Wednesday, May 18, 2011

Mo Twister not offended by Rhian Ramos's decision to hire legal counsel


Usap-usapan pa rin ang pagkuha ng abugado ni Rhian Ramos para sumagot sa isyu ng breakup ng aktres at ng TV host at radio jock na si Mo Twister.
Si Atty. Lorna Kapunan ang kinuhang legal counsel ng GMA Artist Center para kay Rhian. (CLICK HERE to read related story.)
Sa lumabas na balita rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuha raw nila ang serbisyo ni Atty. Kapunan para sa legal issues na kakaharapin ng aktres kaugnay ng mga endorsement nito.
Maaari raw maapektuhan ang mga endorsements ni Rhian ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Mo, lalo na yung may morality clauses dito.
Ayon naman kay Atty. Kapunan, plano niya ring kausapin si Mo tungkol sa isyu nila ni Rhian.
Naniniwala raw kasi siyang maaayos pa ang lahat nang hindi umaabot sa korte.
Pareho naman daw "intelligent and rational" individuals sina Mo at Rhian.
"We are looking at talking to Mo seriously. I have guested in his show twice, and I think he's a very rational person.
"And I think if we talk to him, emphasize to him the importance of not damaging other people's reputations, he will also appreciate [Rhian's position].
"So we're still hopeful that, in the end, this will be settled out of the court because the parties naman are intelligent and rational people," paliwanag ni Atty. Kapunan.
DJ MO REACTS. Kahapon, May 17, hindi maiwasang itanong kay DJ Mo ng co-hosts niya sa Juicy Express—daily showbiz talk show ng TV5—ang tungkol sa pagkuha ng abugado ni Rhian.
Si Cristy Fermin kasi ay nagpahayag ng pagkontra sa bagay na ito.
Aniya, "Ako, kaya kong tanggapin yung panghihingi ng pieces of advice sa isang lawyer.
"Pero kung gagawin mo yun sa isang paraan para lang mang-intimidate ka at makaganti ka, hindi ako pasable dun."
Kaya hiningi ni Cristy ang reaksiyon ni Mo sa pagkuha ng kampo ni Rhian ng legal counsel.
"Siguro just for advice," sambit ng radio-TV host.
"Ayoko naman sana yung mga tao, i-give too much sa pagkuha ni Rhian ng lawyer. Kasi sa lawyer na assigned, I think, ng GMA para sa kanya.
"Hindi naman siya naghahanap ng abugado. Parang binigay lang as adviser.
"At marami namang endorsements si Rhian, marami siyang projects outside GMA na kailangan talagang alagaan.
"You know, the best thing to do is really to give the right answers.
"And the right answers could come probably from professionals."
Bagamat sinasabi ng ilan na may iba pang reason sa pagkuha ng abugado ni Rhian, iba naman ang pananaw ni Mo dito.
"Pero again, I think hindi si Rhian ang kumuha dito. It was assigned to her.
"Ginagawa niya lang yung gustong gawin ng employers niya.
"At ang employer niya, yung GMA. So, huwag naman sanang isisi kay Rhian," sabi ni Mo na nagdi-deklara pa rin ng pagmamahal niya sa dalaga.
Hindi ba siya nao-offend dito?
"No, I'm not offended by any means at all," sagot ni Mo.
"At yung lawyer naman niya ay isang kaibigan ko.
"So, this is something just to help us mediate about the issues."
Naging kaibigan ni Atty. Kapunan si Mo dahil kay Hayden Kho Jr., na kliyente ng abugado sa kasong isinampa rito ni Katrina Halili.
Samantala, nagpadala ng text message ang corporate communications department ng GMA-7 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang ituwid daw ang isyu.
Sinabi nilang walang anumang partisipasyon ang network sa pagkakaroon ng legal counsel ni Rhian.
Ang maikling statament ng GMA-7: "The decision to hire a legal counsel was not made by GMA Network. It was a personal decision of Rhian and her family."
Reade more >>

Marian Rivera has no "identity crisis" even with four different acting projects at the same time


Bukod sa epicserye ng GMA-7 na Amaya, abala rin si Marian Rivera sa pagsu-shooting ng dalawang pelikula—ang Temptation Island ng Regal Films at GMA Films, at Ang Panday 2 ng Imus Productions at GMA Films.
Sabay-sabay ginagawa ni Marian ang tatlong proyektong ito, bukod pa sa weekly sitcom niya sa Kapuso network na Show Me Da Manny.
Kaya nga biro ng PEP.ph (Philippine Philippine Entertainment Portal) kay Marian, hindi ba siya nalilito sa dami ng characters na ginagampanan niya ngayon?
Lalo na sa Amaya na sinaunang babae ang role niya, samantalang sa Temptation Island naman ay isang modernong "babaeng bakla" ang role niya.
"Hindi naman... 'Ay, sa Temptation, ako dito si Cristina, malandi ako dito. O, pag Show Me Da Manny, si Marian lang, walang effort.
"Ang pagiging bading, walang challenge 'yan sa akin, bilang bakla naman ako sa totoong buhay!" tawa niya.
Nakausap ng PEP at iba pang piling entertainment editors si Marian sa pocket presscon na inihanda ng GMA-7 para sa aktres at leading men niya sa Amaya.
Kasama rito sina Sid Lucero at Mikael Daez kahapon, May 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.
THE CHALLENGE. "Ito yung challenge talaga sa akin," patuloy ng aktres.
"Kasi yung Temptation Island... Hindi ko sinabing nagawa ko na before, pero for the first time, tinanggap ko 'tong Temptation na si Azenith kasi doon, na ginagampanan ko dun, as Cristina G, e, pinakamalandi sa lahat.
"Maharot talaga siya, which is hindi ko naman ginagawa sa buong buhay ko sa soap opera.
"Pero dito sa Temptation, makikita nila yun.
"Ngayon lang talaga ako nagpa-sexy—na literal na sexy. Pero, sexy na nakakatawa, ginawan ko ng twist.
"Kasi noon, si Azenith, malandi lang siya na sexy.
"Ako, ginawa ko, malandi ako dito, maharot, sexy, pero nakakatawa ako."
Ang role ni Marian ay unang ginampanan ng dating beauty queen at aktres na si Azenith Briones sa original Temptation Island movie na ipinalabas noong 1980.
Hindi ba siya nagulat na kaya pala niyang gumanap ng gano'ng klaseng role?
"Nakakatawa lang kasi at ease ako, kasi kasama ko sila Lovi [Poe], sila Heart [Evangelista].
"Nagkaroon ng bonding with Solenn [Heussaff], Rufa Mae Quinto, na parang okay lang.
"Tapos, bago pa kasi nagsimula itong shooting ng Temptation, nag-one-on-one na kami ni Direk Chris."
Si Chris Martinez, na direktor ng bagong version ng Temptation Island, ang nagdirek ng critically-acclaimed films na 100 (2008) at Here Comes The Bride (2010).
Kuwento pa ni Marian tungkol kay Direk Chris, "Gusto niya ako ma-meet, na magkita kami, mag-usap kami.
"Sinabi niya mga gusto niya mangyari. Ako naman, sinabi ko yung mga hindi ko kayang gawin sa kaya kong gawin.
"So, hindi naging mahirap para sa akin na mag-adjust.
"Yun nga lang, mahirap nga lang, kasi Ilocos, straight ng straight seven days, nakabilad kami sa araw."
Sa disyerto ng Paoay, Ilocos Norte, kinukunan ang halos lahat ng mga eksena sa Temptation Island.
May proteksiyon naman daw si Marian at ang ibang cast ng pelikula sa matinding sikat ng araw: "Sunblock!"
"Kulang na lang laklakin ko yung sunblock!" tawa ni Marian.
"Wala, e, kasi ang hirap pag nag-sunburn ka. Maghihirap ka din after, masakit.
"So, proteksyon na lang sa sarili, kung ano yung mga dapat."
BABAENG HALOS WALANG PAHINGA. Wala raw reklamo si Marian kahit apat na sabay-sabay ang ginagawa niyang projects ngayon.
Aniya, "Siguro kahit madami kang ginagawa, as long as ine-enjoy mo talaga siya, at alam mo na ito ay trabaho, trabaho.
"At the same time, alam mo na kung ano makukuha mo sa trabaho na yun, e, talagang pagsisikapan mo talaga.
"Hindi naman all the time, e, marami kang projects palagi.
"Dumating din naman ako sa point na dalawa, isa lang project ko.
"E, this time, ngayon, sabi ni Lord, 'Ang tagal mo nang [wala], after Endless Love, ha. O, ito trabaho mo!'
"'Ay, thank you Lord!' Ito, bongga!"
Sa dami ng ginagawa niyang trabaho, may naisisingit pa ba siyang araw ng pahinga?
"Oo naman. Kundi, lagot sa akin si Popoy! Subukan niya!" natatawang biro ni Marian tungkol sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.
"Hindi, example, every Sunday, dapat wala.
"Pero nakikiusap ang Panday, kasi every Thursday and Sunday lang nabibigay ko sa kanila.
"Dahil MWFS, e, nasa Amaya ako. Tuwing Tuesday, nasa Show Me Da Manny ako.
"So, may mga bagay na... Example, Saturday, itong Saturday na 'to, pictorial lang naman ako ng Women's Health.
"So after ng Women's Health, anim na layouts.
"After nun, puwede na akong magpahinga, puwede na akong kumain sa labas, o mag-ano man kasama ng family.
"Meron din naman kahit papa'no. Parang bigyan naman ako ng buhay, binibigay naman sa akin. Hindi puwedeng wala.
"Ngayon, bago ako pumunta dito, nagkita kami ni Dong, nag-lunch kami together, tapos pumunta ako dito.
"Kahit saglit lang, mahalaga magkikita pa din," kuwento ni Marian tungkol sa bonding nila ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.
Reade more >>

Marian Rivera learns ancient history through her role as warrior princess in Amaya


Malapit nang umere ang epicserye ng GMA-7 na Amaya, pero nakaka-tatlong taping days pa lang daw ang bida ritong si Marian Rivera.
Pero marami na raw nakunang eksena ang direktor nilang si Mac Alejandre dahil magsisimula ang kuwento noong bata pa ang karakter na ginagampanan ni Marian bilang Amaya.
“Kasi, papasok ako week two, e. Yung week one, wala ako, lahat puro bata,” banggit ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon na inihanda ng Kapuso network para sa mga bida ng Amaya na sina Marian Rivera, Mikael Daez, at Sid Lucero, kaninang tanghali, May 17.
Ginanap ang presscon sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.
Ayon kay Marian, sa Morong, Bataan pa ang location ng taping niya kahapon, May 16.
Pero bukas, May 18, ay sa Pagsanjan, Laguna naman daw ang location nila.
“Oo, madami talaga, e, madami,” sagot ni Marian nang tanungin ng PEP kung bakit tila malalayo at marami silang location.
Paliwanag niya, “Pulo-pulo kunwari. Pero ang importante kasi, yung kinukunan, may dagat—magandang dagat.
“Kasi meron nga kaming Karakoa na tinatawag, na malaking bangka siya.”
Ang tinutukoy ng aktres ay ang sasakyang pandagat na sadyang ginawa para sa Amaya na nagkakahalaga diumano ng milyong piso.
“Nakasakay ako dun kahapon, yun yung eksena ko kahapon,” banggit pa niya.


PASAWAY NA BINUKOT. Nilinaw naman ni Marian ang akala ng iba na kuwento ng mga Muslim ang Amaya dahil sa nakikitang costume ng ilang cast members sa mga larawang nailathala na. Pero ang kuwento raw nito ay base sa mga totoong pangyayari.
“Alam ko, sinaunang panahon po talaga, at itong Amaya na ito, yung pangalan, e, ginawa na lang po siguro.
“Pero yung istorya, kung ano yung nangyayari noong araw, lahat totoo.
“Kasi may mga taga-UP na may mga study sila tungkol dito, kung paano talaga yung mga binukot.
“Yung mga binukot, e, yung mga prinsesang hindi puwedeng makita ng ibang kapwa-tao, lalo na sa ibang lugar.
“Parang kung sa alahas, e, iniingatan, tinatago, walang puwedeng makakita.
“Bilang pasaway ako, so gusto ko makakita ng ibang lugar, yung sky, yung dagat—gusto ko makita lahat.
“Kasi sa binukot, ito lang makikita, nakatakip ako all the way.
“So, ako yung binukot na pasaway!” paglalarawan ni Marian sa kanyang role.


MOST EXPENSIVE SERIES. Hindi lang miminsang inanunsiyo na ang Amaya ang “pinakamalaki, pinakamagarbo, at pinakamagastos” na seryeng ginawa sa kasaysayan ng GMA-7.
Bilang pangunahing bituin sa isang napakalaking proyekto gaya ng Amaya, hindi ba nakakaramdam ng matinding pressure si Marian sa responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat?
“Sa bawat primetime show na ginagawa ko, palagi naman may pressure ‘yan,” sagot ng tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network.
“Pero ang importante diyan, natsa-challenge ako, nagkakaroon ako ng project kung paano ko ie-explore na naman yung sarili ko, paano ko na naman dadalhin si Amaya, ako bilang Amaya.
“Kasi bawat serye, natatapos at natatapos, nag-iiba yung character ko.
“So, this time, lagi ko sinasabi, first time ko gagawa ng original story.
“Kasi, lagi na lang remake, e—Marimar, Dyesebel, Darna, [Babaeng Hinugot Sa Aking] Tadyang, Endless Love…lahat remake.
“So, ito yung first time ko na gagawa ng isang soap opera na original story at walang kapangyarihang nakikipaglaban.
“Kasi bawat fight scene ko, parati ako may powers. This time, wala.
“As in sariling tao, sariling training ko na makikipagsapalaran ako.
“At ako lang ang babaeng warrior na makikipaglaban sa lahat ng lalake. So, ganun kabigat,” dire-diretsong pahayag ni Marian.


THE WARRIOR. Dumaan ba siya sa training para sa role niya bilang mandirigma?
“Opo, arnis,” sagot niya.
“Kasi naniniwala sila na arnis daw… Kasi ang gusto lang naman nila mangyari, hindi naman maging hustler ako sa arnis, pero yung tipong tamang tindig, tamang paghawak.
“Kasi yung sword minsan, malilito ka, e, kung ano harap sa likod. Kasi halos magkapareha.
“So, tinuturo sa amin paano tamang paghawak, tamang kamay, tamang pagsugod.
“So, hindi basta-basta may espada ka…gaganun ka, hindi.
“Kasi meron daw silang mga routine na kailangan magaya namin nung araw.
“So, medyo mahirap kasi detalyado lahat, hindi ka puwedeng gumawa ng sarili mong bersyon.”


LEARNING THE OLD LANGUAGE. Bukod sa pagsasanay ng arnis, ang isa pang pinagtutuunan ng pansin ni Marian ay ang pagsasalita ng malalalim na Tagalog.
“Katulad kahapon, ang daming lengguwahe na ang lalalim, na ngayon ko lang narinig.
“Na, ‘Kailangan ko humawak ng isang kantilan para maghiganti at sugurin ang mga kawal.’ Yung mga ganun, sobrang bibigat at lalalim!
“Kumbaga, yung normal na soap opera, puwedeng swak lang, e, na, ‘Ay, gusto ko mahanap yung prinsesa, sasaksakin ko siya!’ Puwede naman ganun.
“Ang problema, hindi puwedeng ganun… ‘Nararamdaman kong kailangan kong hawakan ang isang kantil at sugurin ang mga kawal upang ipaglaban ang ating…’
“Ganun! Parang makata, ganun kalalim.
“So, ang kantilan pala, espada ang ibig sabihin.
“Karuruk-rurukan, kataas-taasan pala.
“So, parang medyo nakaka-challenge lang din, pati mga lines.
“Imbes na acting mo lang iintindihin mo, hindi, pati yung lines.
“Kasi hindi puwede magkamali kaya paulit-ulit kami…”
Nagbigay pa ng ibang halimbawa si Marian ng mga malalalim na salita na natutunan niya: “Ang tawag sa tatay, Baba. Ang tawag sa nanay, Alya. Ang tawag sa prinsesa, Bay…”
“Educational talaga—yun ang tamang term.”


NO BIG DEAL. Noong mga nakaraang panayam kay Marian, madalas niyang sabihin na hindi dapat pagtuunan ng pansin ng press ang napabalitang “topless scene” niya sa Amaya.
Pero marami pa rin ang nagulat nang sa mismong teaser ng epicseryeng ito ng GMA-7 ay napanood si Marian na naka-topless. Isang kumpirmasyon na totoo nga ang napabalitang may ganung eksena ang aktres.
Ngunit hangga’t maaari ay ayaw itong pagtuunan ng pansin ni Marian dahil mas marami pa raw mahahalagang bagay na dapat pag-usapan.
Aniya, “Actually ano, naging big deal yung eksena na ‘yan, pero hiningi din naman sa akin ni Direk ‘yan.
“Hinihingi ko din yung kooperasyon n’yo na ayaw ko na din pag-usapan yung regarding diyan sa topless.
“Kasi ang feeling ko, ang dapat pag-usapan dito, yung istorya, yung kagaganda ng cast talaga.
“Pinaghirapan yung Karaoka. Kumbaga, imagine mo, ginawa yung bangka na yun ng ilang buwan para lang magamit sa taping namin.
“Yung mga location namin, pati yung binukot na…binubuhat ako, ha.
“Alam mo, imadyinin mo yung duyan, tapos may apat na hawakan, apat na lalake nakahawak sa akin. Tapos nakaupo ako sa duyan na nakatago.
“Bawat kaming prinsesa, may ganun—si Rochelle [Pangilinan], ako, si Ms. Gina Alajar…
“Except si Ms. Lani Mercado bilang uripon siya. Uripon is alipin na nanay ko siya.
“So, lahat kami na mga prinsesa dun, lahat may sariling binukot.
“So, parang dun na lang mag-focus, huwag na dun sa istorya na nakaganun [topless].
“Kasi, hindi naman namin gagawin yung ganun kung wala nung araw na nakaganun talaga.”
Nilinaw rin ni Marian na hindi naman ganun ang hitsura o costume niya sa kabuuan ng serye.
Kuwento niya, “Ako nga, kahapon, naka-prinsesa ako.
“Marami naman akong damit, e. Actually, pito ‘ata yung damit ko, e—tatlo yung prinsesa, may alipin, may warrior…
“At yung pagiging alipin ko is tatagal lang ‘yan ng isang buwan. The rest, buong istorya, warrior na ako.”
Ang karamihan naman daw ng male cast ay naka-bahag.
“Iyan talaga yung hindi ko ‘pagkakaila—lahat ng lalake, kahapon, isandaang cast ‘yan, lahat nakabahag!” bulalas ni Marian.
Reade more >>

Vina Morales says Nasaan Ka Elisa? still in search of timeslot fit for mature audience


Ilang buwan na rin ang nakararaan nang ipalabas ng ABS-CBN ang teaser ng bagong teleserye na pagbibidahan ni Melissa Ricks, Nasaan Ka Elisa?.
Ang naturang teleserye ay Pinoy adaptation ng Chilean soap opera na Donde Esta Elisa?.
Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan talaga ito ipalalabas sa telebisyon.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa isang cast member nito na si Vina Morales, sinabi niya na kasalukuyan pa rin silang nagte-taping para sa teleserye.
Natatagalan lamang umano ang pagpapalabas nito dahil, "Hindi nila alam kung ano ang time. Hinahanapan pa ng timeslot.
"Kasi masyadong pang-mature, e. Ang daming iniikutan.
"Ngayon, they're really looking for the right time kung saan dapat ilagay. Dapat afternoon. I don't know. We'll see."
FIRST KONTRABIDA ROLE. Masaya naman si Vina na napasama siya sa naturang teleserye dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang kontrabida.
Para kay Vina, isang hamon ito sa kanya bilang aktres dahil, "Ever since naman, since I was ten years old, puro naman ako little Sharon, mabait, 'tapos inaapi ako.
"Alam mo 'yong gano'n? Puro ako iyak, lumalaban man, pero hindi gano'n kataray."
Bukod sa kanyang role, nag-aalala rin umano si Vina sa magiging reaksyon ng mga manonood tungkol sa karakter na kanyang gagampanan sa Nasaan Ka Elisa?.
"Nai-stress lang din ako because I don't know kung ano ang mga reaksiyon ng mga tao.
"Pero tinatanong ko rin naman ang mga Vinanians, 'Ano sa tingin ninyo? Okay ba?'
"Kasi, medyo may pagkaseksi at daring ang pagkakontrabida ko. So, nire-ready ko na lang sila na, 'Abangan n'yo na lang po'.
Hindi naman daw nababahala si Vina na baka dahil sa kanyang role ay magbabago ang tingin ng tao sa kanya.
Kung may mainis man sa kanyang pagganap bilang Cecile Altamira Caceres, ibig sabihin daw nito, "nagwo-work ang aking pagiging kontrabida!"
Pero aniya, "Alam naman ng mga tao 'yon. I mean, I've been touring, I've been doing shows in provinces, nakikilala rin nila ako.
"I've been in the business for a long time na. I'm sure kilala na nila ako na hindi ako gano'n.
"I mean, kaya nga ako blessed, hanggang ngayon nandito pa rin ako sa trabaho na ito, kasi mahal ko ang trabaho kong ito.
"At the same time, I know how to deal with other people. Wala naman akong attitude problem na ganyan."
Reade more >>

Vina Morales on being a mom: "It's the toughest job in the world."

\

Aminado ang celebrity mom na si Vina Morales na nararanasan na niya ang sinasabing "terrible two" sa kanyang two-year-old daughter na si Ceana.
Ang "terrible two" ay isang developmental stage sa mga bata kung saan mas napapadalas ang kanilang "mood swings at temper tantrums," ayon sa artikulo ni Vincent Iannelli, M.D., sa website na About.com.
Bukod dito, dinagdag pa ni Vina na mas naging malikot ang kanyang unica hija.
"Totoo talaga 'yon. Dati sabi ko, 'Totoo talaga 'yan?' It's so true.
"She's very active now and it's so hard to cope up with her.
"Kasi, ang likot-likot na niya, she runs around," sabi ng singer-actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa "Pampers Salutes Moms" event kaninang tanghali, May 17, sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Pasig City.
At bukod sa mga natutunan niya mula sa kanyang mga nararansan, sinabi ni Vina na nakatutulong din ang mga payo ng kanyang ina at mga kapatid niyang mga ina na rin.
Sabi pa niya, "You know, being a mom, it's the toughest job in the world.
"At times, it may require assistance from your mommy. I'm just so happy that my mommy is always there for me.
"After I gave birth, my friends were there, na mga mommies din.
"My sisters also are mommies na, except si Shaina [Magdayao]. Siyempre, hindi pa siya nakaka-relate.
"You know, it really requires assistance. Like this kind of events din, mas marami kang matututunan.
"I mean, di ba, you grow more? You become a better mom for your kid."
GIVING HER BEST FOR CEANA. Higit sa pag-iintindi ng sinasabing "terrible two" sa mga toddler tulad ni Ceana, nais din umano ni Vina na maibigay ang best para sa kanyang anak.
"I'm determined to give my best to my daughter. I want to be the mom for her," nakangiting sabi ni Vina.
Dagdag pa niya, "Katulad ng sinabi ko, hindi ako magiging perpekto, but I want to give the best for her.
"I think any parent, any mom naman would agree to say na gusto nating maibigay ang lahat-lahat ng best for our kids."
Ito marahil ang isang dahilan kung bakit nasabi ni Vina na mas gusto na muna niyang makatapos ng pag-aaral ang kanyang anak sa halip na pumasok agad sa showbiz.
Sabi ng 35-year-old mom, "Being a mom, parang gusto ko munang i-enjoy niya ang childhood niya kasi hindi ko na-enjoy 'yon.
"Di ba, I started so young, I started early working for myself and for my family?
"So, I don't want her to experience that stress. Batang-bata pa ako nagtratrabaho na ako.
"I want her to enjoy. I want her to finish school, her education.
"I didn't finish mine. 'Yon lang, I want her to finish school and enjoy life talaga."
Kung sakaling dumating naman daw ang panahon na gustuhin ni Ceana na pasukin ang mundo ng showbiz, hindi naman daw pipigilan ni Vina ang anak.
Gusto lang siguruhin ni Vina na, "Hilig niya talaga. I can see talaga na mahilig siyang kumanta. She loves music.
"But for now, we'll see."
SINGLE PARENT. Samantala, sa naturang panayam, nabanggit ni Vina na nandoon din sa event ang ama ng kanyang anak na si Cedric Lee, na patuloy pa rin ang pagtulong sa pagpapalaki ng kanilang anak kahit hiwalay na sila.
Nabanggit na noon ni Vina na hindi naman kailangan ng partner para maging mabuting ina. (CLICK HERE to read related article)
Tila ito pa rin ang kanyang pananaw dahil hanggang sa ngayon ay hindi naman naghahanap si Vina ng panibagong karelasyon.
"Gusto ko for now, ang priority ko for now is Ceana and then myself."
"From there siguro, that's the time I'd say, kapag medyo buong-buo na ang sarili ko, I'm ready to date and find the right person for me."
Kung sakali mang dumating umano ang makakatuwang niya sa buhay, nais niya na mamahalin din niya nang buong-puso si Ceana.
"For now, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko, with whom will I end up with.
"Basta ang pine-pray ko lang, whoever he is, I know na mamahalin niya si Ceana.
"I don't know. I mean, hindi natin malaman kung sino ang makakatuluyan ko talaga, e—past ba, future, o present.
"Ang hangad ko lang talaga is 'yong anak ko."
ON SISTER SHAINA. Samantala, napag-usapan din sa interview ang nakababatang kapatid ni Vina, ang young actress na si Shaina Magdayao.
Paano kung maging ina na rin tulad niya ang kanyang kapatid?
"She's too young!" natatawang sabi ni Vina.
"I mean, for me, siyempre naman may sariling buhay na siya. I'm just here to support her in any decisions.
"But for now, I think she has to concentrate on her career muna."
Hindi naman ikinaila ni Vina na nananatiling masaya si Shaina sa relasyon nito kay John Lloyd Cruz.
Kuwento pa niya, "Lovelife, suwerte siya because John Lloyd talaga is treating her well.
"Alam mo 'yon, mabuti siya sa amin, hindi lang kay Shaina.
"I'm just hoping for the best sa kanilang dalawa."
Pero bago matapos ang usapan tungkol kay Shaina, muling sinabi ni Vina, "For now, huwag na munang baby. Huwag na muna, not to get married yet.
"There's so many things na dapat pa nilang pagdaanan together."
Reade more >>

Jake Cuenca convinces avid fan to return to her family after leaving them for him


Live na nag-guest sa The Buzz noong Linggo, May 15, ang young actor na si Jake Cuenca.
Pero bago ang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, ipinakita muna ang isang VTR interview sa isang fan ni Jake mula sa Iloilo pero tubong-Mindanao.
Siya ay si Elizabeth Aquino Suarez, 51 years old. Isang maybahay na may limang anak at ang asawa ay isang engineer na nagtatrabaho sa Singapore.
Nagdesisyon si Elizabeth, o Beth, na iwan ang pamilya niya at hiwalayan na ang asawa dahil madalas din naman daw silang mag-away.
At lumuwas nga siya ng Mayila.
Noong May 6, pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nag-stay lang si Beth sa airport sa pag-asang makita ang kanyang idolong si Jake.
Ayon kay Beth, nararamdaman niya na siya ang babaeng mahal ni Jake.
Three years ago pa raw nang "magpadala" sa kanya ng text messages si Jake.
Ayon pa sa kanya, sa pamamagitan daw ng mga teleserye ni Jake ay naipararating sa kanya ng aktor ang "sagot" nito sa kanya.
Na base raw sa "sagot" ni Jake sa kanya mga serye ay "mahal" din daw siya ng aktor.
Pero dahil isang linggo na nitong pamamalagi sa airport, sinita na siya ng airport authorities.
At ang naging hakbang ng mga awtoridad ay makipag-ugnayan sa kampo ni Jake para maiparating dito ang sitwasyon ni Beth.
Nagpunta naman agad si Jake sa Affairs Division ng Terminal 1 sa NAIA noong May 13, at doon ay nagharap na nga ang dalawa.
Naging mapayapa naman ang pag-uusap ng dalawa.
Pinakiusapan ni Jake na balikan na ni Beth ang kanyang mga anak at ayusin ang kanyang pamilya.
Naging positibo naman ang pakiusap ni Jake sa kanyang tagahanga.
Nagdesisyon itong bumalik sa Iloilo dahil yun daw ang sabi ni Jake.
Tuwang-tuwa rin si Beth nang bigyan siya ng jacket ng aktor.
FIRST TIME. Sa panayam naman ni Toni kay Jake, sinabi ng young actor na first time niyang maka-encounter ng ganitong sitwasyon sa isang fan.
"Meeting Beth, yung mga ginawa ni Beth, it was a first. Definitely, it's a first," sambit niya.
Ano ang na-feel ni Jake ngayong na-realize niya kung ano ang impact ng isang celebrity sa kanyang tagahanga?
"Actually, yung una, noong... Kasi, sinabihan ako ng daddy ko, nabasa niya sa diyaryo.
"Initially, I wanted to go there para mapakiusapan siya, umuwi na siya sa kanila, sa pamilya niya."
Ano naman ang masasabi niya na isang linggong nag-stay si Beth sa airport sa pag-asang makita siya at sa iniisip nitong siya ang babaeng pakakasalan ng aktor. Hindi rin daw ito naliligo at nagpupunas lang ng mukha.
"Yun na nga, noong mabalitaan ko 'yan, it's very flattering.
"Siyempre, merong tumatangkilik sa 'yo ng ganoon ka-intense.
"Siyempre, seven days, iniwan ang pamilya.
"I wanted to go there right away.
"I talked to my handler, pero sabi nga niya, kailangan mas organized.
"Kasi, hindi namin kilala ang kikitain namin.
"So, ako, masaya lang ako, everything went well. Yun lang ang masaya do'n.
"Sa mga ganitong paraan, doon mo lang masusuklian ang suporta ng fans sa 'yo.
"Kapag merong kasong ganyan na alam kong fan ko, responsibilidad ko sa kanya yun."
Ang buong akala raw kasi ni Beth, ang text messages na natatanggap niya mula kay Jake ay para lang sa kanya. Ang hindi niya alam, text messages ito na ipinapadala ni Jake sa kanyang subscribers sa KText.
Amg KText ay isang uri ng komunikasyon ng Kapamilya talents sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng text. Pero bago ka makatanggap ng text messages mula sa mga artistang ito ay kailangang mag-subscribe ka muna. May bayad din ang ganitong uri ng komunikasyon.
Ani Jake, "Siyempre, ini-explain ko kay Beth, yung mga text ko, text natin sa KText, it's for general public. Sa lahat ng nagpa-follow sa akin.
"I tell them what I'm doing within the day. I tell them what I eat and send them pictures.
"Pero siyempre, that's for everyone.
"So, ang ginawa namin, nag-exchange kami ng information ni Beth.
"Sabi ko sa kanya, 'Beth, kung padadalhan mo ako...' Kasi, nagpadala raw siya ng sulat, hindi nakarating sa akin.
"Sabi ko, 'Kung magpapadala ka sa akin ng sulat, litrato, dito mo ipadala. Siguradong makakarating sa akin at sasagutin ko siya.'
"Kasi, hindi raw nakarating sa kanya."
Pinuri naman ni Toni ang ginawang pagpunta ni Jake sa airport para personal na harapin si Beth.
Sabi naman ni Jake, "Pagpunta ko sa airport, ang dinadasal ko, 'Lord, bigyan n'yo po ako ng kalakasan na ma-convince siyang umuwi dahil kailangan siya ng pamilya niya.'
"So, kay Beth, kung nanonood ka man ngayon, sana alagaan mo ang pamilya mo.
"At sa pamilya ni Beth, sana alagaan n'yo siya dahil napakaespesyal niyang tao. Sana maayos na rin lahat.
"And Beth, thank you, it's my pleasure to meet you. Hindi kita makakalimutan.
"At tulad ng sabi ko sa 'yo, sulatan mo lang ako, susulatan din kita."
ISSUE WITH WESLEY. Tinanong din ni Toni si Jake tungkol sa balitang nagkaroon daw sila ng iringan ng PBA player na si Wesley Gonzalez.
Magkaibigan ba silang dalawa?
"Now, we're friends. Okay na kami ngayon," sagot ng young actor.
Before?
"We didn't know each other," sabi ni Jake.
"That night, it was very silly. Wala naman talaga."
Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Wesley? Totoo bang muntik na silang magsapakan nang magkita sila sa bar?
"No, hindi naman umabot sa ganoon," tanggi ni Jake.
"Siyempre, it's a misunderstanding. Pero within 10 minutes, naayos din agad yun.
"For me, to make a big fuss about that, nothing naman happened. And no bad words were exchanged.
"Within 10 minutes, naayos din naman namin kasi we have similar friends. Naayos din naman namin agad.
"It's something I don't want to make a big issue kasi naklaro naman."
MELISSA RICKS. Hindi rin naiwasang itanong ni Toni kay Jake ang tungkol sa estado ng relasyon nila ni Melissa Ricks.
"We're good, we're good," sambit ng binata.
Diniretso ni Toni si Jake na noon daw ay they were the "best." Ngayon ba ay "good" na lang?
Natawa si Jake sabay sabing, "Me and Melissa, siyempre sa isang relationship, there's always bad times, there's good times as well.
"In every relationship, meron tayong kanya-kanyang problema.
"We're fixing things. It's been busy.
"Basta, one thing for sure, our friendship will always be there.
"We'll always support each other and there's some things that we have to fix."
Dagdag pa ni Jake, "One thing that is evident, no matter what happens, ang suporta ko kay Mel ay palaging nandoon.
"Walang taong sumuporta sa akin na katulad ni Mel. Sobra talaga ang pagsuporta niya sa akin."
Pero bakit wala sa premiere night ng In The Name of Love si Melissa?
"Hindi, siyempre, maybe she's preoccupied.
"Pero, hindi ko rin naman magagawa ang ginawa ko sa In The Name of Love kung wala si Mel.
"She supported me for a year and a half. That was a year and a half namin shinoot ang movie.
"She was my inspiration."
Is she still his inspiration right now?
"Basta me and Melissa, she will always be an inspiration to me," nakangiting sabi ni Jake.
Ayon naman kay Toni, hindi na raw nila pag-uusapan ang tungkol sa mga tweet ni Melissa.
Pero sigurado raw na may pinagdadaanan daw ang dalawa at umaasa siyang maaayos din ang lahat.
Reade more >>