Tuesday, May 17, 2011

Angel Locsin exclaims "Kinikilig ako. Kinikilig ako." after receiving four "surprise gifts" from Phil Younghusband


Si Angel Locsin, na kasalukuyang umaani ng magandang feedback dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name of Love, ang guest sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez sa The Buzz noong Linggo, May 15.
Ang bungad ng misis ni Aga Muhlach, noong una pa lang daw niyang napanood ang movie sa dubbing, nag-text na raw siya sa young actress na "this is her movie and she will shine."
Ang masayang pahayag naman ni Angel, "Salamat Ate Charlene. Ako, I'm very blessed lang talaga na nahawakan ako ng magagaling na tao rito sa pelikulang ito. Kasama ko si Kuya Aga [Muhlach] na hindi talaga ako binitawan. So, para sa akin, yun yun, e. Hindi ko magagawa or hindi ko kayang gawin ang ipinakita ko rito kung hindi dahil sa kanila."
Ang tanong ni Charlene, ano ang pakiramdam na isa nang certified blockbuster artist ngayon si ANgel dahil sa tagumpay ng kanyang recent movie with Star Cinema?
"Hindi ko alam. Hindi ko ma-feel. Parang ngayon kasi, ang bilis kong magsalita, 'di ba," natatawa niyang sabi. "Sa ngayon kasi, I'm very happy kasi kung alam niyo lang kung gaano ang hirap dito ng staff, ng production, sa tingin ko, karapat-dapat silang magkaroon ng alam mo yun...ay, kasama ako sa proyektong 'yan. Super happy ako for them."
Ang kuwento pa ni Charlene, noong premiere night, kung saan napagitnaan si Aga nina Angel at Charlene, madalas daw ang pagtapik ng male lead sa kapareha para sabihan ng "good job."
"Wow naman," sambit ng Lobo star. "Thank you...salamat talaga. Thank you kasi, inaamin ko, mahirap talaga. Nahirapan talaga ko rito sa character ko rito plus sa schedules and all. Salamat, maraming salamat. Kasi sa trabahong ito, yung ma-compliment ka lang, masabihan ka na gusto ko yung ginagawa mo, wala na, sobrang sulit na, wala nang pagod."
Nanood daw ng movie si Angel kasama si Kris Aquino?
"Yeah, nanood kami. Pinanood niya yung pelikula 'tapos, I think, nag-tweet yata si ate Kris about the movie, kung gaano kagaling si Aga Muhlach, si Jake na isang revelation nga naman sa pelikulang ito. Na-appreciate rin niya ang ginawa ko rito, so, I'm very happy.
"Siyempre, alam ko kung gaano ka-busy si ate Kris tapos nanood siya. Nagkaroon kami ng movie date, sobrang na-appreciate ko talaga yun," ang masayang kuwento ng dalaga.
If there's one person na sobrang proud daw kay Angel since she started her showbiz career, ito ay ang kanyang ama, na hindi nadalaw ng 24-year-old star noong nagkasakit dahil nagsabay ang taping at shooting ng Imortal at In The Name of Love. Ano naman ang naging comment ng kanyang daddy?
Ang kuwento ni Angel, "Kanina, tumawag sa akin. Siya yata yung gumising sa akin. Sabi niya, 'Angel,' kasi nasa baba ang room niya, nasa taas ako. 'Kumusta yung pelikula niyo? Kumusta yung kita?'
"[Sabi ko] Dad, ngayon pa lang ako pupunta ng ABS, ngayon pa lang ako makikibalita.
"Ganoon naman talaga si daddy, number one fan ko talaga yun. Mas marami pa siyang nalalaman kesa sa akin. Mas updated si daddy."
THE OTHER MAN IN HER LIFE. Dumako ang usapan sa kanyang dine-date na si Phil Younghusband. Ang tanong ng host, ano raw ba ang relationship status ng young actress ngayon?
"Well, doon ako sa exclusively dating talaga. Well, kasi kami ni Phil, kapag may ini-entertain na kami, yun lang. Hindi namin kaya ang sabay-sabay. Lalo na ako, hindi ko kaya ang sabay-sabay kasi kapag meron na akong dine-date, yung focus ko sa kanya lang. Ganoon ako. Ayoko kasi ng paiba-iba. Hindi ko kaya ang paiba-iba."
Sila na raw ba ni Phil?
"No, no, hindi pa. Masyado pang maaga. Pero sa ngayon, ine-enjoy na lang muna namin kung ano ang nadi-discover namin sa isa't-isa. Kilig-kilig."
Nag-I love you na raw ba si Phil kay Angel?
"Hindi ko alam, siya na lang ang tanungin niyo," ang tila nahihiya niyang sagot. "Hindi ko pa masabi...bigay niyo muna sa amin 'to. Mahirap kasi iniisip ng tao, kami na talaga. Ako kasi, ayoko pang magmadali talaga. Gusto ko munang i-enjoy 'to. Kilalanin siya.
"Kasi, I'm 26 na. Ayoko lang sigurong maglaro. Ayokong masaktan. Careful lang ako."
Tila hindi naman makapaniwala si Angel sa apat na surprise gifts ni Phil sa kanya.
Una rito ay isang personalized card na tila hand-made pa. Sa cover ay may nakasulat na "applause, applause." Sa request na rin ni Angel, si Charlene ang magbasa ng dedication:
"Dear Angel, Congratulation on your movie. You did a great job. These gifts are for you in the name of love. Lots of love, Philly."
Tanong ni Angel, kay Phil daw ba talaga galing ang card? Oo ang sagot ni Charlene. Natatawa na halatang kinikilig si Angel sa mga narinig.
Ang ikalawang gift naman ni Phil ay isang water bottle na may handwritten note si Phil na, "Dear Angel, I thirst for your affection. Phil."
Dahil dito, lalong lumakas ang sigawan ng mga kinikilig sa loob ng studio ng The Buzz.
Ang ikatlong gift naman ni Phil ay isang pillow to make sure raw that Angel is always comfortable.
Ang panghuling gift ni Phil kay Angel, na madalas biruin ni Charlene na ang haba na raw ng hair nito, ay isang bear. Sa mismong paper bag isinulat ang note ng football player na, "Someone to cuddle you when I'm not there."
Sa lahat ng gifts ni Phil, ang nasambit ni Angel, "Surprise! Nagulat ako."
Dugtong niya, "First time na may gumawa sa akin noon. Hindi ko alam, e. I'm very thankful lang talaga do'n sa time, sa effort, and si Phil kasi, nararamdaman ko na palagi lang siyang nandiyan. Kahit alam niya na hindi pa ko ready, kailangan ko pa ng time, pero sobrang thankful talaga ko sa kanya.
"Kinikilig ako. Kinikilig ako. Thank you, thank you."
Hirit pa ni Angel, "Hindi naman ako na-brief na ganito pala ang interview na ito. Oh my god, natatawa niyang sabi."
Ayon kay Charlene, nakaka-flatter when a man professes how much he loves you.
Sinegundahan naman ito ni Angel nang, "Oh yes, oh yes, yung proud siya sa 'yo. Ipinagmamalaki ka niya sa buong mundo. Nakakagaan ng loob. Maraming salamat. Thank you, Phil."
On the other hand, sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon, what are the things she is most thankful for?
"Maraming bagay, Ate Charlene, e. Siyempre yung pamilya ko. Hindi ko ipagpapalit sila kahit kailan dahil yung support nila, nandiriyan. Yung friends ko na naka-suporta sa akin, naiintindihan nila ko. Sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin, sa mga angels ko, kasi alam mo yun, kahit na may mga nababasa silang negative about me, nandiyan pa rin sila, sumusuporta at hindi sila agad nagpapa-apekto."
Sa huli, pinasalamatan ni Angel ang director nila sa movie na si Direk Olive Lamasan.
Aniya, "Inang, hindi ko po ito magagawa kung hindi dahil sa inyo. Maraming-maraming salamat pong talaga. Isa po kayong genius talaga. And Tita Malou [Santos], marami pong salamat talaga. Hindi kayo sumuko sa schedule. Kasi, sabay po talaga ang Imortal, medyo mahirap pong talaga ang schedule at maraming-marami pong salamat talaga, Tita Malou."
May pahabol pang tanong si Charlene kay Angel, ready raw ba itong i-give up ang lahat in the name of love?
Ang nakangiti namang sagot ni Angel, "In time..."
Reade more >>

Judy Ann Santos really enjoying real-life role as mother to Yohan and Lucho


Sa pictorial ni Judy Ann Santos para sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Junior MasterChef, nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa iba't ibang bagay na may kaugnayan sa kanyang pagiging ina.
Paano ba ang pakiramdam ng isang ganap nang ina?
"Masaya, very fulfilling," sambit niya.
"Masaya ang pakiramdam na nagigising ka sa bawat araw.
"Ako, ang typical day ko, magigising ako ng umaga, papasok ako ng kuwarto ng anak ko, I'll check on them if they're already awake. Kaunting laro kay Lucho.
"Then magluluto na ako ng baon ni Ryan para sa shows niya o kung may taping siya that day.
"Kung halimbawang may trabaho sa araw na yun, bonding muna with the kids.
"Alis na muna sa trabaho, tapos balik ako agad to make sure na hopefully gising pa sila na maabutan ko.
"Bilang nanay, ganun ka pala, 'no? Eager kang umuwi kasi gusto mong maabutan yung mga bata.
"O, kung manonood ka ng sine, always last full show kasi dapat tulog muna yung mga bata.
"Pag manonood ka ng sine, parang hindi ako mapakali kasi parang naiisip ko sila."
MOTHER'S DAY. Tanong ng PEP, kumusta naman ang naging selebrasyon nila noong nakaraang Mother's Day, May 8?
Ayon kay Juday/Judai, "Nung Mother's Day, hindi kami lumabas ng bahay kasi bumabagyo.
"Nasa Alabang kami. Nag-lunch na lang kami nina Mommy [Carol Santos] sa bahay [namin] after watching Pacquiao."
Ang tinutukoy ni Juday ay ang May 8 na laban ni Manny Pacquiao sa U.S. kontra kay Shane Mosley, na pinagwagian ng Filipino boxer at Sarangani representative.
Patuloy na kuwento niya, "Nag-lunch kami kasama ang mommy ko, ate ko, sister-in-law ni Ryan, at mommy ni Rye.
"Kasi pag nasa restaurant kami, parang kulang na lang singilin ako ng restaurant sa nasisira ng mga bata.
"Sabi ko, dito na lang tayo sa bahay. Kung may masisira man kami, maglinis na lang."
Ayon pa sa aktres, "Ang kaibihan lang ngayon, naiintindihan ko na yung card ni Yohan.
"Kasi dati, hindi ko naiintindihan kasi nag-i-scribble lang siya.
"Pero ngayon may mga words na, mayroon ng magandang note kay Mommy.
"Nakakatuwa. Tapos pag tinitingnan ko yung mga anak ko, nanay na ako!"
Ano naman ang regalo sa kanya ni Ryan noong Mother's Day?
"We normally give gifts to each other kahit walang mga okasyon, so yung mga ganung bagay...
"Basta ang importante, pag may mga okasyon na ganyan, magkakasama lang kami, okay na yun."
YOHAN & LUCHO. Kinumusta rin ng PEP kay Judy Ann ang kanyang mga anak na sina Lucho at Yohan.
"Seven [months] na siya nung Friday," banggit ng aktres tungkol sa kanyang bunsong anak na lalaki at unang biological child.
"Siyempre anak ko, sasabihin ko napakaguwapo. Maputi, hating-hati...
"Pag tinitingnan ko nga yung pictures niya nung bagong panganak siya, sobrang ibang-iba ang hitsura niya ngayon.
"Kasi nung ipinanganak siya, sabi ko, 'Bakit mukhang tarsier ang anak ko?'
"Pero kasi, ang cute-cute niya, ang laki-laki ng mata!
"Tapos sabi ko nga kay Ryan, 'Love, nakyu-kyutan ba tayo sa anak natin dahil anak natin siya?' Pero cute talaga siya, e.
"Ngayon, ilong at lips, kuha sa akin, tapos pataas kay Ryan.
"Napaka-steady na bata, happy lang siya, tawa lang nang tawa.
"Iiyak lang pag gutom or inaantok. Ang bait, sobrang bait.
"Nagku-crawl na siya, malikot na siya."
Pagpapatuloy ni Juday, "Si Yohan naman, mahilig magsalitang mag-isa 'yan sa camera.
"Siguro kasi napapanood niya ang mga shows na nakikita niya yung host, kaya ginagaya niya.
"Natatakot ako, hindi ko alam kung saan siya patungo!" Sabay tawa ng artistang tanging tinatawag na superstar besides Nora Aunor.
Dagdag nito, "Nae-enjoy na niya masyado ang TV. She loves seeing herself on television, she loves to entertain."
Wala na bang selos sa parte ni Yohan, na inamin dati ni Ryan ay naging problema nila bago ipanganak si Lucho?
"Siyempre, mayroong selos," prangkang sagot ni Judy Ann.
"Hindi naman yata mawawala sa panganay yun, lalo na kapag may kapatid na lalabas, di ba?
"Mayroon, pero tina-try naman naming i-explain sa kanya na, 'It doesn't mean na kapag may bagong baby, hindi na ikaw yung baby.'
"Sinasabi namin na, 'Magiging baby ka namin hanggang thirty-five ka na!'"
IN THE LIMELIGHT. Laging sinasabi ni Ryan dati na si Juday ang tanungin kung papayagan niyang gumawa rin ng commercial si Lucho o mag-aartista si Yohan.
Dahil daw, si Juday bata pa lang ay sumabak na sa pag-aartista.
So, papayagan ba niyang gumawa ng commercial si Lucho, o pumasok sa showbiz si Yohan?
Sagot ng dating child star, "Ang hirap kasing magsalita kung ang panahon noon ay panahon ngayon na napakasarap mag-artista.
"Kapag bata ka kasi, walang expectations yung mga manonood, tapos hindi ka napi-pressure magdalaga.
"Parang sa akin, sa opinyon ko, ang mga batang artista ngayon from 8 to 10, hindi na dumadaan ng 10 to 12.
"Gruma-graduate na sila ng 10 to 12, tapos 16 na agad yung utak nila magbihis, makisama, makipag-usap.
"I don't want our daughter to go through that.
"Gusto ko ma-enjoy niya talaga ang childhood niya kasi hindi na niya mae-enjoy yung childhood niya.
"Ako lang, kung mababalikan ko lang yung pagbata, binalikan ko na. Kaya lang, hindi talaga.
"So, yun ang gusto naming ma-experience niya.
"Gusto ko masubukan niyang maglaro sa labas. Hindi siya masyadong nag-a-iPod, hindi siya masyadong nagko-computer always.
"Pinagpu-football namin siya ngayon kasi gusto niya yung football.
"Gusto namin siyang turuan ng patintero, tumbang preso, taguan, kasi dun kami ni Ryan lumaki.
"Ayaw namin siyang maging bum na nandun lang sa harap ng computer, pumapapak ng tsitsirya.
"Gusto namin active siya."
Dagdag ng 33-year-old actress, "Regarding Baby Lucho, basta okay ang produkto, basta ginagamit at hindi magkakaproblema sa bata, bakit hindi?
"Deserve naman ng mga tao na makita ang baby namin kasi nasa harapan nila ako for how many years.
"Tina-try ko lang i-explain na hindi lang agad-agad.
"Siguro pag nanay ka... May ibang nanay na gustong i-share agad ang anak nila.
"Ako, siguro, kilala rin naman ako ng mga tao na hindi ako agad-agad, gusto ko ako lang muna.
"Gusto ko makita ko muna siya na nade-develop.
"In time, siyempre ilalabas din namin siya.
"Hindi naman puwedeng hindi kasi masyado naman kaming sasabihang selfish ng mga tao."
Open book ang pagiging adopted ni Yohan. Bagay na, ayon sa aktres, ay hindi naman niya itinago kay Yohan kahit kailan.
"What's nice about Yohan," sabi ni Judy Ann, "she knows naman from the start.
"Every time she asks question, we answer her in the most proper way.
"Ine-explain namin sa kanya nang maayos na, 'You didn't come from Mama's tummy.
"But you know what, God is really good because when we prayed, He gave you to us.
"So you come from Mommy and Daddy's heart.
"So when people ask you kung saan ka galing, you come from Mommy's heart.' Ginaganun namin siya.
"Nagtatanong pa rin siya, 'Who's my Mommy? Do you know my Mommy?' May mga ganun siya.
"Siyempre sa akin, 'Hay, paano ko ba ito sasagutin? Paano mo ba ie-explain sa batang six years old kung saan siya nanggaling?'
"Mas mabuting sa amin na manggaling kung saan ang pinagmulan niya kaysa sa ibang tao ang magsabi sa kanya, na baka yung way na pagsabi sa kanya ay hindi maganda.
"Baka magrebelde yung bata o iba yung intindi niya, hindi namin siya ma-shelter sa ano pang puwedeng mangyari.
"So as much as possible, we are very honest to Yohan sa bahay, hindi yung mga lies-lies na ganyan.
"Yun ang upbringing namin sa kanya," saad ni Juday.
Reade more >>

Iwa Moto is now safe after suspected suicide attempt


Pagkatapos kalampagin ni Iwa Moto ang mundo ng showbiz noong Huwebes, May 12, dahil sa ipinakitang galit sa dating boyfriend na si Mickey Ablan, kagabi, May 15, naman ay isinugod siya sa ospital dahil sa umano'y tangkang pagsu-suicide. 
Si Iwa ay GMA-7 Kapuso talent; si Mickey ay isang mixed-martial artist at hindi tiga-showbiz.
Lumabas nga sa PEP Alerts kahapon ng umaga, May 16, na: "Kalat na ang balitang nagtangka diumanong magpakamatay si Iwa Moto kagabi, May 15, sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso. Nakaligtas naman daw ang young actress at kasalukuyang naka-confine sa isang ospital. Marami ang naniniwalang ang pagtatangkang ito ni Iwa sa kanyang sariling buhay ay may kinalaman sa insidenteng nangyari sa kanila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mickey Ablan."
Pero kagabi, sa Tweetbiz Insiders ng GMA News TV Channel 11, nilinaw ni Justine Ferrer, ang isa sa mga hosts ng show at dating Survivor Philippines castaway, ang nangyari kay Iwa.
Si Justine ay kaibigan at kasama sa bahay ni Iwa. Nakatira sila sa isang three-storey townhouse na katabi lang ng GMA-7.
Si Justine ang nakatira sa third floor, sa pangalawang palapag naman si Iwa, at sa ground floor naman tumutuloy ang personal assistant (P.A.) ni Justine.
THE DISCOVERY. Base sa kuwento ni Justine sa Tweetbiz Insiders, lumalabas na hindi naglaslas ng pulso si Iwa.
Ito ay uminom umano ng antibiotic capsules.
Pagbabalita ni Justine tungkol sa gabi ng May 15, nang pumasok siya at dalawang kasamahan sa kuwarto ni Iwa:
"Bale po kagabi, pinatawag ako ng P.A. ko kasi medyo meron daw commotion sa second floor.
"Tapos, nandun yung parang friend ni Iwa at kababata, na parang anak-anakan daw niya.
"Tapos, nagpunta kami sa room. Sabi ng kaibigan ni Iwa, wala raw doon si Iwa.
"Tapos sabi naman nung friend, 'Hindi, nandito siya. Alam ko nandito siya.'
"Tapos, naririnig niya raw na parang may umuungol... 'Ummm,' na parang ganyan yung boses.
"Tapos, nai-stress na siya na kailangan mabuksan yung pinto kasi naka-lock yung pinto.
"So, tinawag namin yung guard para buksan yung pinto—as in, winasak yung doorknob.
"Pagbukas namin ng ilaw, nakadapa na siya dun sa kama. Tapos ang daming suka!
"Tapos, wala na kaming alam gawin kundi dalhin na talaga sa ospital."
Ano ang hitsura ni Iwa bago nila dalhin sa ospital?
"Namumutla, tapos nangingitim yung labi, tapos nangingitim yung sa mata niya," sabi ni Justine.
Unconscious ba si Iwa?
"Hindi na siya nakakausap. Parang unconscious, pero yung mata niya parang nakaganun," ani Justine, na ang ibig niyang sabihin ay nakamulat konti.
IWA IS NOW SAFE. Ayon pa kay Justine, safe na raw si Iwa ngayon.
Nakalabas na raw ito sa ospital at nakauwi na sa bahay.
"Doon po sa mga pamilya ni Iwa at saka sa mga kakilala ni Iwa, ngayon po okay na po si Iwa.
"Nagpapahinga siya, nagpapalakas na."
Ano naman ang reaksiyon ng pamilya ni Iwa sa nangyari sa aktres, lalo na ng mommy nito?
"Yung mother niya po talaga yung unang-unang nag-aalala sa kanya," sabi ni Justine.
"Kaya lang, medyo hindi rin makapunta yung mommy kasi medyo nerbiyosa. So, medyo delikado rin dun sa nanay."
May pakiusap din si Justine sa mga tao.
"Konting pag-intindi lang po sana kay Iwa at dasal. Sana maging maayos na rin ang lahat."
Naitanong din kay Justine kung nakuha na ba ulit ni Iwa ang cell phone niyang inagaw umano ng kanyang boyfriend noong May 12.
"Hindi na nakuha yung cell phone niya.
"Hanggang ngayon nga po hindi malinaw kung nasaan yung cell phone," sagot niya.
Ayaw pa raw magpa-interview ni Iwa kaya hindi pa makumpirman kung suicide attempt nga ba ang nangyari sa aktres.
THE ROOT OF THE PROBLEM. Matatandaang una nang naospital si Iwa para ipagamot ang mga sugat na tinamo matapos nilang gumawa ng eksena ni Mickey sa GMA Network compound noong May 12.
Nagsimula ito nang dumating si Mickey sa set ng upcoming sitcom ng GMA-7 na Andres de Saya, kung saan isa sa cast si Iwa.
Ang intindi ng ibang naroon ay dumadalaw si Mickey kay Iwa na girlfriend niya. Ang magulo lang dito ay sinasabi ngayon ni Iwa na hindi na niya boyfriend ito mula Disyembre pa.
Ano't anupaman, nagulat na lang daw ang lahat nang biglang sumigaw at magwala si Iwa dahil inagaw raw at itinakbo ni Mickey ang cell phone niya.
Meron daw kasing lalaking pinagseselosan si Mickey kaya gusto nitong makita ang cell phone ng Kapuso actress.
Sa paghabol nga ni Iwa kay Mickey ay nadapa ito at nagkasugat sa kaliwang tuhod.
Pero nang hindi na makita ni Iwa ang ex-boyfriend ay binalingan nito ang kotse ni Mickey na nakaparada sa labas ng townhouse ng dalaga, katabi lang ng GMA Network.
Binasag ni Iwa ang salamin sa harap at likod ng kotse.
Nang madaanan ng GMA News reporter na si Nelson Canlas si Iwa ay tinulungan niya ang aktres makapasok sa townhouse nito, kung saan din nakatira si Justine.
Nang malinis ang sugat nito ay isinugod na nila si Iwa sa ospital.
Pero hindi pa rito natatapos ang lahat dahil muli ngang isinugod sa ospital si Iwa noong gabi ng May 15, Linggo, matapos matagpuang nakabulagta ang aktres sa kuwarto nito.
HAPPY & BITTER HIGHLIGHTS OF THE RELATIONSHIP. Upang mas maintindihan kung bakit humantong sa ganitong klaseng gulo ang relasyon nina Iwa at Mickey, binalikan ng Tweetbiz Insiders ang "happy and bitter highlights" ng kanilang relasyon.
Nakilala ng half-Filipino, half-Japanese beauty na si Iwa Moto si Mickey Ablan, isang Filipino na ang field ay mixed-martial arts, sa isang bar through a common friend.
Apat na taon ding tumagal ang relasyon nila.
Matatandaang ipina-tattoo pa ng aktres ang pangalan ni Mickey sa kanyang katawan.
Last year, napabalitang sikreto raw silang nagpakasal sa Silang, Cavite. Isang diumano'y marriage certificate nina Iwa at Mickey ang inilantad ng press. 
Pero kasunod nito ay inamin naman ni Iwa sa Startalk na nag-break na sila ni Mickey. 
Third party diumano ang dahilan ng breakup ng dalawa.
Sari-saring pangalan ang naglitawan at pawang talents ng ABS-CBN ang naugnay sa issue—sina Jodi Sta. Maria at Bangs Garcia.
In a separate interview, inabsuwelto naman ni Iwa ang dalawang aktres.
Kahit hiwalay na, lubhang naging malapit ang loob ni Iwa sa anak ni Mickey.
Kaya nitong Holy Week lang, sinamahan ng aktres ang mag-ama sa kanilang bakasyon sa Boracay.
Pero magkahiwalay raw sila ng tinuluyang hotel.
SWEET NA NAMAN. Kasunod ng kanilang awayan at habulan sa compound ng GMA this weekend, saksi naman ang kanilang followers sa Twitter sa tila masayang palitan ng dalawa ng tweets:
MICKEY: "I've come to realize that we never stop loving the people who leave. We just stop needing them like we used to."
IWA: "@MickeyAblan like q ung tweet mo from the notebook. Super J"
Kaya naman ang inakala ng marami ay nagkabati na rin ang dalawa.
Ang sumunod nga na mga pangyayari ay ang mga ikinuwento ni Justine sa Tweetbiz Insiders, na inilathala naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Reade more >>

Lee Min Ho talks about idols in dramas at ‘City Hunter’ press conference


On May 17th, Lee Min HoPark Min Young, and KARA’s Goo Hara attended the press conference for SBS’s “City Hunter“.
During the event, Lee Min Ho expressed his honest opinion regarding his castmate Goo Hara. He said,
Originally, I was very pessimistic when it came to idols stars and acting. Thanks to Goo Hara, many of my preconceptions have been shattered. When I was a rookie, there were many times in which my pride was hurt and I experienced many hardships. I didn’t like how it seemed that idol stars who made acting debuts had it easy and didn’t go through those experiences.
I didn’t like how everyone struggles through many auditions in order to obtain a small supporting role, but idol stars seem to obtain those roles easily.


However, after meeting Goo Hara and 2AM’s Seulong on “Personal Taste“, Lee Min Ho’s prejudices have changed. He revealed, “Everyone becomes happy when Goo Hara arrives on set. It becomes brighter in an instant.”
On the other hand, actress Park Min Young spoke of her concerns about her acting transformation. She explained,
This is a work that 9 out of 10 opposed. It is a strong work with actions scenes and a strong melodramatic nature. But because I have failed with a melodramatic work in the past, it was hard to take on this challenge. However, I do not worry about whether or not this work will be a big hit. I made my choice according to my heart’s prompting…
I think I get a more competitive mindset when I hear that things can’t do well. ‘City Hunter’ is a work I chose with a competitive mindset… I am practicing a lot for the acting scenes. It feels good to throw down the tall Lee Min Ho.
Lastly, Goo Hara revealed her determination to take on criticisms regarding her acting openly. Goo Hara expresssed,
I started after deciding to take on many criticisms. I always had an interest in acting and I wondered how I would start my acting career. I want to show that I’m going to openly take the inevitable criticisms and I’m going to work hard as I get scolded to show improvements.
When it come to taking criticisms, I will take them head on. I will try my best.
Reade more >>