Thursday, May 19, 2011

Coco Martin named one of the Decade's Best Actors by the Manunuri ng Pelikulang Pilipino


Malakas ang palakpakan at masigla ang audience sa loob ng Marriott Hotel Ballroom noong gabi ng 34th Gawad Urian Awards, last Tuesday, May 17, nang tawagin bilang isa sa tatlong recipient ng "The Decade's Best Actors" award ang matinee idol na si Coco Martin.
Lalo't ang presence ni Coco sa stage ay sinabayan ng napakalakas na pagsigaw ng "I looove you!" bilang pagbibiro ng aktor na si Sid Lucero, na kapwa nominado ni Coco sa pagka-best actor.
Si Sid, na gumanap bilang isang gay lover, ang nanalong Pinakamahusay na Aktor para sa Muli ni direktor Adolf Alix, Jr., samantalang nominated si Coco, para sa Noy ng baguhang direktor na si Dondon Santos.
ACTOR OF THE DECADE. Sa kanyang nakamit na mataas na pagkilala bilang Aktor ng Dekada para sa mga taong 2000 hanggang 2009, nakahanay ni Coco Martin—Rodel Nacianceno in real life—ang dalawa pang batikang aktres na sina Cherry Pie Picache at Gina Pareño.
Sa taong ito, hindi ang bilang ng napanalunang parangal sa naturang dekada ang naging batayan ng Manunuri sa pagbibigay-karangalan sa recipients, kundi "for outstanding works."
Sa pananaw ng Manunuri, naging epektibo ang pagganap ni Coco sa mga pelikulang tulad ng Jay (2008) ni Francis Xavier Pasion, kung saang pagganap ni Coco bilang male lover ng pinaslang na TV practitioner ay nagwagi siya ng parangal sa kategoryang Pinakamahusay na Pagganap/Pangalawang Aktor noong 2009.
At sa mga pelikulang Tambolista (2007) at Daybreak (2008), na kapwa idinirek ni Adolf Alix, Jr; Kinatay (2009) ni Brillante Mendoza; at Noy (2010) ni Dondon Santos, na pawang napagtamuhan niya ng acting nominations.
COCO'S SPEECH. Sa kanyang acceptance speech ay taus-puso ang pasasalamat na nasambit ni Coco sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Here's the full text of Coco's speech:
"Sa Urian, maraming maraming-maraming salamat po!
"Sa lahat ng [miyembro ng] Manunuri...napakalaking utang na loob ko po sa inyo dahil sa maikling panahon ko sa industriya, hindi ko po inaakalang magkakaroon agad ako ng ganitong kalaking achievement.
"Sabi ko nga po, ni minsan, nung bata ako, hindi ko pinangarap na maging artista.
"Nagkataon lang po na sa isang pangarap ko, yun ang naging daan...
"Ang pinangarap ko dati, na magpunta sa abroad, at ginamit ko ang pelikula para maging daan ito [para] makapunta ako sa abroad.
"Na ngayon po'y naging dahilan kung bakit ako nandito.
"Gusto ko po sanang pasalamatan ang mga taong naging dahilan kung bakit ako ngayon nandito.
"Ngayong gabi, nandito ako, gusto kong pasalamatan, unang-una, si Direk Dante Mendoza, sa lahat ng mga tiwalang ibinigay niya sa akin, sa lahat ng mga pelikula [na ginawa namin], sa lahat ng suporta at pagtuturo, at gabay na ibinigay niya sa akin.
"Kay Ihman Esturco [Coco's former manager], kay Ferdie Lapuz, kay Mr. Ed Instrella, kay Armando "Bing" Lao, kay Nanay Johven [Velasco], na nawala na po ngayon...
"At sa lahat po ng mga naging direktor ko sa indie—kay Direk Adolf Alix, kay Raya Martin [Next Attraction], kay direk Francis Pasion...
"At sa lahat ng mga artista at mga staff na nakatrabaho ko. Sa mga 'nanay' ko—kay Nanay Gina Pareño, kay Mommy Cherry Pie Picache, kay Ms. Jaclyn Jose—kay Kuya Alan Paule, at kay Julio Diaz.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng gabay na ibinigay Niya sa akin.
"Para po ito sa lola ko, na ngayon ko lang mapapasalamatan sa lahat ng mga award na natanggap ko.
"Dahil every time na tumatanggap ako ng award, gusto ko agad bumaba [ng stage] sa sobrang hiya," nakangiting sabi rin ni Coco.
"Ngayon, sobrang ipinagmamalaki ko, '''La, para sa 'yo 'to!"
Coco turned misty-eyed sa pagbanggit niya ng mga pasasalamat para sa kanyang lola.
"Sa lahat ng paghihirap at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, thank you so much...and God bless po sa inyong lahat!"
EMOTIONAL. Ayon din kay Coco, sa post-awards interview niya para sa TV5 sa venue lobby, tungkol sa naging madamdamin niyang acceptance speech, "Medyo nahiya ako...parang ayokong maging madrama at emotional.
"Pinasalamatan ko lang [ang lola ko] sa stage... Ito na yata yung pinakamalaking award na natanggap ko, kaya dun ko na inilabas."
Coco missed mentioning onstage his Noy director Dondon Santos, na kanya ring pinasalamatan afterwards.
Ano ang feeling ni Coco na ka-level niya sa parangal ng Manunuri ang mga respetadong aktres ng industriya, like Gina Pareño and Cherry Pie Picache?
"Ay, masarap po!" sambit ng 29-year-old actor.
"Kumbaga, sabi ko nga, napakabata ko pang aktor para makuha ang ganitong award.
"And then, yung makasama sila, sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng blessings."
Reade more >>

Marian Rivera about "Primetime Queen of GMA-7" tag: "Feeling ko, wala namang kokontra!"


Sa latest poll ng FHM para Sexiest Women in the World 2011 ay nangunguna pa rin si Marian Rivera pagkatapos ng apat na linggo. 
Ikinatataba naman ng puso ng Marian ang suportang nakukuha niya mula sa mga tao, sa kabila ng katotohanang hindi pa siya nagku-cover para sa nangungunang men's magazine sa bansa.
Noong 2008 ay si Marian ang itinanghal na Sexiest Woman in the World.
Kung sakali bang siya muli ang manalo this year ay papayag na siyang mag-pose para sa FHM?
"Tanungin n'yo na lang si Popoy," banggit ni Marian sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.
Sabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian, kung sa Temptation Island ay pumayag na siyang magpa-sexy, sa FHM kaya ay mapapayag na rin siya?
"Iba naman yung magazine, iba naman yung movie.
"Pero tingnan natin, bakit hindi?" nakangiti niyang sagot.
Pero sa palagay niya ba ay handa na siya sa sexy pictorial?
"Ay, ano ba yun, naka-bathing suit?" tawa niya.
"Ay, siguro si Popoy na lang tanungin n'yo diyan.
"Kasi sabi niya, pagdating sa FHM, sabihin ko na lang daw, siya na lang [ang tanungin].
"'Tsaka kasi may mga endorsements din ako na... Madami din akong kontrata na pinapangalagaan na kahit papaano, na dapat wholesome pa din—sexy pero wholesome pa din.
"Kaya nga yung Temptation, sexy siya, pero ginawa kong nakakatawa, e.
"So, kahit papaano, may value, hindi all the way sexy ka.
"So, may value ka na nakakatawa," saad niya.
(Ang FHM ay isang Summit Media publication.)
PRIMETIME QUEEN. Hindi maipagkakaila na isa si Marian sa pinakasikat na artistang babae sa Pilipinas.
Patunay nga nito ang madalas niyang pangunguna sa mga botohan, gaya ng FHM Sexiest Women in the World.
Pero sino ang masasabi niyang katapat niyang artistang babae pagdating sa kasikatan?
"Ang hirap—basta alam ko masaya ako kung anong meron ako ngayon," sagot ni Marian.
"Tapos na po akong makipagsabungan sa ibang artista.
"Dati pa po yun, time ng Marimar 'yan, at marami talagang nangyari ng time ng Marimar.
"Pero naniniwala ako mao-overcome mo din, e, as long as napatunayan mo sa sarili mo na kaya mo naman dalhin yung sarili mo, o mag-stand alone."
"Primetime Queen" ang bansag ng GMA-7 kay Marian.
Sa tingin niya ba ay walang kokontra sa ibang mga artista ng Kapuso network sa pagbibigay sa kanya ng titulong ito?
"Feeling ko, wala namang kokontra!" natatawang sagot ni Marian.
"Walang kokontra, naniniwala ako diyan."
Paliwanag niya, "Dahil lahat ng trabaho, ginawa ko nang tama.
"Ginawa ko nang buong-puso ko.
"Binigay ko ang 100 percent ko nang walang pag-aalinlangan.
"Kahit sinong direktor ang makatrabaho ko, naniniwala ako na walang masamang masasabi sa akin."
Reade more >>

Marian Rivera on negative issues: "Ay, ngayon talaga, sorry for the term, pero dedma na po talaga!"


Isa pala si Marian Rivera sa pumila at nanood ng Manila concert ng pop superstar na si Justin Bieber sa SM MOA Concert Grounds noong May 10, Tuesday.
Kasama ni Marian na nanood ng concert ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes Dantes at ang nakababatang kapatid nito.
"Actually, yung Justin Beiber na 'yan, yung kapatid kasi ni Dong, love na love si Justin.
"Although okay din naman ako kay Justin, pero hindi naman yung sobrang 'Ayyy!' Hindi naman yung ganun.
"Pero magaling si Justin talaga. So, pumunta kami dun.
"Wala, nakakatawa na magkasama kaming tatlo, na sabi niya [Dingdong], 'Mukha ba 'kong bakla? Kasi andito ako sa Justin Beiber?'
"Sabi ko, 'Hindi, nag-e-enjoy lang tayo.'
"May mga ganung moment kami na talagang ine-enjoy lang namin yung mga pagkakataon, lalo na para sa kapatid din niya.
"Di ba, bakit hindi namin ibibigay?" kuwento ni Marian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment editors sa pocket presscon para sa Amaya noong Martes, May 17, sa 17th floor ng GMA Network Center.
Ang Amaya ang upcoming epicserye ng GMA-7 na pagbibidahan ni Marian, kasama sina Sid Lucero at Mikael Daez.
Kasama rin daw sila sa pumila sa backstage para bumati nang personal kay Justin.
"Basta isa lang masasabi ko—sobrang galing niya at deserve niya talagang maging Justin Bieber!" sambit pa ni Marian.
"Ang galing niya mag-perform, ang galing niyang kumanta, magaling sumayaw, magaling mag-entertain.
"Magaling siya!"
SNUBBING INCIDENT. Bilang isa ring celebrity, kinuha ng PEP ang opinyon ni Marian tungkol sa napabalitang pagsusuplado diumano ni Justin sa Ninoy Aquino International Airport sa isang empleyado ng airport noong paalis na ito ng bansa.
Nakunan kasi ng video ang nasabing insidente at nai-post pa sa YouTube. 
Pero ani Marian, "Hindi rin, e, mahirap din mag-judge.
"Kasi ako din naman, hindi lahat ng tao napi-please ko, hindi rin naman lahat...
"So, naiintindihan ko siya in some point, na parang, what if may sakit nga siya?
"What if nagsusuka siya after mag-perform?
"What if masama talaga yung pakiramdam niya?
"What if hindi niya nakita, nabalewala lang niya?
"Suplado na ba ibig sabihin?
"Siguro may mga tao na hindi sa lahat ng pagkakataon, e, artista ang dating.
"Siguro may pagkakataon na tao lang naman din siya, nagkakamali din, at talaga naming napapagod din naman.
"Siguro naiintindihan ko din naman siya dahil ako din naman, hindi lahat napi-please ko, e.
"'Tsaka kawawa din naman yung bata, e.
"Parang sunud-sunod din naman yung performance niya, tapos pumunta siya sa ibang bansa.
"After the night na nag-perform siya, umalis na siya, tapos nag-perform na naman."
MISS MISUNDERSTOOD. Kung meron mang isang local celebrity na madalas naiintrigang kesyo suplada, mataray, at kung anu-ano pang hindi kagandahang-asal, ito ay walang iba kundi si Marian Rivera.
Hindi lang miminsang naging laman ng showbiz items si Marian dahil sa kung anu-anong balita tungkol diumano sa pagsusuplada niya sa fans at maging sa kapwa niya artista.
"Yes, palagi," sagot ng Kapuso star nang tanungin kung sa palagay niya ay "misunderstood" lang siya.
"Pero nakakatuwa lang kasi, example, kasama ako sa taping, tapos sasabihin, 'Uy, Marian, si ganito nahihiya daw siya sa iyo kasi parang ang taray mo daw.'
"Sabi ko, 'Ano ka ba, luka-luka 'yang si Marian!'
"Kasi, hindi naman ako ma-showbiz na... Although nagso-showbiz ako, pero hindi ako ma-showbiz na tao yung, 'Hello po, hi, hello!'
"Hindi ako ganun. Civil lang ako.
"Kumbaga, kung kilala kita, ay, iki-kiss kita.
"Pero pag hindi kita kilala, 'Hi!'
"Pero hindi ako ma-greet sa hindi ko kilala.
"'Ay, close tayo, ano number mo?' Hindi ganun.
"Naniniwala kasi ako na dadating at dadating yung panahon na magiging close kayo, magiging close kayo.
"Kung magiging magkaibigan kayo, magiging magkaibigan kayo, bakit hindi?
"Pero may mga bagay kasi na hindi napipilit, e, kusang dumadating.
"Kung hindi talaga, hindi," paliwanag ni Marian.
Pero sa tagal na rin ng panahon na panay ganito ang tira sa kanya ay nasanay na raw ang aktres.
"At first, dati kasi, nasasaktan ako, e, nung bago-bago pa lang ako," sabi niya.
"Ay, ngayon talaga, sorry for the term, pero dedma na po talaga!
"Nasanay na ako, na as long as alam ko na wala naman akong nasaktan, wala naman ako inagrabyado, so go on, go with the flow.
"Ganun talaga ang buhay, artista ka, hindi talaga lahat mapi-please mo.
"Public personality ka, so all you have to do is i-enjoy mo kung ano meron ka, pasalamat ka sa mga taong nakakaintindi sa 'yo, pasalamat ka sa mga taong nagmamahal sa 'yo, di ba?
"Through prayers siguro, 'Lord, sorry po kanina, kasi meron po ata akong hindi napansin, sana po hindi naman lumaki.'
"Siguro through prayers din po, parang natatabunan lahat, e."
THE AGE OF CYBERSPACE. Kumpara noon na sa mga babasahin at TV lamang umaabot ang kung anumang balita tungkol sa mga artista at iba pang personalities, sa panahon ngayon ay mabilis na itong kumalat sa pamamagitan ng Internet. Nariyan ang YouTube, Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites at blogs.
Sa palagay ba ni Marian ay "unfair" para sa mga artistang gaya niya na napakabilis ngayong kumalat ng mga balita—totoo man o hindi—dahil sa Internet?
"Unfair kung unfair po talaga," sagot ng 26-year-old actress.
"Pero wala akong magagawa kasi pinasok mo ang showbiz, na alam mong hawak ka sa leeg ng lahat ng tao, e.
"Ngayon, kung wala ka sa camera, at nasa iba ka, kasama ka ng family mo, yun ang totoong buhay para sa akin, e.
"Yung nasa camera ako, rolling, artista ako.
"Pero pag nag-cut ang camera, andun ako sa family ko—yun ang totoong buhay para sa akin."
Sabi pa niya, "So, bakit ako masasaktan sa mga sinasabi sa akin dito sa showbiz?
"As long as masaya ako sa pamilya ko, pag nagro-roll yung camera nagagawa ko naman yung gusto ipagawa sa akin ni Direk, kasundo ko naman lahat ng co-artists ko, so wala akong problema dun."
ALWAYS LATE? Isa sa bagong iniintriga ngayon kay Marian ay ang madalas daw niyang pagiging late sa taping ng Amaya.
Pero pinabulaanan na ito mismo ng direktor ng show na si Mac Alejandre sa hiwalay na panayam ng PEP. 
"Yes, naliwanag na 'yan ni Direk Mac, lahat ng staff," sabi ni Marian.
"Yun naman ang maipagmamalaki ko—marami silang pinipintas sa akin, pero never akong nale-late sa lahat ng trabaho ko.
"'Yan ang hindi nila mapipintas sa akin!"
Bakit sa palagay niya may lumabas na namang ganitong intriga?
"Kasi malapit na ang Amaya kaya nagsisimula na naman sila!" tawa niya.
"Ang importante, example, sinabi nila, 'Ay, si Marian lagi 'yan late, prima donna.'
"Pero at least naman, pagdating sa set, alam ng mga tao dun, mga katrabaho ko...
"Yun ang importante sa akin, e, hindi yung mga tao sa labas, kundi yung mga taong nasasakupan ko.
"Yung mismong tao sa set, alam nila na hindi ako late, alam nila na professional ako pagdating sa trabaho.
"So, siguro, dahil sa mga kasama ko na yun, sila mismo makakapagsabi na, 'Ay, si Marian hindi nale-late 'yan, professional 'yan.'
"So, sila na hindi ko naman nakatrabaho, ano naman ang kinalaman nila sa akin?
"At anong alam nila kung anong oras ako dumating sa set? Kung hearsay, hearsay lang, di ba?
"So, ako, hindi ko iintindihin yung mga yun.
"Ang importante, sa loob mismo ng set, alam nila yung totoo.
"Kasi ang dami ng issue ngayon, e, umiikot na lang uli sila."
Ano ang pinaka-unfair na issue na naibato sa kanya?
"Unfair, wala," sambit ni Marian.
"Ang tao kasi, naniniwala ako, may freedom talaga, e.
"May karapatan silang mamili, may karapatan silang sabihin...
"Kasi wala, e, tao 'yan, e.
"Kahit ako naman, meron din akong kino-comment. Pero akin na lang yun.
"Kasi artista ako, lahat ng galaw ko [napapansin]."
FAVORITE TARGET. Pero kung papansinin, tila si Marian ang pinakapaboritong target o topic ng mga intriga. Ano ang reaksiyon niya rito?
"Okay lang, ibig sabihin, favorite nila ako," pagkikibit-balikat niya.
"Mas maige nang pinapansin nila ako kaysa dedma sila.
"Okay ako dun. Importante, ine-enjoy ko ang buhay ko.
"Pag kasama ko pamilya ko, ang saya-saya namin.
"Sa lovelife—ako, ang saya-saya ko.
"Career ko, ano pa ba mahihiling ko, 'binibigay na lahat sa akin ng GMA?
"At ngayon, nasa akin ang pinakamalaking proyekto ng GMA, na sobra-sobra yung pagtitiwala nila.
"Ay, wala na bang balance? Dapat may konting ganun [intriga] talaga.
"So, pag lahat ganun na lang, walang ano... E, challenge, e, so okay lang po 'yan."
Paano niya nagagawang tingnan sa positibong paraan ang mga negatibong komento o balita tungkol sa kanya?
"Kasi hindi ako sanay, hindi ako sanay na ginaganun ako ng tao, lalo na at hindi niya ako kilala.
"Pero naisip ko, at na-realize ko, na bakit hindi ko gamitin yung pinag-aralan ko, bilang Psychology graduate ako, bakit hindi ko i-reverse lahat?
"Bakit hindi ko i-enjoy kung anong meron ako?
"Ang dami-daming tao na gustong pumosisyon sa kung anong posisyon ang meron ako.
"At ang daming tao na gusto mag-artista, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon.
"So, ako yung andito, 'Ay, thank you Lord!' Parang andito ako, e, pasalamat na lang ako.
"Hindi naman lahat dapat positive, di ba? Ba-balance din naman.
"At so far naman, dalawa na lang 'ata yung naninira sa akin, e.
"Wala na, lahat okay na," pagtukoy pa ni Marian sa kanyang detractors.
Kilala niya ba ang sinasabi niyang "naninira" sa kanya?
"ABS naman sila, so hayaan na natin," sagot ng aktres, na ang ibig sabihin ay konektado sa ABS-CBN—ang katapat na network ng GMA-7.
"Hayaan na natin sila, halata naman, kasi sa kabila sila.
"Hayaan na natin sila, okay lang yun.
"Kasi yung negative...allergic na ako sa negative.
"Negative ka? Ay, halika, bigyan kita ng tinapay, kainin mo, ha!
"May masasabi pa ba sila pag ginawa mo yung mabuti?
"Inisnaban ka, pero sabihin mo, 'Hi!'
"Sino magdadala nun? Sila, hindi ako," pag-aanalisa pa niya.
PAMBABATOK ISSUE. Ngayon ay sentro na naman ng usapan si Marian dahil sa "pambabatok" diumano niya sa Pambansang Kamao at Sarangani representative Manny Pacquiao sa guest appearance nila sa Party Pilipinas noong Linggo, May 15.
Sa isang bahagi kasi ng programa ay lumabas si Marian habang nagsasalita si Manny, na co-star niya sa weekly sitcom na Show Me Da Manny.
Mula sa likuran ay piniringan ni Marian ang mga mata ng Pambansang Kamao.
Pinahulaan naman ng mga host ng show na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs kung kaninong mga kamay ang tumakip sa mga mata niya.
Nang sumagot si Manny na "Gladys Guevarra"—na kasamahan din nila sa Show Me Da Manny—ay binitiwan bigla ni Marian ang kanyang mga kamay at kunwa'y hinampas sa ulo ang Pambansang Kamao.
Nagbiro pa nga si Marian na kunwari ay aalis na lang siya dahil hindi nahulaan ni Manny kung sino siya.
Pero mabilis na hinila ni Manny ang kanyang mga kamay para pabalikin siya sa gitna ng stage.
Dahil magkasama nga sila sa show ay naging biro lang ang lahat para sa kanila, at walang nakitang pagkaasar o pagkagalit mula kay Manny.
Nang sabihan pa nga ni Marian na mag-taping na si Manny ng Show Me Da Manny dahil palagi na lang daw siya nitong iniiwanan, nangako naman ang boksingero na babalik na siya sa taping.
Hindi pa naitatanong kay Marian kung ano ang reaksiyon niya tungkol sa puna ng iba na tila "nabastusan" sa ginawa niya.
Pero malamang ay ipagkikibit-balikat niya lang ito gaya ng mga nauna nang intriga sa kanya.
PEP'S COMMENT: Meron sa mga PEP staff ang nakapanood ng eksena nina Marian at Manny sa TV.
Tingin namin—bilang serbisyo sa publiko, na di dapat nililito o ginugulo ng mga bagay-bagay na walang katuturan—dapat ibigay namin ang aming opinyon sa pagkakataong ito.
Walang-wala kaming nakikitang isyu sa naging kilos ni Marian. Malinaw na katuwaan lang lahat, na na-capture naman ng malinaw ng mga television cameras.
Nagmukha ngang normal na tao si Manny dahil dito, hindi iyong dambuhalang international superstar ng boxing. Puwede pa pala itong makipagbiruan sa kahit sino.
At ang kabiruan pa ay isang co-star niya sa isang programa. Ang ibig sabihin ay pamilyar si Marian kay Manny, talagang maaari silang maglokohan nang ganoon sa harap ng publiko o kahit sa private time pa nila.
Liban doon, sa lakas ng katawan ng Pambansang Kamao, iyong konting tapik na iyon ng isang Marian Rivera sa ulo nito ay parang hangin lamang na dumaan—o kaya'y isang joke.
Na siya ngang pagkakatanggap ni Manny sa bati na iyon ni Marian: isang joke, hindi isang pambabastos.
Napagaan din ni Marian—at nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs—ang TV appearance na iyon ni Manny, na kagagaling lang sa kanyang latest ring victory. Nagsilbi silang foil para maging charming at funny si Pacman.
Kahit pa hindi si Marian ang involved, kahit ordinaryong artista pa ang kunwa'y nambatok kay Pacman, ito pa rin ang sasabihin ng mga nakapanood sa amin: May pagka-OA ang isyung ito. Wala sa lugar. Walang katuturan.
Kaya naman pala sinasabi ni Marian tungkol sa mga naipukol na sa kanya: "...dedma na po talaga!"
Reade more >>