have to respect it. Baka mas lalo silang magalit sa akin kung...
"I don't know kung dahil sa akin kaya siya nagpalit ng number. If ever na iyon ang rule o in-instruct sa kanya," saad niya.
Dagdag niya, "It's tough to be in this scenario. Akala ko, kaya namin ni Rhian to get over it."
So, naggi-give up na siya?
"No," mabilis niyang sagot.
Ipaglalaban pa rin niya ang pag-ibig niya kay Rhian?
"I don't know. I'm just lost now. And, 'yon nga, medyo nahihirapan akong kumain...matulog."
Until when niya titiisin na ganito ang sitwasyon nilang dalawa? Is he not planning to make any move para personal silang magkausap at magkalinawan?
"Maybe down the line. Sana. If ever."
Ano ba ang nakakapigil for him na gumawa ng hakbang so they can talk? Kailan ba sa palagay niya ang tamang panahon?
"Right now, I have to be honest lang kasi.
"It's more like, I just have a hard time getting through the day. I can't even plan for the future."
MISERABLE. Buong pamilya ni Mo ay nasa U.S. Mag-isa lang siyang namumuhay dito sa Pilipinas.
Kaya mahirap para sa kanya na sa pinagdaraanan niya ngayon ay wala man lang siyang balikat na maiyakan o masandalan. Lalo sa mga sandaling ramdam na ramdam niya ang kanyang pag-iisa.
"Miserable!" nailing at malungkot na sabi ni Mo.
Paano siya nagku-cope sa panahong ganito na tila nalulunod siya sa sobrang lungkot at depression? Nagri-resort ba siya to drinking or anything para makalimot sa problema o sa emotional pain na kanyang nadarama?
"Not really. I don't drink.
"Basta nasa kuwarto lang ako. Madilim. Do'n ako nakahiga."
RHIAN'S IMAGE. Aware ba siya na naka-affect sa wholesome image ni Rhian ang mga tweet nga niya tungkol sa toothbrush o hibla ng buhok ni Rhian sa banyo, o 'yong sleeping beside her...mga gano'n?
"I don't know," sagot ni Mo.
"Like I said, it's not as bad as 'yong mga tao, parang feeling nila nagli-live in kami and stuff like that.
"It really is just...we spent so much time together. Kung mga free time ko o free time niya, magkasama kami.
"Mangyayari iyon kung halimbawa kailangan niyang mag-toothbrush. Na minsan lumalabas kami, tapos may garlic 'yong kinain namin, tapos 'Puwede maki-toothbrsuh?'
"Na, 'O sige, bilihan na lang kita ng toothbrush.' Hindi naman ibig sabihin no'n nagli-live in na.
"Naiintindihan ko naman kung bakit ang mga tao ay ia-assume iyon sa nai-tweet ko. At do'n ako medyo sorry at regretful."
Inihahalintulad ni Mo ang love story at naging relasyon nila ni Rhian to a great movie na aniya'y maa-appreciate nang husto ng sinumang makakapanood.
"I just said that kasi parang it's a really good love story. Better than any movie that I have seen.
"And if ever you get to read about it one day, you' realize also na it was amazing," sabi niya.
Sa ngayon, tila huminto ang pag-ikot ng mundo para kay Mo matapos silang mag-break ni Rhian.
When will he start moving on?
"I don't know. I just need to survive first. And then we'll see."
Kapag nakita niyang may bagong boyfriend na si Rhian, do'n pa lang ba niya matatanggap na talagang nag-end na ang love story nila?
"Yeah, mangyayari naman talaga iyon, e. Eventually, I'm sure she'll find somebody new.
"And if that's the case, sana love her like I did. Kasi she's very worth it."
With that, parang sinabi na rin niyang tanggap na nga niyang hindi na sila magkakabalikan pa?
"Hindi naman tanggap. But eventually, mangyayari naman talaga iyon," sabi niya.
Pero kung siya ang tatanungin, ano ang ending na gugustuhin niya sa love story nila ni Rhian?
"That we work things out and everything will be okay."
Magkaroon ng part two?
"Sana!" sambit niya.
RHIAN'S SIDE. Samantala, hindi pa rin nariringgan ng anumang pahayag ang kampo ni Rhian.
Pero lumabas sa PEP Alerts na kinuha na ng kampo ng Kapuso young actress ang serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan upang maging legal counsel nito.
Si Atty. Kapunan na raw ang sasagot ng lahat ng mga tanong tungkol sa relasyon nina Rhian at Mo.
Sa pagpasok ni Atty. Kapunan sa eksena, nangangahulugan ba na may balak ang kampo ni Rhian na magsampa ng reklamo laban kay Mo?
Reade more >>

After School talks about their negative press experiences




It’s not uncommon for an idol group to face sharp criticisms or to be talked about in a condescending way. While it’d be nice if they could overcome everything calmly, it’s difficult to constantly live under the standards of skeptics. Unsurprisingly, criticisms are even harsher towards girl groups.
After School in particular were victims of many misunderstandings and rumors. In a recent interview, the members expressed how they felt heartbroken and wronged.
Kahi confessed, “I felt like it was really unfair when I was labeled as the ‘loser girl’. I said what I said because I myself am tall and I talked about my ideal type… it was disappointing.”
In the past, Kahi guested on MBC’s “Quiz to Change the World“.
When she was asked about her ideal type, she stated, “I prefer above 183cm (6ft) tall”, causing her to be compared to the girl who stated that short guys are ‘losers’ during an episode of “Chat with Beauties“.

Raina stated that she was most upset about something that occurred last year during the 2010 KBS Music Festival. She stated, “There was a stage where members of girl groups came out together and danced the point choreography. I’m not very good at dancing, so I was a little embarrassed. That’s why I looked at the other members and laughed, but f(x)’s Luna happened to be diagonally in front of me.
She continued, “The next day when I looked it up, they made it look like I was laughing at Luna’s dancing. That’s not why I laughed, so I was very sorry and embarrassed. When I saw her during a broadcast later on, I apologized, and she said it was okay.”
Reade more >>

Charice's rendition of Philippine National Anthem at Pacquiao-Mosley fight was "perfect" NHI said.


Bukod sa tagumpay sa kanyang mga laban ni Sarangani Representative at 8-division world champion na si Manny Pacquiao, isa pa sa inaabangan ng mga Pinoy sa tuwing may laban ang Pambansang Kamao ay ang pagkanta ng Philippine National Anthem ng napiling singer ng boxing champ, na kung minsan ay pinagmumulan din ng kontrobersiya.
Sa laban nga ni Pacquiao kontra kay Shane Mosley noong Linggo, May 8, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, ang Pinay international singing sensation na si Charice ang napiling kumanta ng "Lupang Hinirang."
Ayon nga kay Charice sa isang interview, "Gusto ko lang na parawala nang issue and all that, gusto ko na sundin lang yung patakaran."
Dati na kasing nasita si Charice ng National Historical Institute(NHI) sa nauna niyang pagkanta noon ng Pamabansang Awit kaya ingat na ingat siya ngayon.
Ang NHI ang unang nagre-react kapag sa tingin nila ay hindi tama ang pagkanta ng National Anthem sa laban ni Pacquiao.
Maganda naman ang naging resulta ng pagkanta ni Charice. Maging ang NHI ay pinuri rin ang pag-awit ng Pinay singer.
Sa phone patch interview ng Tweetbiz Insiders kagabi, May 9, sa officer ng NHI na si Mr. Teddy Atienza, sinabi nito na "perfect" daw ang pagkanta ni Charice ng "Lupang Hinirang."
"Perfect po ang pagkakanta niya. Tamang-tama po yung kanyang tempo.
"Tamang-tama po ang kanyang bilis at buong-buo niya pong nakanta yung ating Pambansang Awit," sabi ni Mr. Atienza.
Kumonsulta ba ang kampo ni Charice sa NHI para sa pagkanta nito ng "Lupang Hinirang"?
"Lahat po ng malalaman namin kung sino yung kakanta, sinusulatan po namin sila at pinapadalhan din po namin sila ng CD ng tamang pagkanta ng 'Lupang Hinirang.'
"Si Ms. Charice Pempengco po, pinapunta po niya yung kanyang... si Ms. Grace Mendoza, yung manager niya po yata yun, at humingi pa rin po ng CD dito sa amin.
"Kahapon po, pagkatapos ng kanta niya, madami akong natanggap na tawag atsaka text.
"Pinapasalamatan ho ng aming tanggapan ang magandang pagkakanta ng 'Lupang Hinirang' ni Ms. Pempengco," pahayag pa ni Mr. Atienza.
Reade more >>