Wednesday, May 11, 2011

Jake Cuenca feels "vindicated" after watching his performance in In The Name of Love


   "I feel vindicated. I feel, yung alam mo yun, na meron akong nai-release na napaka... It's been a year. We worked so hard and I'm just so happy with what happened tonight," says Jake Cuenca about his performance in his latest filmIn the Name of Love.
Jake Cuenca feels "vindicated" after watching his performance in In the Name of Love
by Rose Garcia


Halatang kagagaling lang sa pag-iyak ni Jake Cuenca nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa premiere ng pelikulang In the Name of Love kagabi, May 10, sa SM Megamall.

Hindi napigilan ng young actor na maapektuhan din sa movie na ginawa, lalo pa nga't first time lang daw niya itong napanood.

"They asked me to watch it, I chose not to. I wanted to watch it tonight, sa premiere," sabi niya.

Ano ang naramdaman niya after watching the film?

"Sinabi ko nga sa kotse papunta rito, kasama ko sina Angel [Locsin] atsaka si Aga [Muhlach], sabi ko, alam mo yung vindication kasi hindi mo pa rin mabitawan hangga't sa mapanood mo na. 

"And I chose talaga to watch tonight. Not when I'm dubbing it. 

"I feel vindicated. I feel, yung alam mo yun, na meron akong nai-release na napaka...

"It's been a year. We worked so hard and I'm just so happy with what happened tonight."

More than his expectation ba ang napanood niya?

"Actually, hindi ko alam ang ie-expect, e," sabi ni Jake.

"Kasi sila Inang [Olivia Lamasan], kino-congratulate na ako bago pa ang premiere night.

"Yung mga taga-Star...  Sinasabi nila, 'Ang galing mo rito Jake.  Ang galing mo!'

"But I really don't know.  Hindi muna ako naniwala hangga't hindi ko napapanood."

Puwede sigurong ituring ni Jake na ang portrayal niya sa In the Name of Love ang pinaka-best niya so far, bukod pa sa ibang-ibang Jake ang mapapanood sa kanya ng mga tao rito.

"Thank you...iniba talaga nila ako. The challenge in this movie was not to be Jake Cuenca. 

"And tulad ng sinabi ko, kaya naging sobrang challenging din ang pelikulang ito, I had to be not Jake in one year.

"Di ba, naihiwalay rin ang pelikulang ito because alam ko kung gaano kaimportante ang pelikulang ito sa mga TV projects ko.

"Talagang ang priority ko for one year and a half was this movie alone," saad niya.

After doing the film, mas na-challenge ba siya sa future movies na gagawin niya?

"Talagang ngayon, nag-enjoy ako doing movies," sabi niya.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive